Chapter 19

283 35 37
                                    

Bago pa siya makahiga sa kama ay may nag-doorbell at kumatok na sa unit niya kaya naisip niyang si Leigh na iyon. Pero, nagtaka din siya dahil ang usapan naman nila ay gabi pa.

"Leigh, hindi pa ako nakakabali-" natigil siya ng buksan niya ang pinto.

Hindi kasi si Leigh ang nandoon, kundi si Sven. May dalaga itong pagkain at gamot.

"S-Sven, bakit ka nandito?" nauutal na tanong niya.

"Ah, tinext kasi ako ni Leigh. Ang sabi niya, may pupuntahan daw siya kaya hindi ka niya masasamahan mamaya," sabi ni Sven.

Agad na kinuha ni Pzalm ang kanyang cellphone para tingnan kung may may abiso si Leigh sa kanya. Nang makita ang text ay napa-iling na lang siya.

Aalis kami ng boylet ko. Dadalhin daw niya ako sa isang expensive restaurant here in Manila. May ipapadala na lang ako na mag-aalaga sa'yo dyan. Promise! Gagaling ka kapag nakita mo siya.

Nang ma-realize niya na wala na siyang magagawa ay bumalik siya sa may pinto para papasukin na sa loob ng condominium si Sven. Agad namang nilagay ni Sven ang mga pinamili niya sa table at nanatiling nakatayo pa rin doon.

"U-Upo ka. K-Kumain ka na ba?" tanong ni Pzalm.

"A-Ah, oo. Kumain na ako kanina, nag-drive thru ako bago pumunta dito," sagot naman ni Sven pero hindi pa rin siya na-upo.

"Ah, sige. Coffee? Juice? Anong gusto mo?" nalilito na si Pzalm sa pagtatanong.

"Hindi, okay lang naman ako. Umupo ka na, gagawan na lang kita ng noodle soup with egg. May binili rin akong crackers at Gatorade para gumaling ka na," sabi naman ni Sven at kinuha na niya ang plastic na may laman noong noodles.

Pumunta din siya sa refrigerator para kumuha ng egg at hinanda niya ang lahat para gawan si Pzalm noon.

"A-Ako na lang dyan, kaya ko naman. Uminom naman na ako ng gamot kanina kaya wala na akong lagnat gaano," alok ni Pzalm dahil nahihiya siya.

"Humiga o umupo ka na lang dyan. Ako na ang bahala, pahinga ang kailangan mo."

Wala nang nagawa si Pzalm kundi ang umupo sa kama, binuksan niya ang kanyang cellphone at agad na tinext si Leigh dahil inis na inis siya sa ginawa nito sa kanya.

Do you think na masaya ako ngayon? Nakakahiya kay Sven! At saka, mag-aaway na naman kami ni Jethro kapag nalaman niya 'to. Ikaw talaga ang ituturo ko kapag nag-away kami. Humanda kang babae ka.

Nang matapos na ni Sven na gawin ang noodle soup with egg ni Pzalm ay nakangiti niyang prinesenta iyon kay Pzalm.

"Oh, iyan na ang soup na kailangan mo. Kumain ka na tapos kailangan mong uminom ulit ng gamot," sabi ni Sven na akala mo'y nag-uutos.

"B-Baka naman may mangyari na sa akin niyan kung lagi na akong iinom ng gamot. Kakainom-" natigil si Pzalm dahil sumagot agad si Sven sa kanya.

"Trust me, alam ko naman ang pinapagawa ko sa iyo. Dati na rin nangyari sayo 'yan, kaya-" natigil si Sven dahil na-realize niya na hindi na dapat balikan pa ang nakaraan nila.

"Sorry," mahinang paumanhin niya.

"Ah, okay lang naman. Wala naman akong magagawa, talagang nangyari na sa akin 'to dati kaya alam kong alam mo rin ang gamot para dito," ngumiti si Pzalm kahit na nahihiya siya.

"H-Hindi na sana ako pupunta, kasi sabi mo nga huwag na akong magpakita o magparamdam sayo. Kaso nalaman kung wala kang kasama, nag-alala na ako," sabi naman ni Sven na nahihiya rin.

"Hmm, salamat. U-Uuwi ka rin naman di ba? You wouldn't actually stay here?" Pzalm asked, na para bang takot siyang malaman kung ano ang sagot ni Sven.

"Y-Yeah, hindi ako mag-stay dito. Kailangan rin kasi ako ni KC. Basta, kapag medyo okay ka na ay aalis na ako. Saka, baka mabaliw ka dito kapag mag-isa ka lang maghapon," biro ni Sven na mahinang natawa sa joke niya.

"Hindi rin 'no, busy ako kanina sa PFB Express kaya hindi ako mababaliw. Oo, nakakabaliw ang trabaho pero may kausap naman ako kanina kaya ayos lang ako," depensa naman ni Pzalm.

"Wow ah, nagta-trabaho ka pa rin kahit may sakit ka na. Iba na talaga ang mindset mo 'no. I'm really proud of what you are now," sabi naman ni Sven habang nakangiti.

Napatigil naman at napatingin kay Sven si Pzalm dahil sa huling sinabi nito. Napangiti na lang siya bigl, ang hindi niya alam ay kitang-kita pala ni Sven ang pagtitig niya at pag-ngiti kaya laking gulat na lang niya nang magtanong si Sven.

"Bakit? May problem aba sa sinabi ko?"

Napa-iling at napangiti na lang si Pzalm dahil doon.

"W-Wala. It's been a long time since you told me that. Highschool graduation pa yata. It was so refreshing to hear it from you again," pag-amin ni Pzalm.

"Sorry if I wasn't there when you graduated college. Sa lahat ng achievements mo after that, wala ako. I'm really sorry," paumanhin ni Sven.

Ngumiti ulit si Pzalm sa kanya habang nakain ng noodle soup with egg.

"You don't need to be sorry. God planned that to happen. I-I mean, in that moment alam ni Lord na hindi natin kailangan ang isa't isa kaya wala ka sa akin noon," sabi pa ni Pzalm.

Nagulat naman si Sven dahil sa sinabi ni Pzalm. Ultimo si Pzalm ay nagulat din dahil sa lalim ng sinabi niya. Hindi niya akalain na masasabi niya iyon.

"Huwag mo kong pansinin, may sakit lang ako kaya kung anu-ano ang sinasabi ko ngayon. Ang sarap ng soup na ginawa mo ah," alibi ni Pzalm.

Ngumiti si Sven at di na sumagot.

Kinagabihan, uuwi n asana si Sven nang biglang inapoy ng lagnat si Pzalm. Kahit gusto na niyang umuwi para kay KC ay hindi niya magawa dahil nagko-kombulsyon na si Pzalm.

Pinabantayan niya muna ang kanyang anak kay Raven at kung hindi daw makatulog ay ibigay ulit it okay Auntie Nelma ngayong gabi.

"Don't go, Sven. Dito ka muna, please?" hiling ni Pzalm habang nakayakap na sa kumot at halos hindi an rin makagalaw.

"I'll be right here, Pzalm. Sige, hindi kita iiwan."

Kahit nahihiya siya, alam niyang kailangan niyang bigyan ng body heat si Pzalm kaya no choice siya kundi ang yakapin ito. Magkayakap sila sa kama ngayon at pinapakalma niya si Pzalm.

Paubaya (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon