ISA

484 16 1
                                    


“Sigurado ba kayong wala kayong naiwan?”

Mula sa bintana ay bumaling ang tingin ni Francine sa kanilang ina. Kasalukuyan silang lulan ng kanilang van, patungo ito sa probinsya ng kanilang Lola upang doon sila'y magbakasyon.

Abot-abot ang pagkaburyo na nararamdaman ni Francine. Sa isip-isip niya ay sana nasa bahay siya ng kaniyang mga kaibigan at doon nagsasaya pero heto siya nakasakay sa kanilang van at tila walang katapusan ang byahe dahil puro puno ang nakikita niya.

“Wala po,” maagap na sagot nilang magkakapatid.

“Ma, are we so close na ba sa destination natin?” tanong nang nakababatang kapatid niya. Si Fran.

Nilingon ito ng kanilang ina at nginitian, “not yet, baby.”

“Ma,” tawag pansin niya rito. Tinignan naman siya nito. “Wala pa?”

Bumuntong-hininga ang nanay nila at natawa. “Napaka mainipin niyo talaga, wala pa. Malayo pa tayo.”

“Alam niyo, matulog na lang muna kayo. Gigisingin na lang namin kayo kapag nandoon na tayo.” Singit ng kanilang ama.

Napatango si Francine. Better.

__

“Cine, gising na. Nandito na tayo!”

Agad na nagmulat ng mata si Francine at tinignan ang labas ng bintana ng Van nila.

There it goes, ang malaki ngunit makalumang bahay ng kanilang Lola Aning. Mababakas ang kagandahan sa naturang bahay kahit na sobrang makaluma na nito tignan.

Agad silang bumaba ng Van. Bitbit niya ang dalawang naglalakihang bag niya na may lamang kung ano-anong abubot niya sa katawan at sa sarili.

“MGA APO!”

Agad siyang ngumiti ng makita niya ang kanilang Lola at Lolo na tumakbo patungo sa kanilang direksyon.

Tinanggal niya ang suot na headset at nginitian ang mga ito. Sinalubong niya ang kanilang lolo at lola ng yakap.

“Namiss po namin kayo,” nakangiting wika ni Cayn. Ang kaniyang ate.

“Hindi niyo naman pinaalam sa amin na darating kayo, anak!” natawang wika ng kanilang lolo sa kanilang ama.

“Gusto kase namin kayong sorpresahin, ‘tay.” Yumakap dito ang kanilang ama't ina.

“O siya, tara na't pumasok sa loob. Tamang-tama! Katatapos ko lamang magluto ng adobong manok.” ani ng kanilang Lola.

__

“Napaka lalaki na talaga ng inyong mga anak, David. Napaka gagandang bata...”

Narinig niyang wika ng kanilang lola sa baba ng bahay.

Patuloy na humahakbang si Francine sa hagdan upang puntahan ang kaniyang magiging kuwarto.

Malaki ang bahay ng kanilang lolo at lola. Mayroon itong limang kuwarto sa ikalawang palapag ng bahay. Sa paligid ng tahanan, ay napapalibutan iyon ng mga naglalakihang mga puno ng Acacia at mangga. Malamig ang simoy ng paligid, at sariwa.

Taliwas sa kagustuhan ni Francine ang lahat. Para sa kaniya, ang ganitong lugar ay boring. Malayong-malayo sa Maynila na napalilibutan ng mga nagtataasang gusali, mga naglalakihang malls, at mga pasyalan na mayroong modernong kaayusan.

Ayaw dito ni Francine, bukod sa mahina ang net, ay wala rin dito ang libangan niya. Ang mga clubs na lagi nilang dinadaluhang magkakaibigan.

Agad na pinihit ni Francine ang seredura ng isang pinto ng panglimang kuwarto. Itong dulong kwarto ang nais niya, bukod sa tahimik ay malayo din siyang maistorbo.

Tipid na napaamang ang labi niya ng makita ang ayos ng kwarto. Napakaganda. Simple ngunit naroon ang ‘rikit.

May katam-tamang laking kama ito na mayroong puting manipis na kurtina sa harap. Sa gilid ng kuwarto ay naroon ang malaking bintana, at kaharap nito ay ang study table na may modern lampshade. Mayroong shelves sa dulo, at may malaki ring salamin. Mayroon din itong cabinet. Malaki ang kuwarto, bagay na nagustuhan ni Francine.

“Nagustuhan mo ba ang kuwartong ito, apo?”

Muntik na siyang mapatalon dahil sa gulat. Nilingon niya ang nakangiting lola niya. Pinilit niyang ngumiti rito at tumango. Una pa lang ay, hindi sobrang lapit niya rito. Ilag kase siya sa kamag-anak niya.

“O-Opo,” wika niya. Ipinatong niya ang dalang mga bag sa malinis na kama. “Ah, Lola....may wiFi po ba kayo rito?”

Natawa ang kaniyang lola at umiling. “Pasensya na apo, pero wala...”

‘Malas....’ sa isip niya. Pinilit niyang ngumiti at tumango. “Ah, okay po.”

“Halika na, apo. Kakain na tayo.”

“Ah, sige po, La. Mauna na ho kayo, susunod na lang po ako. Mag-aayos lang.”

Tumango na lamang ang matanda bago siya nito iniwan.

“Ugh, walang net! How can i update my friends nito?” naiinis na bulong niya sa sarili. Wala siyang nagawa kundi padabog na inayos ang kaniyang mga gamit.

Nang matapos ay agad siyang nahiga sa kama niya at tumulala sa kisame. Unang araw pa lang ay, pakiramdam niya ay ito na ang tatapos sa buhay nila. For heaven sake! She can't live without her friends and gadgets. Sa Maynila, ang mga ito ang nagsilbing pamilya niya. Kung hindi lamang siya tinakot ng Mama niya na igrogrounded siya kapag hindi siya sumama rito sa probinsya ay hindi talaga siya sasama.

Sino bang may gusto na umuwi sa probinsya na kung saan wala ang internet at clubs na nagsilbing buhay niya?

---

<( ̄︶ ̄)> “ITUTULOY....”

ENGKANTO (SHORT STORY; COMPLETED) Where stories live. Discover now