Day 25.3

50 2 2
                                    




Video Content.

File name: Armsss.0935
Setting: School Canteen, lunch time but almost class hour.
Duration: 00:14:44 minutes

Play.

Nakalapit ang mukha ni Armie sa camera. Ngumiti at kumaway.

"Malapit na siyang dumating." bulong niya sa Camera at lumayo na dito. Ipinatong niya ang camera sa kaniya ring lamesa. Muli siyang umupo sa bakanteng pwesto at tumingin-tingin sa paligid. Tumunog ang cellphone ni Armie at agad niya rin itong sinagot.

Armie: Hmmm? Nandito ka na?

Tumingin siya sa kaniyang harapan at napatawa.

Armie: Okay! Kaso nakakapagtaka ah. Parang umiingay na ata dito.

Dumating ang mga estudyante. Tila nagkakagulo.

Armie:
Bakit parang naririnig ko na yung pangalan mo? Kilala ka nila?!

At muli siyang natahimik.

Armie: Bakit parang ang bigat ng bawat paghinga mo?

Akmang lilingon ngunit napigilan niya ang sarili.

Armie:
Bakit? Hindi naman kita kakainin. Show yourself.

Muling tumawa si Armie sa sinabi.

Armie:
Hindi nga!

Muling pagsasalita ni Armie at napanguso. Tila nagpipigil ng ngiti.

Armie:
Hindi ako magaga–

Napatigil ng ilang sandali at nakangiting lumingon. Napawi ang kaniyang ngiti nang makita na ng tuluyan si Darius.

Armie:
Ikaw!? Bakit?!

Akmang hahawak si Darius sa kamay ni Armie.

Darius:
Ako ito—

Biglang tinabig ni Armie ang kamay ni Darius na hahawak sa kaniyang braso.

Armie:
I hate you!

Sigaw niya kay Darius. Lumikot ang camera dahil sa biglang pagkuha sa kinalalagyan nito. Nakatutok na ito sa kisame ng canteen.

Darius:
Mahal kita, Armie!

Sigaw ni Darius at mas bumilis ang paggalaw ng camera. Malabong boses naman ang maririnig mula sa mga estudyante.

Armie:
Mahal? Bakit niya ako niloko?

Boses ni Armie na may halong pagsinghot at pag-ubo.

Armie:
Siya lang pala! Aba! Pangit? Ang gwapo niya! At kilala ko siya! Kilalang kilala.

Galit na boses ni Armie ang maririnig. Bumaba ng kauti ang lente ng camera. Tumutok ito sa daanan kaya naman makikita rito ang pagsunod ni Darius sa kaniya. Mabilis ang paghakbang ni Darius na may halo ring pagtakbo. Bumilis ang may hawak ng camera.

Armie:
Bakit siya susunod? Ano to? Drama?!

At bigla na naman siyang napasinghot. Lumikot muli ang camera at nakatutok na ito sa sahig.

Darius:
Akala ko hindi ka magagalit?

Hinahapong tanong ni Darius.

Armie:
Bakit? Anong sabi mo? Hindi ka gwapo? Na pangit ka? Anong pangit?! Eh parang heartrob ka ng ng campus eh!

Darius:
Armie, please. Wag kang magagalit.

Muling lumikot ang camera at dumilim ang kinukunan.

Armie:
Nakakainis ka, Darius! Mali! Michael! Ang tanga ko talaga. Michael Darius Enriquez.

Darius:
Armie, please... kaya nga ako natatakot.

(Sobs of Armie)

Armie:
Dapat lang! (Chuckles with sobs)

Darius:
Tinakot mo ako.

Armie:
Yung camera ko.

Darius:
Dinala mo talaga?

Muling lumikot ang camera at nakatutok na ito kay Darius.

Armie:
Ngumiti ka.

Ngumiti si Darius at tinakpan ang lente. Muling lumikot at tumutok na ito ngayon kay Darius at Armie.

Darius:
I love you, Armie.

Nakangiting sinabi ni Darius habang nakatitig kay Armie. Bakas pa rin ang luha sa mga pisngi ni Armie ngunit napalitan na iyon ng ngiti.

Video status: off
Mic status: off

End of the video.

Shiela's Note.
Hello! Hello! Hello, Shimies!!!!!
Sana po ay nagustuhan niyo ang senaryo ng kanilang pagkikita. Hihi! This is dedicated to @AlyssaSacamay. Thank you for pushing me to update. Hehe! Enjoy reading!!!❤️

13:00 (Epistolary Novel #1)Where stories live. Discover now