Day 7.2

164 21 2
                                    


10:00am
Darius
Break na kami ng girlfriend ko. Nahuli ko syang may ibang lalaki. Alam mo yung malala? Naghahalikan sila sa likod ng puno sa may likod ng building kung saan kitang kita ko kasi usapan namin na magkikita kami run. May pasabi sabi pa sya sakin na ayusin daw namin yung relasyon namin. Willing ako eh, kahit na di ko na sya mahal. Nawala na kasi yung pagmamahal na yun nung una nya akong niloko. Gusto ko lang sana maayos namin kasi ayokong mabakante at nagagamit ko pa sya para tumaas yung mga grades ko. Gago rin ako, alam ko. Mas gago lang sya kasi dapat nakipagbreak muna sya bago manlandi ng iba.

Darius
Pasensya na, huh? Hirap na kasing magkimkim kaya sayo ko nalang nasabi.

Armie
Hmmm. Ok lang.

Armie
Pareho kayong may kasalanan, kaya wala akong kakampihan. Siguro, di talaga kayo para sa isat isa kasi di naman mafu-fall out of love ka kung kayo talaga.

Darius
Siguro nga. Salamat

Armie
Sus... Wala namang dapat ipagpasalamat dun. Atsaka, wag mo nalang muna isipin yung mga ganun. Bata ka pa rin naman. I mean, 17 ka palang, diba?

Darius
Oo. San mo naman nakuha ang info na yan? Stalker ka siguro, noh?😏

Armie
Hoy! FYI. Nasa curriculum vitae mo yun. Baka nakakalimutan mong ibinigay mo yun sakin. Hmp😏 assuming!

Darius
Haha. Matino ka rin palang kausap. Homo erectus na.😂

Armie
Anong homo erectus?! Homo sapiens na ako! Buang ka! Di nalang ako sisipot mamaya😝

Darius
Di mo yun magagawa. Haha! Nandito na ako sa labas ng classroom nyo. Grabeng ngiti mo ah. Crush mo siguro ako.

Armie
Jugdemental! Masama bang ngumiti. Nakakaloka lang kasi marunong palang gumamit ng cellphone yung australopithecus na katulad mo.😝

Darius
Bully.

Seen

Darius
Hala! Grabe ah. Nang se seen nalang.😂

Seen

Darius
Nakikita pa rin kita.

Seen

Darius
Oo na, aalis na ako.

Seen

13:00 (Epistolary Novel #1)Kde žijí příběhy. Začni objevovat