Chapter 5: Blood

452 21 1
                                    

Blood

Kenna's POV

Bago kami muling bumalik sa HQ para alamin ang resulta ng mga DNA ay nagpasalamat kami kay Dr. Robbins, dahil sa ginawang autopsy ay masasabi kong walang kinalaman si Wesley sa pagkamatay ni Vince, sana lang ay ganun din si Runa at Arkin.

"Sa palagay mo Craig may kinalaman ang mga kaibigan ni Vince sa nangyari sa kanya?" Gusto kong malaman ang opinyon ni Craig.

Si Andrew pala ay bumalik sa Walter para magpahinga dahil ginabi na kami sa laboratoryo. Mayroon nalang kaming dalawang araw para maresolve ang kaso at patunayan na inosente si Wesley, na ngayon ay hindi namin mahanap.

"Alam kong inosente si Wesley at nasisiguro kong mayroon siyang pinagtatakpan kaya sya nanatiling tahimik, pero kung ipagpapatuloy nya to ay sya ang maiipit, at masasayang ang paghihirap natin na matulungan sya." Parehas kami ng nasa isip ni Craig, kung siguro ay magsasalita sya baka maging malaking tulong ito, pero kahit pilit nyang itanggi na hindi niya kaibigan sila Arkin alam kong malalim ang pinagsamahan nila, may malasakit parin siya. Hindi magkakaroon ng malalim na galit si Arkin kay Wesley kung wala silang pinagsamahan.

Pagdating namin sa HQ ay agad akong nagpunta sa bago namin laboratoryo kung saan nakalagay ang lahat ng gamit ni Sir Blair sa pag iimbestiga, ganito ba nya kamahal si Ms. Laura na hinayaan niyang humantong sya sa kamatayan kasama ang mga pangarap niya.

Bago pa akong mag umpisang maging emosyonal ay nagpasya akong alamin ang lagay ng mga evidences na iniwan ko kay Ms. Haley at Sir Maxwell.

"Oohh Kenna mukhang pagod na pagod ka, magpahinga ka muna at bukas na tayo mag usap. Matatapos na din kami dito." Mahinahong sinabi ni Ms. Haley.

"Pero po two days nalang ay hindi na kami papayagan mag imbestiga...." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sa binigay niyang ngiti sa akin.

"Okay just take a nap then, gigisingin ka namin kapag natapos na ito." May assurance niyang sinabi.

Pumayag akong umidlip.

Nakaramdam ako ng mahinang pagyugyog sa braso ko dahilan para magising ako. Magliliwanag na at napabalikwas ako dahil hindi kami pwedeng mag aksaya ng oras.

"Craig, natulog ka rin ba? Bakit hindi niyo ako ginising?" Si Craig ang gumising sakin at kitang kita sa mukha niya na wala pa syang tulog pero hindi ko napigilan ang sunod sunod kong tanong sa kanya.

"Ssshhhh....kakatulog lang nila." Turo niya sa aming mga adviser na parehas nakahilig sa sofa.

"Bat di niyo ako ginising?" Tanong kong muli.

"Well ako ang nagsabi na huwag na, lumabas ako kagabi para hingan ng DNA sample si Wesley, si Runa at Arkin na rin." Paliwanag niya.

"Bakit hindi mo ako sinama? Nasaan na si Wesley." Tinakpan ni Craig ang bibig ko at hindi na muling nakapag tanong.

"Tara na, lets buy some breakfast for us and for them too, para naman may makain sila." Hindi pa ako nakakapag suklay or hilamos ay agad na akong sumunod kay Craig.

"You look so beautiful by the way." Ani Craig habang naglalakad kami. Napanguso nalang ako, this is not the right time para makipag asaran.

"Wag mong ibahin ang usapan, nasaan si Wesley bakit hindi mo ako ginising." Pagmamaktol ko dahil pakiramdam ko ay wala na akong naitulong.

"Nasa dorm niya lang, mas mabuti nang hindi ka sumama dahil baka hindi ko nagawa ang dapat kong gawin." Nakangisi niyang sagot sakin, nagyayabang.

"At ano naman ang ginawa mo na hindi mo magagawa kapag kasama mo ako?" Tinaasan ko sya nang kilay.

THE GAME: Cuthbert Academy Book 2 (Very Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon