Chapter 1: Runa

1.6K 62 27
                                    

A/N: Book 2 na po ito. Continuation po, 6 months ago after nung incident. Last year narin nila sa Cuthbert.

*************************************
Runa

Kenna's POV

Anim na buwan na ang lumipas simula nang malaman namin ang buong katotohanan. Pagkatapos ng mga naganap naging tahimik na dito sa Cuthbert, pero hindi ko malimutan yung sinabi ni Ms. Laura bago siya mamatay.

"There's no ending, the game master is still alive."

Hindi mawala sa isip ko ang mga salitang ito. Oo siya si Ahriman pero hindi pala siya ang game master.

Litong lito na ako, kung patuloy kaming paglalaruan ng game master, ibig bang sabihin nun may mas malalim pang dahilan kung bakit niya ginagawa ito? May mas mabigat paba sa nakaraan ng mga magulang namin. Hindi ko na alam ang sagot.

May mas malalim paba kaming koneksyon?

Ring.........

Nadivert ang attention ko dahil sa tawag, si Detective Philbert tumatawag.

"Yes Detective?" Seryoso kong sagot sa kabilang linya, sa tawag ng Daddy ni Wesley.

"Hija bakit napakaseryoso mo hahaha." Napatawa siya dahil sa tono at paraan nang pagsagot ko. Masyadong pormal.

Simula ng mag aral ako sa Cuthbert, idol ko na talaga ang Daddy ni Wesley. Kahit sabihin pa nila na malapit sila ni Dad sa isa't isa ay hindi ko parin kayang magpaka informal sa kanya.

"Ahh....kasi po....." Nauutal kong sagot.

"Okay, I knew it. I understand. Tumawag ako para sana sabihin sayo na nandoon si Wesley sa Cuthbert. Nagsawa na yata na makita ako. Hahahaha." Naging setting na yata namin to ni Detective, pakiramdam ko sinasadya niyang paglapitin kami dahil sa mga ginagawa niya. Halos araw araw yata pinapaalam niya ang ginagawa ni Wesley.

"Talaga po? Tamang tama may kailangan ako sa kanya. Nandito rin po ako sa Academy." Sagot ko sa kabilang linya.

Sinabi ko nalang sa detective na may kailangan ako, totoo naman. Ngayon lilipat yung apo ni Sir Magnus, nakiusap siya na kung maaari ay tulungan namin ito. Hindi na kami tumanggi ni Craig. Matutulungan din pala kami ni Wesley dahil nandito siya.

"Yes hija. O sha.....may trabaho pa ako. Mag aral kayong mabuti at nakikiusap ako na kung may kakaibang nangyayari dyan sa Cuthbert ay sasabihin niyo sa amin—" Pinutol ko na ang sasabihin nang matandang Detective.

"Opo. Promise po." Hindi ko na pinatapos si Detective sa sasabihin niya dahil alam ko na kung saan mauuwi yung usapan.

Hanggang maaari ayoko na munang alalahanin ang lahat. Nakakalungkot lang din dahil sa loob ng six months parang nagkanya kanya na muna kami.

Nang matapos ang pag uusap namin ni Detective Philbert ay siya namang pagdating ni Craig kasama si Sir Magnus.

"Lo!!!" Tumatakbo akong lumapit sa kanya. Masaya ako sapagkat magaling at malakas na malakas na talaga si Sir Magnus, para ko na talaga siyang lolo kaya masasaktan ako kung may mangyayari sa kanya na masama.

"Kanina ka paba hija? Pasensya na kung natagalan kami, medyo napasarap ang usapan namin ni Craig." Paghingi ni Sir Magnus ng dispensa.

"Ay hindi po okay lang. Nakausap ko rin po si Detective sabi niya nandito daw si Wesley tamang tama matutulungan niya tayo." Sabi ko sa kanila.

THE GAME: Cuthbert Academy Book 2 (Very Slow Update)Where stories live. Discover now