04

183 44 18
                                    

Guy With a Mask

AKUMI's POV

Pabalik na ako ng room habang hawak ang librong hiniram ko sa library. Vacant namin kanina kaya naisipan kong dumiretso sa library para mag-browse ng librong maari kong mabasa.

Naalala ko kasing hindi pa ako nakapunta doon para mag-browse ng librong pwedeng basahin. Hindi ko na nga namalayan ang oras habang nakatambay sa library at hindi ko napansin na halos paubos na pala ang oras bago ang next subject.

Hindi na ako nakakain ng lunch pero hindi naman ako gutom kaya ayos lang. Ang mahalaga nakahanap ako ng librong babasahin. Isa itong novel na ang genre ay mystery at thrill. Mukhang interesting base sa story description kaya inumpisahan ko ng basahin.

Binabasa ko ang chapter fifteen nito habang naglalakad hanggang makapasok ako ng room. Naumpisahan ko na kanina sa library ang chapter one mula fourteen.

Tahimik ang mga asungot pagpasok ko. Himala yata at hindi sila maingay? Mabuti naman. Makakapag-concentrate ako sa pagbabasa. Ibinaba ko ang librong binabasa ko at huminto sa tapat ng upuan ko.

Pinagpalit ko ang upuan ko sa upuan sa harap ko at umupo dito. Dinampot ko ang librong nasa armchair at ipinagpatuloy ang pagbabasa.

I was about to flip the page pero napatigil ako. Binaba ko ang libro at nag-angat ng tingin sa mga asungot na kapwa mga nakaawang ang labing nakatingin sa akin.

Nagtataka silang nakatingin sa akin. Nagtataka dahil hindi ako nahulog sa upuang i-sinet up nila na tinanggalan nila ng mga turnilyo.

I smirked at them then flipped the page.

Not today, asungots. Hinding hindi niyo ako madadaan sa mga pranks na 'yan. Akala yata nila ay uubra ang ginagawa nila para ako na mismo ang kusang umalis sa section na ito.

Ang totoo niyan ay balak ko talagang humiling sa guidance office na ilipat ako sa ibang section dahil hindi ako sanay na puro lalaking pasaway ang magiging kaklase ko pero mukhang mas exciting dito. They're interesting.

I know I said hindi na ako papasok sa kahit anong gulo. Gagawin ko naman talaga 'yon 'no! Talagang mas may thrill lang dito.

"Ate!" Narinig ko ang boses ng kambal na kakapasok lang ng room. Naramdaman ko ang presensya nilang dalawa na papalapit sa kinaroroonan ko.

Nag-angat ako ng tingin at dumapo ito sa mga pagkaing hawak ng kambal. May iced tea pa silang hawak. Kung titignan ay akala mo magfo-food trip sila.

"Bakit ang dami niyo dalang pagkain? Mauubos niyo ba lahat 'yan?" Takang tanong ko.

"Pahingi isa," Untag ko pa at mabilis na kinuha ang cheezy spicy sa braso ni Zion.

Napakamot sila sa ulo. "Kay Caden lahat 'to, Ate. Inutusan lang kami."

"Ay gano'n?" Napatango-tango pa ako. "Akin na lang 'to, ha? Huwag kayo maingay." Dagdag ko pa sa pabulong na boses nang makita ang lalaking may curly hair na buhok na kulay brown na papunta sa pwesto namin.

Inabot sa kaniya ng kambal lahat ng dala nila. Nagningning ang mga mata nito pero kaagad din kumunot ang noo nang may mapansin. "Ito na ba lahat? Nasan 'yung cheezy?"

Napatingin sa akin ang kambal. "A-ah, ano kasi u-ubos na... Oo, tama! Naubos!" Pilit silang tumawa at napakamot sa batok.

Gusto kong matawa sa itsura nila lalo na sa mukha nung Caden na kunot na kunot ang noo habang nakatingin kay sa kambal.

Umalis na rin naman 'yung Caden at bumalik na sa upuan para lantakan 'yung pagkain. Sakto ring dumating ang susunod naming guro na si Ma'am Arovello.

Palihim naming nilantakan ang cheezy habang nagtuturo ang guro sa harapan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 03 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Section FWhere stories live. Discover now