02 Toyang

147 20 15
                                    

02 Toyang

Guys, send niyo na 'yong reflection niyo

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Guys, send niyo na 'yong reflection niyo. Iyon na lang ang kulang.

Deadline na ngayon.

I waited for my remaining group mates to send me their reflections but none came. I glanced at the wall clock.

Isang at kalahating oras na lang.

I heaved a frustrated sigh and worked on their reflections. Kailangan ko nang masubmit 'to ngayon. Bahala na si Batman.

Pagkatapos kong gawin ang mga reflection nila at ang buong portfolio namin sa NSTP ay naghanda na agad akong pumasok kasi ipapa-print ko pa ang mga iyon saka ipapasa bago ang deadline.

"Magkano po lahat, ma'am?" tanong ko sa nag-aayos ng mga printed copies ng portfolio namin. Nasa tapat na printing shop na ako ng university namin.

"Php 235.00 lahat, hija."

Po?!

Napalunok ako at binuksan ang coin purse ko.

Singkwenta lang ang laman. Normal kong baon.

Napapikit ako saglit at kinuha sa backpack ko ang wallet. Kukuhanin ko na lang sa savings ko 'yong kulang.

Gusto kong sumabog at magsabi ng masasamang words nang bonggang-bonggang-bongga!

Php 200.00 lang din ang extrang ipon ko!

Bagsak ang balikat at masama ang loob na pumasok ako ng Liceo at umupo sa isa sa mga benches sa hallway. Kinuha ko ulit ang pitaka ko. Nanlumo ako sa barya roong naiwan.

Saan kaya aabot ang kinse ko?

I sighed my frustration. I lost counts on how many times I did that. I took my phone out. MyPhone iyon tapos may konting basag na rin, mag-aapat na taon na kasi kaming magkasama. Hindi na ako nanghingi nang bago kasi may DSLR camera naman ako kahit papaano. Iyong camera ko naman na ginagamit ko sa pagba-vlog ay si Tito Macoy ko pa na kapatid ni mama mula sa Canada ang bumili no'n dahil nga Communication ang kurso ko at may mga subject kami kung saan kakailanganin ko iyon. Although it's not a requirement, I just want to learn through experience that's why I politely asked for it from tito. Ngayon, active ako sa mga photowalk outside the school saka mga school event documentaries na rin.

Guys, good afternoon. Naprint ko na pala ang portfolio natin. Ipa-pass ko na rin. P235 iyong nagastos ko tapos 10 tayo sa grupo kaya dinivide ko iyon doon. P23 bawat isa sa atin.

I typed so fast and sent that right away. Wala na akong pera, e. Ang layo ng bahay namin. Hindi ko pwedeng lakarin. Although P23.5 dapat iyong hati namin, binuo ko na lang. I immediately read their consecutive replies.

Toyang (Eraserheads Series #1)Where stories live. Discover now