Chapter 3: Second Chance

8 1 0
                                    

    Tatlong buwang singkad na ang lumilipas at hindi pa din okay si Fritz sa paghihiwalay nila ni Jared.

    “C’mon Fritz wake up, hindi mo deserve maging pang front lang niya.” Wika nito habang niyuyugyog ang sarili.

    Napabalik siya sa realidad nang huminto ang elevator na sinasakyan niya at bumukas. Bumilis ang tibok ng kanyang puso nang makita ang gwapong ngiti ni Loyd, ang babaerong best friend ng CEO nilang si Sir Chase. Biglang uminit ang elevator nang magsara ito. Napakapit si Fritz nang mahigpit sa folder na hawak niya nang bigla nitong pindutin ang emergency button para huminto ang elevator. Hinarap ni Loyd si Fritz na may ngiting delikado para sa kaniyang ‘di pa magaling na puso.

    Lubos na minahal ni Fritz si Jared, kulang isang taon din ang itinagal ng relasyon nila. Hindi niya matanggap ang pangloloko nito, para sakanya mas matatanggap niya na ipinagpalit siya sa kapwa babae pero sa isang lalaki? Oo bakla si Jared, ginawa niyang pang front si Fritz sakanyang ama nang walang kamalay malay ang dalaga.

    “So, single ka na pala. May chance na ba ako sa’yo? Can I be the man to make you happy now?” Binigyang diin ni Loyd ang salitang man dahil alam nito ang naging rebelasyon sa pagkatao ni Jared, lalo na’t kumalat sa hotel ang usap usapang bakla ang ex-boyfriend ni Fritz.

    Tinignan lamang siya ni Fritz nang hindi maganda. Paalis na sana ito ngunit sinundan siya ni Loyd at inawat sa paglalakad.

    “Hey! I don’t mean to hurt your feelings. I’m serious, I like you at gusto ko yun patunayan please give me a chance.” Seryosong wike nito.

    Muli, hindi pa din nagsasalita si Fritz, tinitigan lamang niya ito.

    “Ano, tititigan mo na lang ba ko? Baka matunaw ako nyan, sayang naman ang kagwapuhan ko.” Nangingising sambit nito.

    Hinampas ni Fritz ng folder na hawak niya sa balikat si Loyd.

    “Wala akong oras sa mga biro mo Mr. Loyd Adezar! And to tell you hindi ako kabilang sa mga babaeng kinahuhumalingan ka.” Mataray na ani ni Fritz.

    Ayaw na niyang masaktan pa muli, kaya naman labis ang pagiingat niya sa puso niyang labis na nadurog. Lalo na’t kilalang kila si Loyd bilang isang ultimate babaero.

    “I said I’m serious.” Sigaw ng binata kay Fritz na sinimulan na siyang talikuran. “Hey! I’m dead serious with you.”

    Hindi ito pinansin ni Fritz bagkus ay tinalikuran niya na itong tuluyan at mas lalong hindi pinansin ni Loyd ang mga taong pinagbubulungan na sila.

    “Hey bro!” Wika ni Chase para makuha ang atensyon ng binata.

    “Grabe, hinapas na nga ako tapos tinalikuran pa ko.” Pailing-iling na ani ni Loyd.

    “Masyado mo naman kasi yatang minamadali. Alam mo namang may pinagdadaanan pa.”

    “Nobody can resist me bro, makukuha ko din yang si Fritz.” Kumpyansadong sambit nito.

    Nagpatuloy sa paglalakad ang dalawa patungo sa opisina ni Chase.

    “Akala yata nung damuhong yun madadagdagan na naman ang mga babaeng napaglaruan niya. Hello, ‘di ako yung tipo ng babaeng madaling makukuha dahil gwapo siya. Saka nadala na to boy ‘di na ko basta basta maniniwala sa pa-charming charming kinesu lalo na sakanya.” Kinakausap na naman ni Fritz ang sarili niya.

    Lumipas ang mga araw hindi pa din tinatantanan ni Loyd si Fritz. Pursigido itong makuha ang dalaga.

    “Pwede ba Loyd tigilan mo na ko, wala kang mapapala sakin.” Naiiritang ani ni Fritz.

    “Ano bang ayaw mo sakin? Gwapo naman ako, matalino din naman ako, pwedeng pwede mo kong maipagmalaki at seryoso ako sayo.”

    “Sure ako yan din ang mga sinabi mo sa mga naging babae mo.” Pambabara ni Fritz. “Hindi lahat ng babae ay humaling na humaling sayo, ibahin mo ko Loyd.”

    “Seryoso nga ako sayo Fritz! Ano pa bang gusto mong gawin ko? Hindi na ako yung Loyd na entitled as ultimate playboy. Please I’m begging for a chance.”

    “Layuan mo ko yun ang gusto ko.” Malamig na turan ng dalaga.

    Nagpatuloy ang dalaga sa ginagawa niya, kumuha siya ng upuan na matutungtungan upang maabot niya ang ibang files na nakalagay sa mataas na cabinet. Sa hindi inaasahan dahil maalikabok ang bahaging iyon napuhing ang dalaga na naging sanhi ng pagkawalang balanse nito na muntik na niyang ikahulog ngunit nasalo siya ni Loyd. Nagkatitigan ang dalawa at konti na lamang ang pagitan ng kanilang mga muka nila nang….

    “Excuse me po Ma’a…” Hindi na naituloy ni Nadia ang sasabihin niya dahil hindi niya inaasahan ang kanya nakita.

    Agad namang bumalik sa realidad ang dalawa kaya naman dali-daling ibinaba ni Loyd si Fritz.

    “Ano yun Nadia?” Pagbasag sa katahimikan ni Fritz.

    “Gusto daw po kayong makausap no Sir Chase.”

    “Sige, pupunta na ko.” Na siya namang ginawa nito agad siyang nagtungo sa opisina ng CEO.

    Masugid pa ding sinusuyo ni Loyd si Fritz araw-araw. Ngunit palagi siyang iniiwasan ng dalaga. Sadyang nagiging maingat lamang ito dahil sa past relationship niya.

    Nagmamadaling naglalakad si Fritz tatawid na sana siya nang biglang may narinig siyang malakas at matagal na busina. Napatulala na lang ito sa pagkagulat nang hatakin siya ni Loyd.

    “Are you out of your mind?” Galit na sigaw ni Loyd.

    Tulala pa din ang dalaga dahil sa nangyari. Agad namang humingi ng tawad si Loyd dahil sa pagkakasigaw niya.

    “Sorry, natakot lang naman ako dahil muntik ka nang masagasaan.”

    “Thank you.” Nakayukong sambit ni Fritz.

    “I don’t accept thank you. Let’s have a dinner later.”

    “No! why would I?” Naiiritang pagrereklamo ni Fritz.

    “Let me just remind you, twice na kitang nililigtas.”

    “Oo na sige na! Dinner hah hindi date.” Paglilinaw ng dalaga.

    “If that’s what you want.”

    Natuloy ang dinner nila Fritz at Loyd. They’d enjoyed having dinner.

    Hindi maitatago na nakikita naman ni Fritz na talagang seryoso sakanya ang binata. Lalo’t patuloy itong naging masigasig. Di naglao’y pinayagan niyang ligawan na siya nito. Very consistent ang binata sa lahat ng bagay na ginagawa niya kaya plus points para makuha niya ang matamis na oo ng dalaga.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 02, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love Defeats All Odds (Completed)Where stories live. Discover now