Chapter 3

9 4 0
                                    

Sa mga nagdaang araw ay hindi ko pa rin maalis sa utak ko ang ganoong biglaang pagsabi sa'kin ni Blake. Mahigit isang linggo na nung huli ko siyang makita at 'yung huli naming pagkikita ay yung sa labas pa ng cafeteria. Pagkatapos niyang sabihin 'sakin yun ay tinitigan niya lang ako at biglang iniwan sa pwesto. Hindi ko siya maintindihan.

Ngayon ay nandito ako sa practice, madalis kase akong sumasali sa mga play, kaya naman'y madalas din ang pag eensayo ko doon. Yun kasi ang hilig ko. Kaya madalas ay napapagalitan ni mommy at nalalaman niya na sumasali ako dahil minsan ay ginagabi ng uwi wala akong choice kundi sabihin ang tunay na dahilan. Madalas pa ako ang bida kaya naman mas kailangan ako sa practice at mas lalong ginagabi.

Nang matapos ang practice namin ay pumunta muna ako ng banyo dahil pawisan ako 'gawa ng sa practice kanina. Nakauwi na yung tatlo dahil may mga kanya-kanyang ginagawa pero madalas ay hinihintay nila ako.

Pagkatapos magbihis at maghilamos ay nagpabango rin ako. Habang nagpapabango ako ay naalala ko nanaman yung sinabi sakin ni Blake. Hayst. Bakit ko ba iniisip ang isang iyon? Napa-irap na lang ako sa kawalan at pinagpatuloy ang pagsusuklay. Nang matapos ay lumabas na ako para hintayin ang sundo ko. Ngunit paglabas pa lang ng pintuan ay nakasalubong ko agad si Blake kasama yung iba pa niyang tropa na mukhang kagagaling lang ding practice dahil galing sila sa music room. Agad naman nagtama ang tingin namin ngunit agaran kong iniwas ang sakin. Nadinig ko naman ang bulung-bulungan ng iba.

Tssss. Kalala-lalaking tao mga tsismoso!

Pinagpatuloy ko ang paglalakad at hindi na sila pinansin pero sadyang mapaglaro ang mundo, nasa likuran ko lang rin sila habang naglalakad dahil mukhang mga pauwi na rin. Naririnig ko ang kanilang tawanan at yung iba ay may pinaguusapan na hindi ko naman maintindihan dahil medyo binibilisan ko rin ang paglakad.

Nang makarating sa waiting shed kung saan ako sinusundo ni manong 'twing ginagabi ay bigla akong kinabahan, dahil wala pa ang driver namin at paparating na naman ang tropa ni Blake at siya, ayaw kong magkatagpo ang mga landas namin.

Kinuha ko na lang ang cellphone ko para itext ang driver kung 'nasaan na siya, at ng marinig ko nanaman ang mga kasamahan ni Blake ay bigla ko ring sinalpak sa tenga ko ang earphones para hindi sila marinig. Nakatanggap naman ako ng text galing kila Ramon at tinatanong kung nakauwi na raw ba ako. Inisa-isa ko silang replyan at sinabing pauwi pa lang rin.

Sa kalagitnaan ng pagtetext ko biglang may humablot sa tenga ko ng isang earphones kaya naman laking gulat ko ng lingunin sa Blake na inilalagay na ang isang earphones sa tenga niya. Agad kong iniwas ang sarili ko at hinaltak sa tenga niya ang earphones.

"What?" naiirita kong tanong sa kanya.

"Pa share lang naman! Wala pa ba yung sundo mo?" tanong niya sakin at dinidikit pa talaga ang sarili niya.

"Nakita mong naghihintay pa ko dito diba? So ibig-sabihin ay wala pa" pataray ko naman sinabi at kinuha niya naman ulit ang isa pang earphones at sinukbit sa tenga niya na parang hindi ako naiinis sa ginagawa niya. Grrr the nerve of this guy!

"Hmm, seems like nagandahan ka sa boses ko" pang-aasae niya sakin na ikinanuot naman ng noo ko.

"Pano mo nasabe?" mataray kong tanong.

"Pinapakinggan mo yung kinanta ko sa Gym" nagulat ako roon sa sinabi niya at doon ko lang napagtanto na ang nagpe-play na music ngayon ay yoong kinanta niya sa gym.

"Yabang mo rin eh no? Hindi pa pwedeng nagkataon lang?" tumawa naman siya sa sinabi kong yon' at hindi pa rin inaalis ang earphones, kaya naman hinayaan ko na lang sa 'kanya yon dahil napagod ako sa practice, wala akong gana makipag bangayan pa sa kanya. Tsskk. Pasalamat ka!

BituinWhere stories live. Discover now