Day 26.1

45 1 0
                                    



Video Content.

File name: Darius.jpeg
Setting: School garden
Duration: 00:16:24

Play.

Nakatutok ang camera sa liwanag. Maririnig ang boses ni Armie at Darius.

"Anong ibig sabihin nung chat mo kapag matatapos na tayong mag-usap?" tanong ni Armie.

Muling lumikot ang lente ng camera at tumutok iyon sa mga santan.

"Mahal kita." sagot ni Darius.

"Seryoso ako! Ano nga? Atsaka, ano bang ginagawa mo sa cellphone mo?" tanong ni Armie at lumikot muli ang lente ng camera.

"Nagvi-video." sagot ni Darius.

"Bakit?" tanong ni Armie.

Muling lumikot ang camera at nakatutok na ito ngayon kay Armie at Darius.

"Tingin ka." sinabi ni Darius at ginawa naman iyon ni Armie. Ngumiti siya at kumaway.

"Ano ba 'yan! Parang corny natin," natatawang sabi ni Armie.

"Hindi." tanging sagot ni Darius na nakatitg kay Armie.

"Ba't ka naman tumitingin sa'kin ng gan'yan?" natatawang tanong ni Armie at tinulak ang mukha ni Darius para bahagyang lumayo ito sa kaniya.

"Ngayon ko lang nakita 'yung mukha mo ng malapitan." sabi ni Darius at muling lumapit kay Armie. Napatawa si Armie at tinulak muli si Darius.

"Ano nga ulit ibig sabihin nung huling chat mo?" tanong ni Armie.

"Mahal kita." sagot ni Darius at humagalpak sa tawa si Armie.

"Ang pula ng mukha mo!" natatawang sabi ni Armie at pinisil ang mukha ni Darius.

"'Wag ka ngang mang-asar!" sabi ni Darius ngunit tumawa lang ng malakas si Armie.

"Ulitin mo." si Armie.

"Mahal kita, Armie." sabi ni Darius habang nakatitig kay Armie. Namula ang mukha at ang tenga ni Darius. Pinisil ni Armie ang pisngi ni Darius at hinawakan ni Darius ang kamay ni Armie na pumisil sa mukha niya.

"I love you too." biglang sabi ni Armie makalipas ang ilang minuto. Nagkatitigan pa silang dalawa. Ilang minuto pa nang biglang nag-iwas sila ng tingin sa isa't-isa.

"Para tayong baliw." sabi ni Armie at napatawa si Darius.

"Baliw sa isa't-isa." sabi ni Darius. Napabusangot bigla ang mukha ni Armie.

"Ang corny mo! Uuwi na ako!" si Armie.

"Mamaya ka na umuwi. Usap muna tayo."

"Ayoko!"

"Please?" pakiusap ni Darius. Tumingin si Armie sa kaniya at muling tinulak ang mukha ni Darius.

"Para kang tanga." sabi ni Armie, nangingiti.

"Bakla pa rin ba sa paningin mo?" natatawang tanong ni Darius. Umiling si Armie at nag-iwas ng tingin kay Darius.

"Patayin mo na 'yung video." si Armie.

"Bakit? Memories yan. Nakasave pa nga sa cellphone ko yung mga chat natin eh." natatawang sabi ni Darius.

"Noli me tangere." biglang sabi ni Armie at bahagyang inilapit niya ang mukha kay Darius. Bakas sa mukha ni Darius ang kalituhan si ginagawa ni Armie.

"Huh?" tanong ni Darius.

"Noli me tangere." ulit ni Armie at napatawa si Darius.

"Touch me not?" si Darius. Umiling ng maraming beses si Armie.

"Touch me please?" natatawang tanong ulit ni Darius. Umiling ulit si Armie.

"Nabasa ko 'yun sa Facebook. Touch me please yun? San kita hahawakan?" natatawang tanong ni Darius at hinampas siya ni Armie. Tuluyan nang napatawa si Darius.

"Bastos nito!" si Armie.

"Bakit? Ohh... Double meaning nga pala." natatawang dagdag ni Darius.

"Patayin mo yan!" si Armie. Tumawa si Darius at sinunod si Armie. Muling lumikot ang lente dahil sa pagkuha ni Darius. Nakatutok na ito ngayon sa madilim na parte sa loob ng bag ni Darius.

"Patay na 'yun?" boses ni Armie.

"Oo, pinatay ko na." si Darius.

"Mabuti naman." si Armie.

"Aalis ka na?" si Darius.

"Oo. I love you! Bye!" sigaw ni Armie at maririnig ang mabilis na paghakbang.

"Ba't tinakbuhan ako?" si Darius.

Nagliwanag ang nakukuha ng Camera at pumukos ito sa malapitang mukha ni Darius.

Natakpan ng kamay ang nakukuha ng camera.

Video status: off
Mic status: off

End of the video.

13:00 (Epistolary Novel #1)Where stories live. Discover now