01

412 77 37
                                    

Philippines

Kyoto, Japan
10:45 PM

Nakadapa ako sa kama habang nagbabasa ng libro nang makarinig ako ng katok sa pintuan ng kwarto ko. Gabi na at hindi ako makatulog kaya ito ako mulat na mulat pa.

"Young lady," Rinig kong tawag ng isang maid mula sa labas ng kwarto. Nilapag ko sa kama ang hawak kong libro at tumayo.

"What?" I asked. Tumingin ito sa 'kin at bahagyang yumuko.

"Mr. Kaneshiwa is looking for you." Magalang na sabi nito. Nangunot ang noo ko. Nakauwi na pala siya? Halos tatlong linggo rin siyang nawala at hindi ko alam kung saan siya pumunta.

Saglit akong napaisip at tumingin sa orasan. Ano naman kayang kailangan niya? Alam kong importante ang sasabihin niya dahil hindi naman niya ako ipapatawag ng ganitong oras kung hindi importante.

I suddenly remembered what happened at school last week. Napahampas ako sa noo ko. Muntik ko na makalimutan, napaaway nga pala ako nung nakaraang linggo at sure akong nakarating na sa kaniya 'yon. Kahit kasi wala siya dito sa Japan alam niya ang mga ginagawa ko sa school at alam niya rin kung may ginawa na naman akong kalokohan. Kumbaga hindi talaga nakakatakas sa kaniya bawat galaw ko.

Hindi kaya 'yon ang dahilan kaya niya ako pinapatawag ngayon? If that's the reason then he would probably scold me. Palagi niya naman akong sinesermonan kaya hindi na bago sa 'kin.

Oo, napaaway ako. Hindi sa pagiging proud o ano pero lagi naman akong napapaaway pero hindi ko naman kasalanan 'yon dahil ako palagi ang napag-iinitan sa school at syempre kailangan kong ipagtanggol ang sarili ko. Hindi ko hahayaan na apihin lang nila ako. Ewan ko ba, feeling ko lapitin lang talaga ako ng gulo.

Pinagtanggol ko lang naman sarili ko, ako pa na-expelled. Unfair, tsk! Bahala na. Ihahanda ko na lang ang tenga ko sa mahaba-habang sermonan kung sakali man na 'yon talaga ang dahilan.

Lumabas ako ng kwarto. Nadaanan ko pa ang apat na guest rooms na hindi naman nagagamit. Meron pa nga sa baba, eh. Hindi ko alam bakit ang daming guest room ni tanda wala namang gumagamit.

Tinahak ko ang mahabang hagdan bago marating ang opisina na katabi lang ng library. Oo, may library din si tanda at doon ako kadalasang tumatambay para magbasa. Depende sa librong madampot ko. Malawak ang library at maraming iba't-ibang klase ng libro ang makikita roon.

Hindi naman kasi ako masyadong lumalabas kaya nandito lang ako palagi sa loob ng mansion at kadalasan ay dito sa library ko talaga madalas nilalaaan ang oras ko, minsan naman ay sa kwarto lang.

Hindi naman masyadong boring dito kung ako ang tatanungin dahil maraming pwedeng gawin dito sa malaking mansion ni tanda.

Kumatok muna ako ng tatlong beses nang marating ko ang opisina niya bago pihitin ang doorknob. Baka sabihin niya na naman wala akong galang.

Pagkapasok ko ay nakita ko itong nakatayo at nakatalikod sa 'kin. Tila malalim ang iniisip niya pero nang maramdam niya ang presensya ko ay tumayo siya ng tuwid, hindi pa rin humaharap sa 'kin.

Tsutomu Kaneshiwa, my grandfather in father's side but we're not really close. Kumplikado ang samahan namin simula noong mangyari 'yon.

"Nani ka jūyōna koto ga aru node denwa shimashita. (I called you because I have something important to say.)" Malamig ang boses na saad nito.

Kung ngayon mo lang siya narinig magsalita ng ganiyan kalamig ay siguradong kakabahan at manginginig ka. Bukod kasi sa may nakakatakot siyang boses, he also has this authoritative voice na isang utos lang ay mapapasunod ka.

Section FWhere stories live. Discover now