Chapter 11

358 47 40
                                    

NAGLARO na si Angelo at KC sa playground. Kitang-kita ni Sven ang saya sa mga mata ng kanyang anak. Napag-alamanan niya na kina Pzalm at Jethro pala ang nursery school na ito. May kirot tuloy sa puso niya habang nakikita ang school at playground.

"Be careful, KC. I'll watch you over here!" sabi ni Sven at umupo sa left side ng isang bench.

"Yes, daddy! Angelo, let's go!" sabi nito at nakipaglaro na nang tuluyan kay Angelo.

"Makulit talaga siya, 'no? I remember, ganyan din siya sa mall few days ago," nakangiting sagot ni Pzalm.

"Ah, oo. Nagmana sa nanay niya, makulit din kasi daw si Kiera Amore noong bata. Ang kulit nga talaga, hindi nawawalan ng energy eh," sagot naman ni Sven habang nakatingin siya kay KC.

Pagkatapos ng sagot na iyon, awkward silence na ang sumunod. Parehas na lang nilang tiningnan ang mga bata. Tiningnan na lang ulit ni Sven ang paligid, naalala niya tuloy ang pangako nila sa isa't isa noon.

Sabay nilang pinangarap 'yon. Simula highschool, pinag-uusapan na nila ang pagtatayo ng sarili nilang eskwelahan na kung saan ay nursery at kinder lang ang meron dahil mahilig si Pzalm sa mga bata. Noong una ay university ang naisip ni Sven pero ayaw iyon ni Pzalm.

Nasa isang bakanteng lote sina Pzalm at Sven, lagi silang nadaan dito bago umuwi sa kani-kanilang bahay.

"Dito, dito natin itatayo ang nursery school na gusto ko!" massayang pahayag ni Pzalm.

"May pera ka ba pangbili sa lupa na 'to? Baka kapag nagta-trabaho na tayo eh may kumuha na nito," sagot naman ni Sven na nilalaro ang cap sa kanyang kamay.

"W-Wala pa, pero pag-iipunan natin 'to. Gagawin natin ang lahat para matayo natin ang nursery school na gusto ko," sagot naman ni Pzalm with positivity.

"Sana tayo pa noon," mahinang sagot ni Sven pero sapat naman na para marinig ni Pzalm.

"B-Bakit? May balak ka pa bang hiwalayan ako?" tanong ni Pzalm habang magka-hawak sila ng kamay.

"Hindi na, hinding-hindi kita hihiwalayan."

Nang magising na sa katotohanan ay hindi siya nakapagpigil na mang-usisa tungkol sa batang si Angelo.

"Ang saya na ng pamilya niyo 'no? May anak ka na tapos ikakasal ka na rin kay Jethro," sabi ni Sven habang nakatingin kay Angelo.

"E-Excuse me? Anong sabi mo? M-May anak na ako?" nagulat si Pzalm dahil doon.

"Oo, hindi ba't anak niyo ni Jethro si Angelo?" sagot naman ni Sven, inosenteng-inosente sa mga pangyayari.

"A-Ah, so akala mo anak ko si Angelo? H-Hindi, nakakabatang kapatid siya ni Jethro. Lagi ko siyang sinasamahan kahit saan kasi iyon ang bilin ng kuya niya," paglilinaw ni Pzalm.

"A-Ah, akala ko kasi anak niyo siya. I'm sorry, wala akong alam," napa-iling si Sven sa pagkakamali niya.

Natawa naman ng konti si Pzalm at saka tumingin kay Sven bago niya ito sagutin.

"Okay lang, buti nga at nasabi mo 'yan. It only means na pwede na rin pala talaga akong maging nanay. Well, si Angelo naman talaga ang training ground ko," sagot ni Pzalm sabay tumawa ng mahina.

"I bet you'll be a good mother someday, Pzalm. You will be," sagot ni Sven habang nakating kay Pzalm. Si Pzalm naman ay nakatingin pa rin sa mga bata.

"Thank you, alam mo naman siguro kung gaano ko kagusto 'to. Ang magkaroon ng nursery school at ang maging isang mabuting ina," napangiting mapait si Pzalm nang sabihin niya iyon.

"Yes, of course. Alam na alam ko at masaya ako para sa'yo kasi natupad mo siya with Jethro," may kirot sa damdamin ni Sven noong sumagot siya.

Masakit para sa kanila na makitang nasa ganitong sitwasyon. Ikaw ang bumuo pero iba ang tumapos. Kaso, wala na silang magagawa, kailangan na nilang tanggapin na hindi talaga sila para sa isa't isa.

"T-Thank you nga pala sa pagpayag na mag-laro dito si KC ah? Kung hindi dahil sa'yo, hindi ko makikitang nakangiti ang anak ko ngayon," sabi ni Sven.

"Anything for KC. Alam mo naman na malapit ang puso ko kapag bata na ang pinag-uusapan," nakangiting sagot ni Pzalm.

Habang naglalaro sila KC at Angelo ay biglang dumating ang kotse ni Jethro. Nanlamig ang buong katawan ni Pzalm sa gulat, nawala sa isip niya na hindi pala tama ang ginagawa niya ngayon.

Pagbaba ni Jethro ng kotse ay gulat na gulat siya. Hindi niya pa napapansin sina Sven at Pzalm sa bench, ang una niyang pinuntahan ay ang kapatid niyang si Angelo at si KC.

Binigyan niya ang kapatid ng lollipop. Nang makita niya na para bang naghihintay si KC na mabigyan siya ng lollipop ay mahina siyang natawa sa bata. Kumuha siya ng isa pang lollipop sa bulsa at binigay iyon kay KC.

"Here," nakangiti siya habang inaabot ang lollipop.

"Thank you!" KC told him in a sweet voice.

"You are welcome," sabi naman ni Jethro pagkatapos ay ginulo-gulo niya ang buhok ni KC.

"Are you having fun here?" tanong niya sa dalawang bata.

"Yes!" sabay na sagot noong dalawa.

"Okay, just play there and I'll be back later," sabi ni Jethro pagkatapos iyong kay Angelo naman na buhok ang ginulo niya bago tuluyang umalis.

Ngumiti siyang mapait nang makita nan aka-upo sina Sven at Pzalm sa bench. Bumuntong-hinga muna siya bago siya lumapit nang tuluyan. Umayos naman ng upo si Pzalm at hindi pinapahalata na kinakabahan siya sa magiging reaksyon ni Jethro.

"Jethro, you're here. B-Bakit hindi mo sinabi na dadaan ka pala sa school?" sabi ni Pzalm, pilit siyang ngumiti pagkatapos ay hinalikan si Jethro sa pisngi.

"Nagsabi ako, hindi mo lang chineck ang phone mo. I was waiting for a reply kaso wala akong natanggap kaya dumeretso na ako dito," sabi naman ni Jethro.

Tumayo na si Sven para maka-upo na si Jethro sa tabi ni Pzalm. He gladly took the sit pagkatapos ay nakangiting tumingin kay Sven.

"Sven, it's nice to see you again. Kamusta ang Switzerland?" bati nito sabay lahad ng kanyang kamay.

"A-Ayos naman, it was bitter-sweet," may lungkot sa tono ni Sven nang maalala na naman ang pagkawala ng kanyang asawa.

"Oh, yes. I heard what happened to Kiera. Condolences," sagot ni Jethro.

"God bless the two of you. Salamat din sa pagpayag na makapaglaro si KC sa playground ng school niyo. We got to go, mukhang napapasarap na ang mga bata sa paglalaro," sagot niya sabay tingin sa mga bata.

"Okay, no problem. Sabihin mo lang sa amin kung gusto ulit ni KC na makipaglaro kay Angelo. Mukhang nage-enjoy din ang kapatid ko eh," sagot ni Jethro pagjkatapos ay hinawakan naman ang kamay ni Pzalm nang mahigpit.

"Sure. Sige, aalis na kami," paalam ni Sven sa dalawa.

"Ingat," matipid na sagot ni Jethro.

Mariin niyang tiningnan si Pzalm at tinanggal niya na rin ang pagkahawak nito sa kamay. Doon, nalaman ni Pzalm na galit nga talaga si Jethro sa ginawa niyang desisyon.

Paubaya (Completed)Where stories live. Discover now