03 Toyang

139 17 9
                                    

03 Toyang

____________________________________

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


____________________________________

DJ Toyang🐨 @AntonniaYullieneVilla

ToyangTalks: Love is the fruit of concern from the seedling of "I care". xoxo

___________________________________

"Ma, hindi pa po kayo tapos d'yan?" tanong ko agad kay mama paglapag ko ng backpack sa may kawayang upuan namin.

Kararating ko lang galing sa eskwela at pasado alas-kwatro na ng hapon pero naglalaba pa kasi siya. Nag-alala naman ako nang marinig ang pag-ubo niya kaya nilapitan ko siya agad.

"Babanlawan ko na lang ang mga 'to tapos isasampay ko na sa taas," aniya sabay punas ng kanang kamay niya sa suot na daster.

"Ako na po tatapos niyan," alok ko pagkatapos magmano.

"Naku, hindi na. Ako na rito. Mag-aral ka na lang d'yan."

Tumango ako at kinuha na lang ang rice cooker para magsaing nang sa ganoon ay maaga kaming makakain. Paniguradong gutom na ang mga kapatid ko pag-uwi nila. Pati si papa saka para naman maibsan ang mga gawain ni mama.

"Ma..." tawag ko habang nagsasaing at nakatalikod kay mama.

"Ano 'yon, Toyang?"

"May... May event po kasing pupuntahan sana iyong mga 2nd year na BA-COMM. Sa Manila, Ateneo raw, ma. Dalawang araw."

"Oh, maganda 'yan! Magkano ba?"

I looked at her and smiled timidly. "Ten thousand po, ma. Kasama na r'yan 'yong round trip ticket saka accommodation daw sabi ni sir."

Nagulat si mama. She pursed her lips shortly after.

Alam ko, ma. Masyadong mahal.

"Pwede pa ba sa susunod na taon?" she asked in a small voice.

I smiled at her and nodded vigorously. "Ayos lang po, ma. Hindi naman compulsory."

Magandang experience siya para sa kurso ko but I don't want to keep them bothered with all its expenses.

"I-chat mo kaya si Tito Macoy mo. Baka makatulong siya," she suggested and I shook my head.

"Ayos lang po talaga, ma. Mas kakailanganin natin iyong diyes mil sa mga gastusin dito," I assured her.

She turned her back on me to continue rinsing the laundry.

"Pasensya na talaga, Yang..." mahinang sabi niya.

"Wala naman pong problema sa akin iyon. Makakapaghintay naman ako," tugon ko para pagaanin ang loob niya.

"Naku, sabi ni sir baka 15k daw iyong magastos natin all in all. G ka pa rin, girl?" my classmate asked one of our freshies who will be joining the trip to Manila.

Toyang (Eraserheads Series #1)Where stories live. Discover now