Chapter 4: Bottles

488 21 4
                                    

Bottles

Craig's POV

Kung maaari lang na bigyan ng isang sapak si Wesley ay ginawa ko na, hindi ko maintindihan ang pinapairal niyang pag-uugali ngayon. He can defend himself dahil nasisiguro ko na inosente sya pero mas pinili niyang manahimik. Siya ang pinaka matalino sa grupo pero ang pinapakita niya ngayon ay isang bagay na hindi ko maipaliwanag. Maaari rin naman may pinoprotektahan sya.

Hindi ko mawari kung pinoprotektahan niya ba si Arkin dahil dati niya tong matalik na kaibigan o sadyang wala lang siyang pakialam.

Oo, alam ko na ang storya ng buhay ni Wesley at kung bakit siya napadpad sa Cuthbert.

Hindi ko gustong basta nalang magbigay ng conclusion sa pagkamatay ni Vince pero malaki ang hinala ko na isa lang din sa matatalik niyang kaibigan ang may kagagawan ng lahat ng ito. It's either Arkin or Runa. Malakas ang kutob ko at papanindigan ko ito.

Pagkatapos kong umupo sa may garden ng Walter para magpahangin at makapag isip ng mabuti ay napag desisyonan ko nang bumalik sa dorm ng mga lalaki para umpisahan ang pag iimbesitiga.

Tahimik na nakapalibot ang mga pulis sa paligid ng dorm ni Vince. Nadatnan ko rin si Kenna at Runa na kinukuhanan ng picture ang bawat sulot ng kwarto, nagpasya narin kaming kolektahin ang lahat ng maaaring maging ebidensya, mga lata at bote ng alak na pwedeng mapagkuhanan ng DNA.

"Paano yan Craig, hindi natin kabisado ang mga naiwang gamit ni Sir Blair para magamit sa pagkuha ng ebidensya." Nababahalang tanong ni Kenna sa akin, ayaw ko mang gamitin ang mga gamit ng traydor na yon ay kailangan namin lahat ng naiwan niyang kagamitan at talaga namang mapapakinabangan lahat ng iyon.

Bago pa ako makasagot kay Kenna nakita ko sa sulok ng mga mata ko na may ibinulsa si Runa sa kanyang bag. Hinayaan ko lang sya sa ginawa niya at nag panggap na hindi ko sya nakita. I will never trust this girl. She's definitely up to something.

"Hey! Craig, ano na? What if humingi tayo ng tulong kay Ms. Haley at Sir Maxwell tutal ay pumayag naman tayo na sila na ang magiging advicer ng MCC and at the same time they both know how to use forensic equiptments and maalam talaga sila pagdating sa investigations and interrogations." Hindi agad ako makasagot sa suhestisyon ni Kenna, alam ko na magaling si Ms. Haley at Sir Maxwell pero hindi ko mapigilang hindi mabahala dahil magpasa hanggang ngayon hindi ko magawang magtiwala dahil hindi naman namin sila lubusang kilala at maaaring matulad nanaman ito sa nangyari six months ago.

Malalim na buntong hininga nalang kasabay ng paggalaw ng balikat ko ang tanging naisagot ko kay Kenna. Pre occupied na ang isipan ko.

"Okay if you're not ready to trust them, then just let me help in this investigation, ako na ang mag eexplain sa kanila." Kenna trying to conviced me.

"Okay as you like, but please Kenna just don't give your full trust to them. You know what I mean." Final kong sagot sa kanya.

Naputol ang tinginan namin ni Kenna matapos ang pagtikhim ni Runa.

"Mauna na muna ako sa inyo, pwede bang kayo muna ang mag-asikaso dito. Kailangan ko lang talagang makausap si Arkin." Paalam ni Runa.

Pilit ko hinanap ang mga mata niya pero sa kilos nyang balisa ay alam ko nang mayroon siyang itinatago at mukhang wala syang balak sabihin sa amin.

"Well if you say so...." Tila walang interes kong sagot. Sigurado akong may alam sya sa nangyari pero hindi ko sya pipiliting magsalita. I will surely find another way para nalaman ang lihim nila dito sa Walter.

Pagkaalis ni Runa ay nag umpisa kaming mangolekta ng ebidensya tulad ng cigarette butts, bottle and cans of beers, blood sample galing sa natuyong dugo na ginamit sa pagsulat ng pangalan ni Wesley dito sa crime scene, we need to compare it sa dugo ni Vince, kung dugo nya nga ba ang ginamit sa pagsulat ng iniwan nyang pangalan ni Wesley sa sahig ng kanyang kwarto.

THE GAME: Cuthbert Academy Book 2 (Very Slow Update)Where stories live. Discover now