Prologue

235 25 6
                                    

Author's Note: Although the setting of this story is in Cagayan de Oro City and Opol, Misamis Oriental, please be reminded that Toyang's location and residence is entirely fictitious. However, its description matches my coastal town in Negros Oriental. Enjoy!

Prologue

"Wazzup, mga tutubi! Welcome to another episode of my simple life, and for today's vlog, I will be surprising my family with good news

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Wazzup, mga tutubi! Welcome to another episode of my simple life, and for today's vlog, I will be surprising my family with good news. Katatapos lang po ng deliberation namin ng mga nominees for Latin Honors at gagraduate po ako bilang Summa Cum Laude this year..."

Dear Charo,

Tawagin niyo na lang po akon- Charot!

Who would have thought that simple vlog that one particular day will go viral and turn my life upside down?

Paano ba naman kasi na-caught on cam 'yong hagulgol ni papa sa tuwa with matching pasalampak sa sahig pa samantalang si mama ko namang strikta hindi rin nagpahuli sa iyakan. Naging instant celebrity tuloy kami.

I know that single achievement of a simple girl supposedly should not matter in the eyes of the busy public, but I guess it is rooted in our culture as Filipinos to be appreciative of the underprivileged's resilience, brilliance, and persistence. Chaar.

Pero no joke, siguro maraming naantig sa kwento ko lalo na nang balikan nila ang mga jejemon ko pang vlogs pagkatapos no'n. Di rin masyadong HD ang kuha ng camera ko kasi cellphone lang na padala pa ng tito ko mula sa Canada iyong gamit ko sa pagvi-video.

Mahirap lang kasi kami. Hindi naman iyong type na isang beses lang kumain sa isang araw kasi ako nakakaapat pa nga, e. Basta iyong klase ng mahirap na kung hindi lang sa sipag at tiyaga sa pag-aaral dinaan ay tiyak na hindi makakapagpatuloy ng college kasi walang sapat na pera. Si papa kasi on-call driver lang. Kapag ka may customer lang din ang amo niya siya bumibiyahe. Si mama naman nagbabantay na lang ng mumunting sari-sari store namin matapos niyang magresign sa pagtuturo simula noong na-high blood siya. Kaya nga sobrang kayod ako sa pag-maintain ng academic scholarship ko. Dapat uno lahat kahit hindi naman ako Chinese. Maswerte rin iyong kapatid kong si Don kasi scholar ng siyudad namin kaya wala rin siyang tuition na binabayaran. Si Lucho naman nasa senior high pa at under sa voucher program ng gobyerno. Kaya nga sobrang laking bagay ng achievement na iyon sa amin.

Alam niyo bang singkwenta lang 'yong baon ko kahit nasa kolehiyo na ako? Si papa naman ihahatid ako niyan sa umaga sakay no'ng motor niya na Grade 2 pa lang ako pamana na sa kanya ni lolo para wala akong magastos tapos sisiguraduhin kong magbabaon ako ng lunch para pampamasahe ko lang pauwi iyong gagastusin ko sa isang buong araw.

Kaya nga sinabi ko sa sarili ko noong, "Itong singkwenta pesos na 'to, balang araw magiging singkwenta mil 'to!"

Akalain mo 'yon, dininig ako ng universe! Ngayon sobra pa sa isang daang libo ang nakukuha ko sa isang buwan.

Toyang (Eraserheads Series #1)Where stories live. Discover now