CHAPTER 26

1M 37.9K 78.7K
                                    


CHAPTER 26

"NICE TO meet you," hindi ko inaasahang gano'n ang isasagot ni Maxwell matapos ang sinabi ni Rembrandt. Nagulat ang lahat, lalo na ako, at napalingon sa kaniya. Hindi ako makapaniwalang ganoon pa kaganda ang ngiti niya.

Kinabahan ako. Natatakot ako na ganoon lang ang sinabi niya pero matinding galit ang ipakita niya sa akin mamaya.

Matapos magulat ay sarkastikong tumawa at umiling si Rembrandt. "I'm a lawyer," aniya, walang planong magmalaki.

Umangat ang labi ni Maxwell. "I'm her boyfriend."

"No, what do you do?"

Ngumiwi si Maxwell. "Right now, I'm holding her hand," ipinakita niya rito ang magkahawak naming kamay.

Ngumisi si Rembrandt. "Buang," dinig kong aniya.

"Hey," angil ko.

"Tagalog?" ngisi muli ni Rem.

Hindi ko inaasahang bahagyang matatawa si Maxwell. Kunsabagay, idinadaan lang talaga niya sa tawa ang mga taong hindi mahulaan ang pagkatao niya. Hindi lang siya ang gano'n, lahat silang myembro ng pamilyang Moon.

"I'm a physician," kapagkuwa'y aniya.

"Ah, so you're a doctor."

"Well, you can call me doctor, but I'm a physician."

"Whatever," ani Rembrandt.

"You don't know the difference, huh?"kaswal na ani Maxwell pero nakaiinsulto ang dating no'n. "Of course, what you do know is the difference between a lawyer and an attorney-at-law."

Pero hindi na nagsalita si Rembrandt, sa halip ay pinakatitigan niya si Maxwell. Tiningnan niya ang bawat parte at anggulo ng katawan nito na para bang malalaman niya ang tunay nitong pagkatao sa pamamagitan niyon.

Noon naman ay namagitan sina Marideth at Carolina, inaawat si Rembrandt. Narinig ko pa si Marideth na pinagsabihan si Celeste dahil sa inugali nito. Kung hindi ko lang maiiwan si Maxwell ay kanina ko pa sinugod si Celeste para awayin. Sigurado akong sinadya niya ito.

"Kumain na muna tayo," napapahiyang anyaya ni Carolina. "Marami kaming inihanda."

"Maxwell, please, eat," ani Marideth. "Pasensya ka na," mahinang dagdag niya, iyong kaming apat lang nina Carolina ang makaririnig. "I'm really sorry, ako ang nahihiya dahil sa nangyari."

Ngumiti si Maxwell. "I understand."

"Thank you," sabay na sabi nina Marideth at Carolina. "Kain na, Yaz," anyaya nila sa akin. "Kaon na, guys!"

Naghain sila ng iba't ibang seafoods sa harap namin ni Maxwell. Napakaraming handa, hindi na halos magkasya sa mesa. 'Sabagay, hindi na dapat ako magtaka dahil may kaya rin naman ang mga ito. Pero sana ay maubos dahil nakapanghihinayang kung hindi.

Nawalan na ako ng gana. Ramdam na ang tensyon sa gitna ng mesa. Pakiramdam ko ay nasa amin ni Maxwell ang lahat ng paningin, at lahat sila ay pinagtutulungan kami. Siguro ay maliban kina Carolina at Marideth na paulit-ulit kaming inaasikaso gayong bahay ni Celeste iyon.

Matagal nang may gusto si Celeste kay Rembrandt, ilang beses niya na ring sinubukang akitin ito noong nasa college kami. Hindi rin naman lingid sa kaalaman ko ang pagkadisgusto niya sa akin, hindi ko siya masisisi dahil hindi ko rin naman siya nagustuhan bilang tao kailanman. Kung gusto niya pa rin si Rembrandt, libre niya nang angkinin ito ngayon dahil hindi ako makikipag-agawan.

LOVE WITHOUT LIMITSWhere stories live. Discover now