VIGINTI DUO

420 67 18
                                    

---

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

---

THE path to paradise begins in hell.

Tonight, I have survived hell.

'Makakalaya na ako.'

But I shall never reach paradise.

Never.

Panandaliang huminto sa pagtibok ang puso ko. Kailan nangyari 'yon? Hindi ko na matandaan. Nakakaaliw lang isipin na tuluyan nang nanahimik ang kaninang nakabibinging ingay nito. Ang tanging natira na lang ay ang tunog ng malalalim kong paghinga, habang pinipilit ko pa ring indahin ang pananakit ng katawan ko. The adrenaline vanished. It was replaced by a dull, throbbing pain against my temple.

"P-Paanong...?"

Nanginginig pa rin ang mga kamay ko. Hindi ako makakilos. Para akong sinasakal ng kadilimang kanina pa nakamasid sa akin.

Hindi ko maitatangging kinakabahan ako. Nakatitig pa rin ako sa ID card na hawak ko.

It was Nurse Isabelle's, but at the same time, it's not...

I swiped it over and over again.

Nothing happened.

Pauli-ulit. Paulit-ulit ko itong ginamit para buksan ang huling harang na pumipigil sa'kin para makatakas sa asylum na ito. Pero paulit-ulit lang akong nabigo nang hindi pa rin bumubukas ang lagusang makapagdadala sa'kin sa paraiso. 'A-Anong nangyayari?!' Natataranta na ako. Alam kong nauubusan na ako ng oras. Kumawala ang sunod-sunod na mura sa bibig ko habang pinipilit kong buksan ang gate. Sa bawat segundong lumilipas, nadaragdagan lang ang kabang unti-unting pumapatay sa katinuan ko.

"TANGINA! BAKIT AYAW MONG GUMANA?!"

'Bakit?'

Namayani ang pagiging desperado ko. Inis kong ibinato ang ID at kinalampag nang kinalampag ang gate. Nasisisigaw ako. Humihingi ng tulong. Umaasang may makakarinig sa mga pagmamakaawa ko.

"M-MAAWA KAYO SA'KIN! AYOKO PANG MAMATAY!"

'Bakit ako nandito?'

"HINDI AKO NASISIRAAN NG BAIT! HINDI AKO BALIW!"

'Bakit wala akong maalala?'

"TULUNGAN NIYO AKO! AYOKONG MAMATAY!"

Iniisip ko pa lang na masasayang ang ilang linggo na naming pagpaplano, lalo akong natatakot sa mga posible pa nilang gawin sa akin. Marami na akong nasakripisyo. Tangina. Hindi ko na kayang tumagal dito. Araw-araw, pakiramdam ko may mas malakimg bahagi ang nawawala sa pagkatao ko. Hindi ko na kilala ang sarili ko...

'Pero bakit pakiramdam ko nangyari na 'to dati?'

Natigil lang ako sa pag-iisip nang makarinig ako mga kaluskos sa likuran ko.

Lalo akong nanlata nang maramdaman ko ang presensiya nila.

'Nahuli na nila ako...'

Hindi ko na namalayang nakakuyom na pala ang mga kamao ko. Ninanakawan na ako ng lakas. Bakit ba ito nangyayari sa'kin? I was struggling to breathe when I heard the warden's voice. An echo amidst the darkness of night. A dark melody I never want to hear again.

✔Welcome to the Asylum Where stories live. Discover now