02

214 72 37
                                    

Eastwood High International School

AKUMI's POV

Nagising ako sa malakas na tunog ng alarm clock. Tulog pa ang diwa ko nang kapa-kapain ko ang side table para patayin ang walang tigil na pagtunog ng alarm clock. Inaantok pa ako, gusto ko pang matulog. Minulat ko ang isang mata para tignan ang oras.

"Ang aga pa–ARAY!" Gumulong ako pababa ng kama nang subukan kong abutin 'yung alarm clock na nasa pinakadulo ng side table. Ang mas malala nauntog ako pagkatapos kong gumulong pababa. This time, nagising na talaga ang diwa ko. Mauntog ka ba naman ng sobrang lakas tignan natin kung hindi ka pa magising.

Mangiyak-ngiyak akong napahawak sa ulo ko dahil sa lakas ng pagkakauntog ko. Kahapon 'yung pwet ko tapos ngayon naman 'yung ulo ko. Ano sunod?

Magkasalubong ang kilay na tumayo ako habang hinihimas ang ulo. Wag naman sana magkabukol. Pumasok ako sa banyo dahil late na ako at first day ko ngayon. Hindi naman pwedeng late ako 'no! First day pa lang tapos late na? Pero syempre bukas pwede na kasi second day naman na.

Isang araw ang nakalipas magmula nung dumating ako dito at kahapon ko lang din nalaman na inen-roll pala ako ni tanda sa bagong school na papasukan ko. Kung hindi pa sinabi sa akin ni Nanay Linda kanina baka hindi ko pa alam na enrolled na ako. Tumawag daw kasi kanina si tanda para sabihin 'yon at para mag-iwan ng maraming bilin sa 'kin na kesyo huwag daw akong gagawa ng kalokohan sa bagong school na papasukan ko.

Hindi naman ako ang gumagawa ng gulo. Sila ang nag-uumpisa.

Ang bilis ng araw. Parang kahapon lang nakahilata lang ako magdamag sa kama tapos paggising ko lunes na naman? Wala man lang ba akong pahinga? Kahit one week lang.

Ilang minuto pa akong nagtagal sa loob ng banyo bago lumabas. Paglabas ko ay may nakita akong uniform na nakalatag sa kama. Inilagay siguro ng maid habang nasa banyo ako.

Dinampot ko ito at pinagmasdan. Long sleeve na white with black necktie. May black blazer din na may tatak na Eastwood High sa left side at black skirt na above the knee.

"Pwede na." Bulong ko habang pinagmamasdan ang repleksyon sa full length mirror dito sa loob ng kwarto ko. Skirt lang talaga ang hindi ko gusto dahil masyadong maikli. Pero okay lang naman since ganito rin naman ang uniform sa Japan.

Nagsuot ako ng black socks na below the knee with white stripes at white sneakers shoe. Inayos ko muna ang mga gamit ko at nilagay sa bag bago nagpasyang bumaba.

Pagbaba ko ay naabutan ko si Nanay Linda na nagdidilig ng halaman sa garden. Hindi na ako nag abalang kumain dahil late na talaga ako kaya kumuha na lang ako ng tatlong bread bago tumakbo palabas. Narinig ko pa ang sigaw ni Nanay Linda na mag-iingat daw ako. Kumaway na lang ako.

Ilang minuto lang tinagal ng byahe nang makarating kami sa Eatwood High. Nasa parking lot na kami at kitang-kita ko ang mga estudyante na bumababa sa magagarang sasakyan. Ipinarada ni Butler George ang sasakyan at lumabas para pagbuksan ako pero inunahan ko siya at ngumiti na lang.

Hindi naman halatang mayayaman nag-aaral dito, medyo lang. Insert sarcasm.

Inikot ko ang tingin sa malawak na parking lot na puno ng magagarang sasakyan. May nakita pa nga akong katulad ng nakita ko sa internet no'ng nakaraang araw at hindi pa nailalabas. Nakakagulat lang na may estudyante na ng Eastwood High ang mayroon no'n.

Tumigil ako sa paglalakad nang nasa tapat na ako ng front gate. Tumingala ako at binasa ang pangalan ng school. Sana naman maging tahimik na school year ko dito.

Naglalakad pa lang ako papasok may mga nagbubulungan na habang nakatingin sa'kin. Hindi ko alam kung matatawag ba nila na bulong 'yon eh naririnig ko naman.

Section FWhere stories live. Discover now