DALAWA

348 12 1
                                    


“What's this, Lola?” nakakunot ang noo na pinagmasdan ni Francine at kwintas na isinuot sa kanila ng lola nila.

Pang apat na araw na nila ngayon, at balak naman nilang maligo sa malinis na sapa.

“Isa ‘yang pangontra mga apo, nais ko sanang huwag ninyo iyang tanggalin mula sa pagkakasuot niyo. Kahit anong mangyari.” Bagama't nakangiti ay mababakasan ng kaseryosohan na sagot ng kanilang Lola.

Nagkatinginan sila ni Cayn, ang kaniyang ate. Matapos niyon ay muli silang bumaling sa kanilang Lola.

“Bakit, Lola?” tanong ni Cayn.

“Upang maiwasang makursunadahan kayo ng mga elemento, hija.” Bumuntong-hininga ang kanilang Lola at tinignan sila. Naupo ito sa tumba-tumba. “Dito sa probinsya, maraming elemento ang nagala mga apo. Kaya kahit anong mangyari, huwag ninyo iyang huhubarin. Maliwanag ba?”

Kahit naguguluhan ay tumango na lamang sila bago nagpaalam na aalis na.

Habang naglalakad ay hindi nila naiwasang pag-usapan ang naging pahayag kanina ng kanilang Lola.

“Tingin mo, ate? Totoo ‘yong sinabi ni Lola?”tanong niya sa kanina pang tahimik na ate niya.

Mula sa pagtingin sa paligid ay nilingon siya ng kaniyang Ate. “Mm, oo. Haven't you heard any kinds of urban legends? Mga engkanto? Tikbalang? Multo?”

Sandali siyang natawa bago umiling. “I have. But, i don't believe any of those stuffs.”

Totoo naman. Hindi siya naniniwala sa ganoon kahit na ilang beses niya na iyong naririnig. Ika nga nila, “To see, is to believe.”

Bakit mo paniniwalaan ang bagay na wala pang matibay na ebidensya?

Isang malaking advantage na rin niya sa mga ganito ay dahil lumaki siya sa siyudad. Bihira ang ganitong usapan, at naririnig niya lamang ang mga iyon sa usapang matatanda.

“We‘re here!”

Agad nilang narating ang napakalinis na sapa. May mga tao rin doon na naliligo, karamiha‘y nagtataka sa kanilang presensya. Sino nga ba ang hindi? E, bagong mga salta sila sa lugar na iyon.

May mga kalalakihan na palihim na nasulyap sa kanila. Naroroon ang paghanga sa mga mata dahil sa angkin nilang ganda.

No'ng araw na iyon, hindi nila kasama si Franz. Sinama kase ito ng kanilang magulang sa bukid.

Nakasuot ng short at t-shirt na puti si Cayn. Habang siya, sa ay sando lamang at maikling pang ibaba.

“You shouldn't wear that, Cine.” Paalala sa kaniya ng kaniyang ate habang pinagmamasdan siya habang nagbabasa sa sapa.

Kinunutan niya ito ng noo. “Why? Is there any problem?”

Bumuntong-hininga ito. Namana ata nito ang 50 percent na  pag ka conservative sa kanilang Lola. “Because we're here in province, wala tayo sa Manila.” Sinabayan siya nitong maligo.

“Ano naman?” kalmadong tanong niya.

“And, for heaven sake too, maraming tao rito. Wala ka bang ideya kung gaano ka-conservative ang ilang taong naririto ngayon?”

She shrugged her head. “I have no idea.”

“Francine---”

“Oh, please...sis, we're bathing okay? There's no problem on what i wearing right now.” wika niya bago lumusong sa medyo malalim na parte ng tubig.

Walang nagawa si Cayn. Sadyang napakatigas talaga ng ulo nito ni Francine. Minsan, gusto niyang sisihin ang mga kaibigan nito. Habang pinagmamasdan niya ito ay doon niya nakikita ang pagbabago ni Francine.

