Sa buhay, marami tayong nalalasap. Marami tayong natatagpuan, nararamdaman, at higit sa lahat, marami tayong inibig, iniibig, at iibigin. Oras-oras, minu-minuto, minsan, panghabang-buhay.
Ngunit, kapag naglaho na ang lahat, kapag wala na talagang maisasalba pa, ano ang magagawa?
Bumitiw.
Siguro iyon na lang ang tangi nating magagawa para sa ating kapayapaan. Tumigil nang humabol ng tadhanang akala mo'y makakabuti sa iyo. Huminto nang magpilit ng damdaming hindi naman para sa iyo.
Mamaalam.
Isang mabilis at masakit na pagbitiw ng paalam para sa mga bagay na ating inakala'y para sa atin. Isang mapanglaw at matamis na pagyapos sa huling pagkakataon ng ating pangarap na lambing.
Pag-ibig.
Mahirap gawin. Mahirap mawala. Mahirap tanawin ang dulo. Kapag ang lahat ay nalubog na sa dilim at pait ng buhay, kailangan nating lumaya.
At sa pag-laya, kailangan nating banggitin ang dalawang salita.
Paalam, Pag-ibig.
Sana matagpuan mo ang para sa iyo.
YOU ARE READING
paalam, pag-ibig
Poetry❝𝘢𝘬𝘰'𝘺 𝘯𝘢𝘯𝘢𝘯𝘢𝘯𝘨𝘪𝘴 𝘴𝘢 𝘴𝘶𝘭𝘰𝘬 𝘯𝘨 𝘢𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘪𝘴𝘪𝘱𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘥𝘪𝘭𝘪𝘮 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘯𝘢𝘣𝘶𝘵𝘢𝘴 𝘬𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘶𝘴𝘰 𝘥𝘶𝘮𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘯𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘬𝘪𝘱𝘴𝘪𝘭𝘪𝘮❞ ˜"*°•˜"*°•˜"*°• isang bagong kabanata. isang nalalabing d...