ANIM

253 10 0
                                    

Matapos mangyari ang bangungot na naranasan ng pamilyang Castro at lalo na ni Francine ay napagdesisyunan na ng mga ito na bumalik sa Maynila.

Ayaw na nilang masundan pa ang pangyayaring iyon, at natatakot sila para sa kapakanan ng kanilang pamilya; lalo na kay Francine.

Binatid naman ni Ka Caloy na maayos na si Francine, ngunit kailangan lamang nitong pagtibayin ang pananalig niya sa Diyos upang hindi siya muling mahawakan ng ano mang klaseng elemento na may masamang mithiin. 

Nasa sala sila noon, at masayang nagkukuwentuhan. Ikinuwento ni Francine ang mga nakita niya at naranasan nang minsang pumailalim siya sa mahika ng engkantong si Timotheo.

“Napakaganda ng lugar nila...” wika niya.

Nanatiling nakinig ang lahat.

“Puno ng iba‘t-ibang klaseng ilaw, ‘yong lugar nila....parang cassino. Napakaraming ilaw. At lahat ng naroon ay nagsasayawan. Puno ng kasiyahan ang lugar.” 

Tumikhim ang matandang si Ka Caloy, “ang bagay na iyon ay naglarawan sa karanasan mo, Francine. Ang kasiyahan mo tuwing napunta ka sa mga mataong lugar, ihalimbawa na lamang natin ang mga party bar‘s na pinupuntahan mo. Pero base sa karanasan mo ay, ginagawa mo ang mga bagay na iyon upang sandaling malimot ang lungkot na iyong nararamdamdaman.” Tumango-tango ang matanda. “Tuso ang mga elementong may masamang mithiin. Ginagamit nila ang mga bagay na pinapangarap, o nararamdaman ng kanilang biktima upang madali nila itong mapapaikot at mapaniniwalang sa mundo nila tunay na mahahanap ang saya.”

“Iyan rin po ang napansin ko, Ka Caloy.” Nailing na wika ni Francine. “Nakita ko kung paano sila magsaya. Sasama na sana ako ng marinig ko ang boses ni mama. Napadasal ako ng mga oras na iyon, at ang mga sama ng loob ko ay inilabas ko kaagad. Matapos ‘kong kausapin sina Mama, sinabihan ako ni Timotheo na nililinlang lamang ako nila Mama. Na kapag muli ako sumama sakanila ay, mararanasan ko ulit 'yung naranasan ko. Pero ng marinig ‘kong nag-sorry sina Mama, pinilit ‘kong labanan ’yung pangbrabrain wash ni Timotheo.” nginitian niya ang lahat. “Napadasal ako noong mga oras na iyon kay Lord. At tama nga sila, kahit kailangan ay hindi nawawala sa tabi natin ang Ama. Hinihintay lamang Niya na isuko natin ng buong puso ang ating sarili sakaniya and the rest, Siya na ang bahala sa lahat.”

Niyakap siya ng kaniyang pamilya.

Matapos ang tagpong iyon ay napagdesisyunan na rin nilang umuwi na pabalik sa Maynila.

Pinagmasdan ni Francine ang malawak na kuwarto niya. Sa ikli ng linggo na ipinamalagi nila rito ay nanumbalik lahat sa kaniya ang lahat. Mga memoryang siguradong hinding-hindi niya malilimutan.

“Apo?”

Agad siyang napalingon at nakita niyang nakatayo doon ang kaniyang lola. Nakangiti ito sakaniya.

Ngumiti siya pabalik, “'La. Bakit po?”

Lumapit ito sakaniya. “May nais akong ibigay sa iyo, apo bago ka bumalik sa Maynila...” hinawakan nito ang kamay niya at mula roon ay naramdaman niya ang isang malamig na bagay. Nang tignan niya ito ay nakita niya ang isang kwintas, kaparehang-kapareha nito 'yong kwintas na ibinigay sa kaniya ng lola niya noong unang araw pa lamang nila. “Gusto ‘kong h‘wag na h‘wag mo iyang huhubarin, Francine. Kahit anong mangyari, ‘wag na ‘wag mong iwawala ang bagay na iyan.” Nakangiti ngunit may bahid na awtoridad na wika ng lola niya.

Ngumiti siya at isinuot iyon. “Opo, Lola. Hinding-hindi na.”

“Ayoko ng maulit ang nangyari sa iyo, Francine. Kaya ‘wag matigas ang ulo?”

Natawa siya bago yumakap sa matanda. “Opo, Lola. Hinding-hindi na.”

Matapos niyon ay bitbit niya ang kaniyang malaking bag habang magkahawak-kamay sila ng kaniyang lola na lumabas. Nasa labas na ang lahat.

Agad siyang yumakap sa kaniyang lolo. “Lolo, mamimiss po kita. Kayo ni lola.”

Natawa ang kaniyang lolo, at tinapik ang kaniyang likuran. “Mamimiss rin kita, apo. Mag-iingat ka sa Maynila, ha? 'Wag muna mag boboyfriend. Kapag nagboyfriend ka, iuwi mo rito sa probinsya para makilatis ko.”

Natawa siya at pabirong tumango na lamang.

“Ayaw niyo ba talagang sumama sa amin pabalik ng Maynila, ma? Pa?” tanong ng ama nila Francine sa magulang nito.

Umiling ang mga ito.

“Matanda na kami, anak. Mas gugustuhin naming manirahan sa sariwa ang hangin ng lugar, kesa sa syudad na punong-puno ng naglalakihang gusali.” Saad ng lolo.

“Tama ang papa mo, anak. Bantayan mo na lamang ang pamilya mo. Mag-iingat kayo sa Maynila.” Ani ng lola.

Yumakap ang kanilang magulang sa mga ito at nagpaalam na.

“Sa pasko ay babalik kami rito, habang wala kami may kinuha akong tatlong katulong upang mabantayan kayo at maalagaan.” Pagtatapos ng tatay ni Francine. Abogado ang kaniyang ama, at may mataas itong posisyon sa gobyerno kaya kayang-kaya nitong kumuha ng katulong ilang rami pa ang gustuhin nito.

Natawa ang kanilang lolo at lola, mukhang wala na ata talaga silang magagawa sa desisyon ng anak. Mukha rin kaseng natrauma ito sa nangyari sa kanilang pamilya kaya gano‘n na lamang ang kagustuhan nitong may mag bantay sa kanila. Okay lamang iyon sa dalawang matanda, upang kahit papaano‘y malibang rin sila at may makausap.

“Ba-bye lola! Lolo! Sa pasko babalik kami!” Nakadungaw sa bintana ng van ng sigaw nang tatlong magkakapatid.

“Aasahan namin iyan! Mag-iingat kayo apo!” kumaway pabalik ang mag-asawa.

Hindi nila ipinasok ang ulo sa loob ng van habang hindi nawawala sa paningin nila ang lolo at lola.

Napangiti si Francine at tinanaw ang napakalawak na tanawin sa probinsya nila.

Ang karanasan niyang iyon ang nagsilbing pagbabago sa buhay niya at ng kaniyang pamilya. Mas tumatag ang kanilang pamilya at napuno ng pagmamahal.

Ganoon rin ang puso ni Francine na hinayaan ang Diyos na pagharian nito ang puso niya at balutin ng kapayapaan at pagmamahal.

Tama nga sila, walang malabo sa Diyos. Lahat ng bagay ay alam nito at nakikita. Ang kailangan lamang nating gawin ay ang magtiwala sakaniya, at isuko ang ating sarili. Lahat ng bagay ay magiging maayos din.

__

THE END. 

ENGKANTO (SHORT STORY; COMPLETED) Where stories live. Discover now