Chapter 3: Suspect

925 27 20
                                    

Suspect

Kenna's POV

"I miss you too Chloe. Bye Dwayne. Please take care of Chloe. See you soon." Ngumiti lang ako sa screen ng laptop ko kahit na nawala na sa kabilang linya ng Skype si Chloe at Dwayne. I miss them. I miss my friends.

Isang linggo na simula ng mag umpisa ang pasukan, we're all expecting for Cliff and Amber pero one week na simula ng mag umpisa ang pasukan ay wala parin sila.

Patayo palang ako sa bench nang makita ko sa hindi kalayuan si Runa na nakasunod kay Craig na tila iritang irita sa pagsunod niya.

Napangiti nalang ako dahil ngayon lang yata may babaeng naglakas loob na inisin siya bukod samin ni Amber, dahil napaka suplado niya talaga.

Nag-umpisa akong maglakad palapit sa kanilang dalawa para makidagdag sa pang-aasar kay Craig.

"Hello guys, anong nangyayari. Parang may sasabog na dito." Pabiro kong tanong sa kanilang dalawa.

"Hi Kenna, wala naman inaasar ko lang tong BFF mo. Nagpapasama kasi ako pero ayaw akong samahan sa labas. I wonder why. Kapag ikaw naman ang nagyayaya sumasama agad siya." Painosenteng sagot ni Runa habang nakapatong ang hintuturo niya sa ibabang labi niya na tila nag iisip talaga siya.

Hindi ko masasabi na magkaibigan na kami ni Runa pero gumaan na ang loob ko sa kanya, nung una kasi ay naiilang ako sa kanya pero ngayon ay nasanay na ako dahil kakaiba nga pala kaming lahat. Iba iba nga pala ang tao, baka ganoon lang talaga siya.

"Why don't you ask Wesley, hindi ba ay close kayo. And stop following me like an idiot." Masungit na sinabi ni Craig sa kanya.

Natawa nalang ako dahil sila na yata ang papalit sa tila aso at pusa na sina Dwayne at Amber.

Naalala ko silang dalawa pati narin si Chloe at Cliff.

"Why are you sad Kenna? Are you jealous? Don't worry I'm not into this guy. He is a monster." Sabay turo niya kay Craig.

"Hala hindi. Nakakatawa nga kayo, para kayong si Dwayne at Amber. Naalala ko lang sila. I miss my friends. Just like that." I assure Runa na hindi sila ang dahilan ng pagkalungkot ko.

Nagkatingin lang kami ni Runa at natawa dahil konti nalang ay sasabog na sa inis Si Craig.

ring......ring.....

Napatigil kami sa pagtawa ng mag-umpisang tumunog ang cellphone ni Runa.

Agad niya itong sinagot.

"Hello Arkin." Ani Runa sa kabilang linya.

Nakatingin lang kami ni Craig at nagtataka dahil bakas sa mukha niya ang pagkabahala. Hindi namin alam kung anong napag-usapan nila.

"Yes papunta na kami dyan." Pagtapos niya sa usapan nila.

Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya na "kami". Pero bago ko pa siya tanungin at nagsalita siyang muli.

"Nasan Si Wesley. I need him." Nangingilid na ang luha niya.

Hinawakan ni Craig ang kamay niya at hinila siya. Sumunod naman ako kaagad.

Alam namin ni Craig kung saan madalas magpunta Si Wesley ngayon.

Sa Headquarter ng MCC dahil tahimik doon at nakakapag basa sya ng libro.

Nang marating namin ang HQ agad na binuksan ni Craig ang pinto.

Tama kami, nandoon lang si Wesley at nagbabasa.

THE GAME: Cuthbert Academy Book 2 (Very Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon