OCTO

495 75 5
                                    

---WHY do I have a bad feeling about this?

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

---
WHY do I have a bad feeling about this?

Nakatitig lang sa akin ngayon ang bata habang nakangiti nang nakakakilabot. Lalong bumigat ang pakiramdam ko na para bang nauubusan ng hangin ang paligid. Ngayon ko lang napansing nagkalat ang mga stuff toy sa sahig ng kwarto.

Suddenly, the party decorations didn't seem appealing anymore when you're inside the room of a creepy child.

Ano ba itong pinasok ko?

"H-Hindi ako nakapagdala ng regalo."

Pag-amin ko habang pasimple kong tiningnan ang direksyon ng pinto. Kailangan ko nang umalis sa birthday party na ito. Hindi ko alam kung bakit pero masama ang kutob ko kay Lucy. At sa bawat minutong lumilipas, lalong nagiging mapanganib ang sitwasyon ko.

Lucy's creepy smile turned into a frown as she tilted her head like a curious pigeon.

"Hindi mo ba nabasa ang nakasulat sa imbitasyon, Asmodeus? Whenever you go to a birthday party, you need to bring a gift. If you don't, you might as well rot in hell." She giggled like a lunatic.

Noong mga sandaling iyon, biglang nagpatay-sindi ang ilaw sa silid. The old fluorescent light started flickering as I attempted to walk towards the door. Kinakabahan at paika-ika akong naglakad papalapit sa pinto. Umaasa akong hahayaan na lang niya akong umalis. Isang pekeng ngiti ang ipinakita ko sa batang patuloy pa rin sa pagtawa.

"K-Kung ganoon, aalis na muna ako para kunin ang regalo ko sa'yo.. babalik na lang ako dito mamaya---"

"Liar, liar, corpse of fire..." She sang and glared at me.

Mabilis siyang humarang sa pinto at marahang umiling. Tuluyan nang nalaglag ang party hat na suot niya. Shit. Paano na ako makakalabas dito?!

"I know you're just making up excuses to leave, Asmodeus. Palagi kang tumatakas sa mga bagay na alam mong ikakapahamak mo.. just like the time you killed your entire class. Tell me, was it fun? I've heard you decorated the room with their pretty little intestines."

Bigla akong natigilan sa sinabi niya, "A-Ano?"

Sandaling napalitan ng pagkalito ang nararamdaman ko kaninang takot.

Ano bang sinasabi ng batang ito? Wala akong pinapatay na kahit na sino! Wala akong naaalalang nangyaring ganoon. Hindi ako nasisiraan ng bait. No, maybe she's just lying to confuse me.. baka pakana na naman ito mga tao dito sa Asylum para tuluyan akong masiraan ng bait. 'They're all crazy.. they're all fucking demons!'

"Wala akong alam sa sinasabi mo. Wala akong pinatay!"

"Hindi mo ba naaalala lahat ng ginawa mo bago ka mapasok dito? Poor, poor Asmodeus... Mas nakakaawa ka pa kaysa sa'kin."

Bumilis ang tibok ng puso ko dala ng labis na kaba. Pakiramdam ko pinagpapawisan na ako nang malamig habang nakatitig sa'kin si Lucy. Ilang sandali pa, nanlaki ang mga mata ko nang kinuha niya ang isang kutsilyong nakatago sa bulsa ng kanyang bestida. Pinilit kong lumayo sa kanya nang sinimulan na niyang maglakad papalapit sa akin. Patay-sindi pa rin ang ilaw at kinakapos na ako ng hininga.

✔Welcome to the Asylum Where stories live. Discover now