Prologue

24 3 1
                                    

"And It's a wrap" pinakawalan ko ang kanina ko pang iniipong hininga, Kasalukuyang tinapos ng direktor ang pagshoshooting namin ngayon sa papalapit naming pelikula.

Medyo mabigat ang eksena ko ngayon kaya naman mugto mata akong lumapit sa aming direktor.

"Good job Chloe! Pati kami ay nadadala ng iyak mo 'kanina. Bravo!!!" habang kunwaring pinupunasan ang luha ng direktor namin ang kanyang mata.

"Thank you direk! Medyo aagahan ko ang pag-alis ngayon dahil meron pa kong photoshoot sa bago kong endorsement"sabi ko habang pinupunasan ang mga luha ko ng binigay na wipes ng aking assistant.

"Ofcourse my girl,kaso your eyes" habang tinuturo niya ang mga mata kong namamaga pa gawa ng sobrang pag iyak kanina.

"Nako direk matatakpan naman ng make-up yan hahaha atsaka maganda naman si Miss Chloe kaya walang problema hehe" si Gemma habang panay ang bigay sakin ng pampunas.

"So i think kailangan niyo ng umalis dahil alam niyo na gumagalaw ang oras at kailangan pang magpahinga ni Chloe, Nako napakadami mo naman palang ginagawa Chlo at medyo 'hectic and sched mo huh?!" sabi ni direk.

"Yes direk medyo marami rin kasing kumuha sakin at sino ba naman ako para tanggihan".

"YAN! Ganyan nga kaya madaming blessings dahil napaka bait mong tunay" Sabi pa ni direk habang pumapalakpak.

"Uhm Chloe nga pala bukas imemeet niyo na ang kakanta ng theme song pati ang iba pang bagong
papasok sa eksena.Bawal 'malate" sabi niya sabay beso sa magkabila kong pisnge.

"Okay direk alis na kami Salamat"sabi ko sabay 'yakap.

Nasa kalagitnaan na kami ng pagshoshooting ng aming pelikula kaya siguro imemeet ng yung kakanta sa theme song ng movie,hindi ko alam pero medyo kinakabahan 'ako,dahil ba sa pressure o siguro dahil may mga bago nanaman akong makaka-eksena at makaksama.

Bawat bagong taong makaka eksena at nakilala ko ay grabe ang tindi ng kaba ko
Ewan? siguro dahil iniisip ko kung magugustuhan ba nila ako? o yung acting ko o baka ayaw nila akong makatrabaho.

Papalakad kami kasama ng make-up artist,hairstylist at assistant kong si Gemma sa likuran ko papunta sa set na naka assign pero bago pa kami makapasok ay may ibang nagpapakuha ng litrato at bumabati sakin, kaya naman sinusuklian ko to ng matamis kong ngiti at yung iba niyayakap ko.

I don't know pero para sakin sila yung mga taong hinahangaan ko hindi ang mga artistang katulad ko, dahil nagagawa nila kaming suportahang mga artista kahit na hindi naman nila kami responsibilidad at kung wala sila ay wala ako sa kung ano man ang narating ko.Wala silang ibang ginawa kung hindi ang iparamdam sayo kung gaano ka nila kamahal,kung gaano ka ka-espesyal at kung gaano ka kaganda sa paningin sa paningin nila. Nagagawa ka pa nilang ipagtanggol sa ibang tao . Kesa sa mga taong inaasahan mong gagawa sayo, 'mas kararamdaman mo pa ang suporta nila.

Nang makapasok sa tent ay agad kaming nagprepara para sa susunod na shoot,kaya naman naging busy ang mga tao sa tent pati na rin ako.

Hanggang sa nakalabas na kami ng tent at papunta na sa van ay nandoon pa rin ang ibang mga fans na siguro'y naghihintay sa paglabas ko, ang iba'y may dala pang mga banner na may nakalagay na "We Love You Chloe!!", kahit na sa simpleng ganun lang ay umaapaw sa saya ang puso ko.

Nang nasa van na kami ay kumakaway pa ang mga ibang fans at yung iba ay tumitili at sinisigaw pa ang pangalan ko kaya naman ginawa ko ay binaba ang bintana at kinawayan pa sila kaya naman lalong nagkagulo at muntik pang hindi umusad ang van dahil naglalapitan ang ibang mga tao.

BituinWhere stories live. Discover now