Her friends is not a good influence. They just taught Francine to hang in nonsense places, do the nonsense things. And worst, baguhin ang pagkatao ng kapatid niya. Hindi ganito si Francine dati, ngunit nagbago ito ng maranasan nila sa punto ng buhay nila ang pag-aaway ng kanilang ama't ina. Isa rin ang bagay na iyon ang nagtulak kay Francine sa tao na hindi niya lubos na naisip na maaaring ganoon ang magiging kahitnan ni Francine sa huli.

Muli siyang bumuntong-hininga bago nilibot ang tingin sa paligid. Halos pandilatan niya ng mata ang mga lalaking hindi maalis-alis ang tingin sa kaniya at sa kapatid niya. Napapahiyang nag-iwas naman ng tingin ang mga ito.

___
Matapos ang isang oras na pagbababad ay napagdesisyunan na niyang umahon. Agad niyang kinuha ang puting tuwalya niya at ipinunas iyon sa buhok. Pinagmasdan niya si Francine sa kabilang bahagi ng sapa. Naroon ito't patuloy na nagbababad.

“Cine!” tawag-pansin niya rito.

Hinagilap naman ng mata nito siya. “Why?!” pasigaw na tanong nito.

“Umahon kana diyan! Let's go back! Ma and Pa might find us here!”

Hindi kase sila nagpaalam.

Napatango ito at pilit siyang inaninag. Nasisikatan kase ng araw ang pwesto ni Francine, habang siya ay nasa lilim ng puno sa may batuhan.

“Okay? Una ka na! I'll be back there when i'm done in here!”

Bumuntong-hininga siya at tumango. Wala siyang magagawa, hindi niya rin ito mapipilit. “Okay! Take care!”

Kinuha niya kaagad ang dala niyang bag at lumakad na paalis.

Samantala, naiwan naman si Francine na nagbababad pa rin sa tubig. Sa huli siya na lamang ang natira doon. Sandali siyang umahon sa batuhan at pinagmasdan ang paligid.

Bakit gan'on? Ang bigat ng pakiramdam niya.

Hindi niya pinansin ang nararamdaman na iyon, agad siyang tumayo at balak na muling lumusong sa tubig. Napahinto siya ng maramdaman ang isang bagay na malamig sa dibdib niya. Nagbaba siya roon ng tingin. Nakita niya ang kwintas na isinuot sa kanila ng kanilang lola.

Napangiwi siya at tinanggal iyon mula sa pagkakasabit sa leeg niya. Pinagmasdan niya iyon sandali. “I don't need you.” wika niya rito bago ipinatong sa mataas na bato.

Muli siyang lumusong sa tubig.

__

Ganoon na lamang ang bigat na nararamdaman ni Francine habang tinatahak niya ang daan pauwi. Malapit nang magdilim ng maisipan niyang umuwi na.

Nakaramdam siya ng pananakit ng katawan at sipon. Bakit ganoon siya kabilis magkasakit? E, naligo lang naman siya.

Napailing siya.

Pagkarating sa gate ay sinalubong agad siya ni Cayn. Napansin niyang kasama nito ang kanilang lola. Mukhang nagkukuwentuhan.

“Francine!” sinalubong siya ng kaniyang ate na kasunuran ang lola nila. “Bakit ngayon ka lang?”

Umiling siya, “napasarap ang ligo, e.” Nginitian niya ito.

“O siya, apo. Pasok ka na sa loob ng makapag linis ka na ng katawan.” Ani ng Lola nila.

Tumango ang ate niya bilang pag-sang ayon. “Tama. Teka, ayos ka lang ba?” tanong nito sakaniya. Mukhang napansin nito ang pamamaos niya, sign iyon kapag nagkakasipon siya.

“Ha? Oo naman, o sige...una na muna ako ha?” tinignan niya ang mga ito bago lagpasan. Sobrang bigat na kase ng nararamdaman niya. Pakiramdam niya ay lalagnatin siya.

At hindi nga nagkamali ang pakiramdam na iyon. Dahil ng sumapit ang gabi, dinapuan siya ng mataas na lagnat.

___&&

<( ̄︶ ̄)> “Hi. Ituloy mo.”

ENGKANTO (SHORT STORY; COMPLETED) Where stories live. Discover now