TRES

704 97 1
                                    

--- 

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

--- 

THE nightmares start the moment I close my eyes.

Sa ilang pagkakataon, pakiramdam ko pinagtagpi-tagpi lang ang mga alaalang mayroon ako. Para kang nanonood ng isang palabas sa sinehan na paputol-putol dahil may sira na ang projector. Sa huli, wala kang ibang magagawa kundi manatili sa iyong upuan; pipilitin mo na lang intindihin ang istorya dahil nanghihinayang ka sa binayad mo.

That's exactly how I feel right now.

I feel like I am watching fragments of my childhood and my mind is desprately trying to piece them together.

Nang magmulat ako ng mga mata, namalayan ko na lang na nakatayo na pala ako sa gitna ng isang masikip na pasilyo. Agad akong nasilaw sa liwanag ng lumang fluorescent lights na paminsan-minsang namamatay. Samantala, nanuot sa ilong ko ang amoy ng matatapang na pabangong gamit ng mga estudyanteng dumaraan sa harap ko.

'N-Nasaan na ba ako?'

I stood frozen in place as students kept passing me. I watched in confusion as they talked among themselves and completely ignored my existence. It's like they can't even see me standing here.

At habang tumatagal, nararamdaman kong para bang kinakapos ako ng hininga. Parang may kung anong pwersang pumipiga sa mga baga ko. Nang subukan kong huminga nang malalim, tuluyan na akong nanghina. Sa hindi malamang dahilan, nanginginig na ang mga kalamnan ko sa sakit. 'Anong nangyayari sa'kin?'

"Asmodeus!"

Alam kong ako ang tinatawag, pero para bang ayaw kumilos ng katawan ko.

"Asmodeus..."

Nanindig ang balahibo ko nang tawagin ulit ako ng boses na iyon---ngunit sa pagkakataong ito, mas lumamim ang timbre nito at may kalakip nang pagbabanta. Hindi ko maiwasang isipin na para bang pamilyar ito, pero tuwing aalalahanin ko kung saan ko ito narinig dati, para lang minamartilyo ang ulo ko.

In the blink of an eye, the scenery before me changed.

I was inside a classroom.

Wala namang kakaiba dito maliban na lang sa nakabibinging tunog ng pagkiskis ng lapis sa papel. At habang pinagmamasdan ko ang ekspresyon ng mga estudyanteng abala sa kani-kanilang mga isinusulat, hindi ko maiwasang maramdamang may hindi tama sa sitwasyong ito.

"They shouldn't be smiling."

No, they shouldn't be smiling at all...

Because how the fuck can you manage to smile if your throat is slit open?

Agad akong nagmulat ng mga mata nang marinig ko maingay na pagbukas ng pinto. The thick metal door of my room creaked open, leaving an eerie vibe in its wake. Kasunod nito ay ang nakababahalang musikang nililikha ng mga gulong ng isang trolley. Bago pa man ako mahimasmasan sa bangungot na naranasan ko, nakatayo na sa tabi ko si Nurse Isabelle.

✔Welcome to the Asylum Where stories live. Discover now