2 | dahon

12 1 2
                                    

Bawat pagpatak ng ulan, maraming dahon ang lulan
Dahong likas na matapang, agos ng buhay lumalaban
Dahong mayumi't maganda, daig ang talang lumiban
Dahong susunod sa agos, tinanggap ang nakalaan

Dahong mabilis, mabigat, sa pagbagsak ay agaran
Dahong maraming misteryo, lilingon sa nakaraan
Dahong pilit lumigaya, kakapit sa anong kaban
Bawat paglipas ng araw, maraming dahon—lumisan

Dahong mabilis, mabigat, sa pagbagsak ay agaranDahong maraming misteryo, lilingon sa nakaraanDahong pilit lumigaya, kakapit sa anong kabanBawat paglipas ng araw, maraming dahon—lumisan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Isa ulit itong requirement sa subject ko noong SHS. Lalabing-animin naman ang sukat ng bawat linya. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng tulang ito dahil namili lang ako sa listahan ng mga random na salitang binigay ng guro namin sa pisara. Ayon, may maipasa lang. haha.

Ikaw, anong masasabi mo sa tulang ito? Mag-comment sa baba. :))

 :))

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


paalam, pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon