Chapter 1: New Chance at Love

8 1 0
                                    

"Masayang araw Pilipinas!" sigaw ng isang dalaga matapos nito bukasan ang bintana ng kanilang bahay.

Siya si Antoinette De Rosal. Panganay sa tatlong anak nina Jaime at Christina De Rosal. Isang masipag, mabait at matalino anak ito. Dahil sa kakulangang pinansyal pinili nitong magtrabaho at paunahin sa pag-aaral ang mas nakababatang kapatid. Ngayon ang unang araw niya sa bago niyang trabaho bilang isang receptionist sa prestisyosong Hotel sa maynila.

"O anak halina't sabayan mo na kami sa almusal at baka mahuli ka pa sa unang araw mo sa trabaho." Masayang turan ng kanyang ina.

Agad naman itong tumungo sa hapag kainan at nagsimulang kumain. Matapos nito masaya itong naghanda sa kanyang pagpasok.

"Good morning Ma'am Fritz." Bati ni Antoinette sa hotel manager nila.

"Good morning!" masayang bati din nito sakanya. "Okay Ms. De Rosal here's your work buddy Naomi at dito ang work place niyo. Siya na ang bahalang magturo sayo regarding sa work mo. Naomi iiwan ko na siya sayo."

"Yes po Ma'am." Sagot ni Naomi bago tuluyang umalis si Fritz.

Mabilis matuto si Antoinette kaya hindi naman siya nahirapan, isa pa mabait si Naomi kaya mabilis din silang nagkapalagayan ng loob.

"Antoinette tara muna dito mamaya na yan, padating sila Sir Chase ang CEO dito kasama si Sir Philip."

Mabilis na lumapit si Antoinette at tumayo ng maayos para salubungin ang mga ito.

"Good morning po Sir!" Bati ng dalawa.

"Who is she?" tanong ni Chase.

Habang si Philip ay tila walang pakialam. Sa totoo lang wala naman talaga siyang pakialam, pinipilit lang maman siya ng kanilang ama na makisali sa pagpapatakbo ng negosyo nila. Pag-aartista talaga ang gusto ni Philip. Bata pa lamang siya pangarap na niya ito. Ngunit walang naniniwala sakanya maliban sa best friend niyang si An-An. Ito lamang ang nagpalakas ng loob niya na magiging isang sikat na artista siya balang araw. Kaya lang nagkahiwalay sila at matagal nang hindi nagkikita buhat ng dahil siya ng kanyang magulang sa America para doon mag-aral. Simula noon nangako si Philip na tutuparin niya ang pangarap niya para sa best friend niya at ito na siya ngayon sikat na sikat na siya.

"Good morning po Sir, I'm Antoinette De Rosal newly hired receptionist po." Masayang pagpapakilala nito.

"Oh I see, Naomi take good care of her ayoko ng palpak." Sa mga katagang 'yon mababatid mo kung gaano ka-istrito siyang CEO.

"Yes Sir." Mabilis na sagot ni Naomi kay Chase.

Hindi na nagtagal doon sila Chase at Philip dumeretso na sila sa opisina.

"Grabe ang aga-aga ang sungit naman dapat good vibes lang." pagrereklamo ni Antoinette.

"Huy ano ka ba mamaya may makarinig sayo." Saway ni Naomi dito.

Lumipas ang mga araw naging maayos ang takbo ng pagtatrabaho ni Antoinette. Hanggang isang araw ay nagsimula siyang makatanggap ng mga love letters na may kasamang mga tsokolate sa front desk. Dumarating ito araw-araw, at ang pagkakakilanlan ng kaniyang masugid na tagahanga ay nanatiling misteryo. Ang tanging clue niya lang sa pagkatao nito ay ang tatlong numero na nakasulat sa dulo ng bawat letter.

"Napapansin ko napapadalas yang mga love letters at chocolates para sayo. Hindi mo pa din ba kilala kung kanino galing yan." Tanong ni Naomi.

"Hindi pa din ito lang kasi yung parang clue dito kaso di ko ma-gets."

"Ano ba nakalagay." Sabay hablot sa mga letters na naipon ni Antoinette buhat magsimula ang pagpapadala nito sakanya.

"Ang weird laging may three digits." Naguguluhang turan ni Antoinette.

"002, 015, 014 hmmm baka may katumbas na letters yan sulat mo kaya girl."

Na siya namang ginawa ng dalaga.


002-B


015-O


014-N


002-B


015-O


014-N

Matapos nitong isulat Bon-bon ang lumabas.

"Sino si Bon-bon?" Pag-uusisa ni Naomi.

Agad namang napaisip si Antoinette. Tanging ang kilala lamang niyang Bon-bon ay ang matalik niyang kaibigan ngunit matagal na silang hindi nagkikita. Hanggang ngayon ay nahihiwagaan pa din ito sa mga nangyayari.

Kinabukasan katulad sa mga araw na lumipas nakatanggap muli ng love letter at mga tsokolate ang dalaga. Sa pagkakataong iyon nais ng nagpadala na magkita sila sa katabing Coffee shop ng hotel na kanyang pinapasukan. Sa oras ng kanyang break time.

Nang dumating na ang takdang oras hindi na nagatubili si Antoinette dahil ang meeting place naman ay matao kaya hindi na siya nangamba pa.

"Excuse me! may i-mi-meet kasi ako dito at sabi niya ibigay ko daw 'to dito." Sabi ni Antoinette sa isang waiter na nakatayo sa pintuan ng coffee shop.

"This way please Ma'am."


Itinuro nga ng waiter kung nasaan ang i-mi-meet ni Antoinette. Laking gulat nito ng makita niya kung sino ang misteryosong nagpapadala.

"S-sir Philip?"

"Hindi mo ba talaga ako naaalala An-an?" Sinagot ng tanong ng binata si Antoinette.

Tanging ang matalik na kaibigan lamang ni Antoinette na si Bon-bon ang tumatawag sakanya ng An-an. Kaya naman..

"Bon-bon? Ikaw na ba yan?"

"Oo ako nga to An-an kamusta ka na? tara have a seat at madami tayong pag-uusapan ang tagal nating hindi nagkita.

Naging masaya ang muling pagkikita ng dalawa. Sinabi din ni Philip na kaya niya nalaman na si Antoinette at An-an ay iisa nang marinig niya itong magpakilala sa kapatid nitong si Chase. Agad siyang naghanap ng proof na tama ang hinala niya, nang makumpirma niya ito sinimulan niya ang pagpapadala ng mga letters at tsokolate dito.

"Ang tagal kitang hinanap An. Tinupad ko yung pangarap ko, artista na ko ngayon. Pinilit kong maabot 'yon para sayo dahil ikaw lang ang nagtiwala sakin." Masayang kwento ni Philip.

"Syempre naman masaya ako para sayo. Hindi nga kita nakilala sobrang gwapo mo na di na kita ma-reach, hindi din kita nakilala dahil ginagamit mo yung screen name mo na Philip."

"An, tungkol nga pala sa mga letters ko sayo. Totoo lahat ng 'yon. Matagal akong umasa na magkikita tayong muli at ngayong nagkita na tayo ayoko ng palagpasin ang pagkakataong ito. Mahal kita Antoinette.

Love Defeats All Odds (Completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن