Chapter 2: Conquering Love Full of Adversities

5 1 0
                                    

    “Nakakaingit ka girl manliligaw mo si Sir Philip mapapa sana oil na lang talaga ang lahat sayo.” Kinikilig na turan ni Naomi.

    “Huy ang ingay mo naman nakakahiya baka mamaya anong sabihin ng makarinig sayo.” Pagsasaway ni Antoinette.

    “Ang OA mo Girl. Isa pa to si Nadia kakaingit laging malapit kay sir Chase napaka yummy pa naman niya. Kamusta maging secretary niya Nadia.” Baling na tanong ni Naomi dito.

    Pero tila yata tulala ang dalaga at hindi naririnig ang nasa paligid.

    “Huy! Nadia hello! Are you with us? Kanina ka pa namin kinakausap tulala ka dyan.” Pagpuna ni Naomi.

    “Oo nga, may problema ka ba girl?” Nag-aalalang tanong ni Antoinette.

    “Wala ‘to, okay lang ako. Don’t mind me.” Malamig na sagot nito sa dalawa.

    Labis na bumabagabag sa dalaga ang muling pagkikita nila ni Nigel, ang ex-boyfriend niya.

    “Nadia come here.” Utos ni Chase sakanya.

    Agad namang tumungo ang dalaga sakanyang boss.

   “I would like you to meet Nigel, from now on he’ll be working with us.”

    Laking gulat ni Nadia kung sino ang lalaking ipinakilala sakanya ni Chase. Ang ex-boyfriend niya, matagal na naging magkarelasyon sina Nadia at Nigel. Limang taon din silang naging magkarelasyon. Pero dahil mas pinili ni Nigel ang kanyang career, tinanggap niya ang offer sakanyang trabaho sa Italy. Nung una ay okay pa naman sila ni Nadia kahit long distance relationship ngunit ‘di naglao’y naghiwalay din sila.

    Buhat nang maipakilala ni Chase ang dalawa sa isa’t isa nagiba ang kilos ng dalaga, parang wala ito sa sarili na siya namang napuna ni Chase.

    “Is there any problem Nadia?” Pamumuna ni Chase dito.

    “N-nothing Sir.” Nauutal na sagot ni Nadia.

    “You sure?” Halatang hindi kombinsido ang binata. Matagal na niyang secretary ito kaya naman alam na niya kung may iba sa ikinikilos nito.

    “Nagulat ka ba sakin Nadia? Kaya ka ba nagkakaganyan?” Singit ni Nigel na may halong pagmamayabang.

     Hindi ito inaasahan ni Nadia, kaya sa pagkagulat niya’y nabitawan niya ang coffee na kani-kanina lamang ay hiningi ni Chase.

    “What’s wrong with you Nadia? At anong sinasabi nitong si Nigel?” Aburidong turan ni Chase.

    “She’s my ex-girlfriend Mr. Samaniego. Affected ka pa din ba sakin Nadia?” Pagsingit na naman ng mayabang na si Nigel.

    “Nadia is the one that I am asking not you. So shut your f*cking mouth.” Pangbabara ni Chase dito.

    “Sorry Sir, pasensya na po talaga, hindi na po mauulit.” Nahihiyang sambit ni Nadia. Halos gustuhin na nito na lamunin siya ng sementong kinatatayuan niya.

    Hanggang ngayon ay hindi pa din makalimutan ni Nadia ang nangyari kanina at hindi siya komportableng makakatrabaho niya ang mayabang na si Nigel.

    “Mahal mo pa ba siya?” Tanong ni Chase kay Nadia.

    Sa gulat ay ‘di niya alam kung paano ito sasagutin kaya umiling na lamang siya.

    “Good. Because I fired him.”
    Nanlaki ang mga mata ni Nadia sa takot. “Dahil ba sa kapalpakan ko?”

    “Hindi mo kasalanan. Ayaw ko lang ng competition. Ngayon, pwede na ba kitang ligawan.”

    “Bawal! Nasa company policy yun.” Ani ni Nadia pero ngumiti lamang siya.

    “I’m the boss. I can change the rules whenever I want. So pwede na ba kitang ligawan.” Sambit ni Chase na may halok panunukso.

     Hindi alam ni Nadia ang isasagot niya. Masyado siyang nabigla sa walang pagaalinlangang pagtatanong ni Chase sakanya. Aaminin niya may lihim din siyang pagtingin sa binata, ngunit alam niyang malayo ang agwat ng pamumuhay nilang dalawa kaya naman hindi niya inaasahan ang pag-amin sakanya ng kanyang boss.

    “What? Hanggang ngayon pinagaantay mo ng sagot si Sir Chase kung papayagan mo siyang manligaw?” Gulat na sambit ni Naomi.

    Tumango tango lamang si Nadia at tila hindi pa din nagsi-sync in sakanya ang lahat ng sinabi sakanya ni Chase.

    “Naiingit na talaga ako sainyong dalawa ni Antoinette. Naloloka na ko asan na yung the one for me.”

    Wala namang nakikitang mali si Nadia kung papayagan niyang ligawan siya ni Chase kaya naman pinayagan niya ito.

   Mas lalo pa nitong nakilala ang binata, hindi niya alam na may itinatago din pala itong ka-sweet-an. Palagi nitong pinapakilig ang dalaga. Kaya hindi maitatanggi na lalo pang lumalalim ang pagtingin ni Nadia kay Chase.

    Hindi naglao’y binigay na ni Nadia ang kanyang matamis na oo. Ayaw na niyang patagalin pa lalo na’t araw-araw ay pinapatunayan sakanya ni Chase kung gaano niya ito kamahal at ka-importante sakanya.

    Sa araw-araw na ginawa ng Diyos itinuring ni Chase na prinsesa ang dalaga. Labis niya itong mahal at sobrang saya niya dahil sa wakas naipaparamdam na niya kung gaano niya ito kamahal.

    “Thank you Nadia for allowing me to be part of your life. I love you to the moon and back.”

    “I love you more, I love you most, and I love you more than most Chase.”

Love Defeats All Odds (Completed)Where stories live. Discover now