Chapter 50: His Princess

726K 10.9K 780
                                    

A/N: I just want to say na malapit na po talagang matapos ang story na toh :) As in super duper, major major na malapit na. Exact date? I won’t tell para surprise na lang :) Anyways, a million THANKS sa mga patuloy na sumusuporta sa story na toh. :)

 

Don’t forget to VOTE and post your COMMENTS about the story. FOLLOW ME if you want to :)

 

ENJOY!!!

 

 see EXTERNAL LINK for Kaylee's picture.

 

============================

(Violet’s P.O.V)

 

“Momma, I want to see Betty. She said yesterday that we will play today.”, sabi naman sa akin ni Kaylee pagkatapos ko siyang pakainin ng breakfast niya

3 months na rin ang nakalipas. And no, Kaylee is still not well. And up until now, wala pa rin kaming nahahanap na match donor. The past 3 months have been tough to Kaylee and to me and Kyle too as her parents. Halos palagi kasing walang gana si Kaylee noon at palagi itong nagsusuka dala na rin ng side effect ng chemotherapy sa kanya. And nalagas na rin ang buhok niya… But amidst all that, we’re still being strong for her. Kahit gaano kami nasasaktan sa nakikita naming nangyayari sa kanya, nagiging malakas kami para sa kanya lalo na at nakikita namin kung gaano niya nilalabanan talaga ang sakit niya ng buong tapang…

Betty by the way is Kaylee’s friend. Isa rin itong cancer patient na nakilala niya minsan.

“Okay, si daddy ang magdadala sa’yo sa room ni Betty.”

Pina-upo naman ni Kyle si Kaylee sa wheelchair at tinulak na niya yun palabas ng room ni Kaylee.

Inaayos ko naman ang kama ni Kaylee nang maramdaman kong parang masusuka na ako kaya napatakbo ako sa banyo.

Nagmumog muna ako bago lumabas.

“Shanelle. Are you okay?”, nag-aalala namang tanong ni Kyle na kapapasok lang sa kwarto ni Kaylee

“I’m fine. Where’s Kaylee?”, kunot-noo namang tanong ko sa kanya

“Kasama si mommy. Siya na ang naghatid kay Kaylee kay Betty.”, sabi naman ni Kyle na inalalayan ako sa pag-upo. Nakatitig lang naman siya sa akin at kakikitaan ng sobrang pag-aalala ang mukha nito

“I’m fine Kyle. Really. Morning sickness is just part of being pregnant.”, sabi ko naman sa kanya

“Pero bumabagsak na ang katawan mo Shanelle… I don’t think that’s part of being pregnant. C’mon, let’s go eat first. Kasama naman ni Kaylee si mommy.”, sabi naman ni Kyle at hindi na ako tumutol pa

Gutom na rin ako.

Pagdating naman namin sa isang restaurant na malapit lang sa Kings Hospital ay agad kong nilantakan ang mga pagkaing inorder ni Kyle.

The Billionaire's QueenWhere stories live. Discover now