Chapter 1

33 3 0
                                    

"Coco, let's go" maarteng bigkas ni Ramon/Ramona sa gabi ng palayaw ko habang niyaya ako papunta doon sa gym dahil may kakanta daw. Hindi ko maintindihan dito sa mga kaibigan ko mung bakit kailangan iba-iba pa ang palayaw na tinatawag nila sakin.

At ewan ko rin ba kung bakit maraming baliw na baliw doon sa magpeperform daw sa aming gym eh bukod sa gwapo lang siya at magaling kumanta eh mayabang na.

Paano ba naman nung isang beses ko tong nakasalubong 'ay hindi siya tumitingin sa kanyang dinadaanan palibhasa'y puro papogi ang alam, kaya ayun parehas kaming natapunan ng juice na dala niya at inaasahan niya sigurong kagaya rin ako ng ibang mga babae jan na nagkakagusto sa kanya na luluhod at masosorry dahil natapunan ang 'kanyang uniform.

Ngunit mali ang akala niya!

"Fuck!" sabi ng nakabangga ko.

"Ano ba? Bakit kasi hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo? Tingnan mo natapunan tuloy ang uniform ko? Hindi mo pag-aari ang daan noh, kaya pwede tumingin ka Mister?" singhal ko sa 'kanya.

"Miss natapunana rin ako, hindi mo ba nakikita? Tsaka hindi mo ba ako kilala?" tanong niya sakin na tila bang isa siyang presidente na dapat kilala siya ng lahat ng tao. Kapal pala neto eh! Sino ba siya?

"Mister, maliit ang espasyo dito kaya kung maglalakad ka titignan mo para hindi ka nakakasagabal sa mga taong nadaan. Atsaka sino ka ba? Presidente ka 'ba na dapat lahat kilala ka?" masungit na tanong ko at naramdaman kong hinihila na ako ng mga kaibigan ko sa gilid.

"Chlo, tara na wag mo na patulan yan!" bulong ni Alma sa 'kin.

"Look miss, pareho lang tayong natapunan dito at hindi mo pala ko kilala huh? Tsaka pwede ba miss? 'wag mo nga akong singhalan dahil hindi ko naman sinasadya. Tsaka gumaya ka sa ibang babae jan na tatabi kada dumadaan ako para hindi kita nababangga." pagyayabang niyang sabi na ikinainit ng ulo ko. Eh napakayabang naman pala ng lalaking to.

"Clo, tara na wag mo na patulan yan lalo lang lalaki" sabi naman ni Lili sakin at pana'y ang hila.

"Wait lang, pagsasabihan ko lang ang isang to at mukhang nasobrahan ata sa yabang eh" sabi ko sa kanilang dalawa.

Lumapit pa ko ng sobra sa mayabang na ito sa harap ko at iilang pulgada na lang ang layo namin.

"Excuse me, hindi ako ibang babae jan na tatabi kada dumadaan ka, kaya wag mo kong ihalintulad sa 'kanila at hindi naman kita sisinghalan ng ganito kung 'nung natapon mo pa lang ang juice mo ay nag sorry ka na! Mister hindi kailangan lahat ng tao ay kilala ka, kaya huwag kang umastang parang ikaw ang presidente dito ha! Sorry mo lang ang hinihintay ko pero parang nuknukan ka ng yabang at never mong babanggitin ang mga salitang yun kaya ako na ang magsosorry sayo. Sorry at Sorry ulit dahil hindi kita kilala!" mataray kong sabi sa harap niya gamit ang mababa kong boses habang hawak-hawak ang kaunti niyang kwelyo. Kailangan magtanda ng isang ito.

Medyo nawala ang ngiti at yabang ng isang ito matapos kong sabihin yun kaya naman padarag kong binitawan ang kwelyo niya at tsaka umalis habang nakasunod sakin ang dalawa kong bestfriend.

"Nakakaloka ka Coco! Bakit mo ginawa kay Blake yun?" tanong nitong si Ramon na halos manggalaiti 'sakin matapos ikuwento sa kanya ng dalawa kong kasama ang nangyari kanina. Nandito kami sa madalas naming tamabayan apat ay walang ginawa ang Ramon na ito kundi pagalitan ako dahil sa ginawa kong pang-aaway sa kanyang papi.

"Bakit isa ka rin ba sa mga fangirls ng mayabang na yun ha" tanong ko sa kanya at tinaasan ko ng kilay.

"Aba! lagi ka kasing may ganap kaya siguro hindi mo siya kilala, grade 12 yun sa kabilang building sila at madalas yung kumanta! Naku hindi mo pa siguro naririnig iyong kumanta kaya hindi ka pa nabibihag. Siguradong pag narinig mo yun luluhod ka rin sa harap nun gaya ng ibang mga babae jan." pagdidiin niya pa sa huling salita niya at panay ang taray sakin.

BituinWhere stories live. Discover now