Epilogue

870 44 38
                                    

AFTER a year, it was Akiero's first birthday. Ang anak ni Pzalm at Sven. Napag-isipan nila na iyon na lang ang ipangalan sa bata para halos parehas kay KC.

"Happy birthday, to you! Happy birthday, happy birthday! Happy birthday to you!" kumanta ang lahat.

"Blow the candle!" sabi ng mga bisita, sabay naman nag-blow sina Pzalm, Sven at KC para kay Akiero na ngayon ay tulog sa arms ni Pzalm.

Kumain na silang lahat, tulog pa rin si Akiero habang on-going ang party.

"Ang bait naman ng inaanak ko. Tulog lang buong birthday niya," sabi ni Leigh.

"Oo nga, na-breast feed ko kasi kanina bago mag-start ang party. Kain na kayo ha," sabi niya kay Leigh at Raven.

"Naku naman, ang gwapo ng inaanak ko ah. Mana sa Ninong Raven!" sabi naman ni Raven.

"Manigas ka nga. Kaya wala pa tayong anak, e. Gwapo ka?" asar na sabi ni Leigh.

"Kung di ako gwapo, di ka tumino sa akin. Haynaku, gwapo ko talaga. Don't worry, magkaka-anak din tayo," sabi naman ni Raven.

Inis lang na umalis si Leigh para kumuha ng pagkain. Naiwan si Raven na tawa nang tawa roon sa kanyang kina-uupuan.

Ilang minuto pa ay may pamilyar na kotse na pumarada. Napatigil si Sven sa pagkain para salubungin ang bisita nila.

Gulat na gulat si Pzalm na bumaba si Jethro at Rosey mula sa kotseng iyon. Hindi tuloy niya maiwasan na hindi mapangiti habang hawak niya si baby Akiero.

"Jet! Kamusta na kayo? It's been a long time ha. Thank you at pumunta kayo," sabi ni Pzalm.

"Naku, hindi ko mahindian si Sven eh. Parang iiyak kasi 'tong kumpare ko kapag wala ako sa party ni Akiero," sabi naman ni Jethro.

"Kumpare? Ninong ka ni Akiero?" na-surpresa si Pzalm sa nalaman.

"Oo, pinilit lang naman ako ni Sven. Saka, buntis din kasi si Rosey kaya gusto ko sana na personal na imbitahin kayo sa kasal namin," nakangiting sabi ni Jethro.

Nagulat si Pzalm at napatingin sa tyan ni Rosey. Na-confirm niya nga na buntis ito. Tuwang-tuwa tuloy si Pzalm.

"Hala, congratulations sa inyo! Ang happy ko for you, Jethro! Nakakaiyak naman, magkakaroon ka na ng pamilya talaga!" excited na sabi ni Pzalm.

"Congratulations, pare. Alam kong matagal mo nang gusto 'yan at alam ko rin na deserve mo kung ano man ang meron kayo ngayon," sabi ni Sven at tinapik ang likod ni Jethro.

"Salamat, pare. Automatic ninong and ninang kayo ni baby ha!" excited na sabi niya.

"Oo naman. Tara, kain na tayo! Pasensya na kayo at tulog pa 'yong may birthday pero mamaya ay gigising din naman 'yan," sabi ni Sven at hinatid na sina Jethro at Rosey sa loob.

Pinakilala naman ni Pzalm si Rosey sa kanila. Masayang tinanggap nina Adelia at Leigh si Rosey sa grupo nila.

Habang nakain ay napatingin sina Pzalm at Sven sa isa't isa. Sa tinginan nilang 'yon, alam nila na kuntento at masaya na sila sa buhay nila. Kasama si Akiero at KC at mga mahal nilang pamilya at kaibigan.

W A K A S
© Athena Beatrice 2020

Paubaya (Completed)Where stories live. Discover now