UNO - Dream House

154 2 0
                                    

Camia Ocampo.


"HAPPY BIRTHDAY CAMIAAA!"



Bumungad saakin ang aking mga kaibigan at mga katrabaho, siempre hindi mawawala ang aking pamilya nang buksan ko ang ilaw, Labis akong nasurpresa sa kanilang ginawa.




"Happy Birthday Camia." halos sabay-sabay silang lumapit saakin at nakipag beso-beso at siempre ang pamilya ko ay hindi makakalimutan ang mga yakap nila.




Masayang masaya ako dahil hindi ko inaasahan na pag-hahandaan nila ang birthday ko, sa katunayan ay nakalimutan ko na nga na ngayon ang araw na iyon, nag-iwan lang si nanay ng note sa lamesa namin sa bahay at nakasulat ang address nang bahay na ito kung nasaan kami ngayon.




"happy Birthday Mahal." natigilan ako ng marinig ko ang boses ng isang lalaki na nag mumula sa aking likuran, at agad ay nakilala ko ang boses na iyon, hindi ko pa man siya nasisilayan at lumabas na ang ngiti saaking mga labi.



Humarap ako sa aking likuran at doon ay nakita ko ang isang gwapong lalaki, nakatayo ito at nakangiti saakin, may hawak din itong mga bulaklak.



"Lucas!" masayang tugon ko sa kanyang pangalan, agad akong lumapit sa kanya at halos talunin ko siya upang aking yakapin.



"I miss you so much Camia." Sabi nito saakin habang ako ay nakayakap ng mahigpit sa kanya.



"Umiiyak kaba Mahal ko?" malambing niyang tanong saakin, marahil ay naririnig niya ang paghikbi ko habang nakayakap ako sa kanya.



Isang taon na kasi ang lumipas mula ng mag-punta si Lucas sa america upang tapusin ang kanyang pag-aaral doon, kapag bakasyon niya ay umuuwi siya sa pilipinas upang magkita kaming dalawa kahit na ilang araw lamang, sa loob ng isang taon ay lima hanggang sampung araw ko lang siya nakakasama dahil kinakailangan niya bumalik ng America para sa kanyang pag-aaral.



Nag-aral sa America si Lucas dahil balang araw, bilang kaisa-isang tagapagmana ng kanilang kumpanya dito sa pilipinas ay kailangan niya ng sapat na kakayahan at malawak na kaalaman upang maitaguyod ang kanilang mga negosyo.



"Mahal, please wag kana umiyak, nakagraduate na ko, hindi na ako babalik sa ibang bansa at hindi na kita iiwan pa, at isa pa malapit na ang kasal natin hindi ba?" Sabi niya saakin habang ako ay nananatili pa din na nakayakap sa kanya.



Kumalas ako mula sa aking pagkakahagkan sa kanya at dahil matangkad siya saakin ay bahagya ako napatingala upang tignan siya sa kanyang mga mata.



Pinunasan niya ang luha sa aking pisngi gamit ang kanyang mga kamay. "Tahan na Camia, hindi ba't pinangako ko sayo nung last year na pagkagraduate ko magpapakasal tayong dalawa? heto na yun Mahal ko." Sabi pa ni Lucas saakin.



Napakalakas ng kabog ng aking dibdib na parang may nag tatambol sa loob nito, siguro ay dahil na din sa sobrang saya na aking nararamdaman dahil matapos ang ilang taon na pag-titiis at pangungulila ko sa kanya ay makakasama ko na ulit siya at hindi lang limang araw sa isang taon kundi habangbuhay na.



"Sobrang sweet niyo naman dalawa, para kong nanunuod ng teleserye sa tv at hindi lang iyon, talaga naman napakalakas ng chemistry ninyong dalawa, isang gwapo at isang maganda." Bulalas ng aking nakatatandang kapatid na si Ate Carmen.



Nagsimula na ang aking birthday party, madami din palang ininvite si Lucas kaya naman halos lahat ng friends ko at ilan namin kapitbahay ay umatend saaking party, sobrang saya ng lahat habang nag-kukwentuhan ang ilang kaibigan ko na ngayon lang ulit nagkita, ang ganda ng lugar kung saan ginawa ang aking birthday party, isang simpleng bahay kung saan kumpleto ang gamit, maganda ang design ng bahay, may maliit na swimming pool, kung titignan ay sapat na ang bahay na ito para sa isang malaking pamilya.



Dark Secret (On-Going)Where stories live. Discover now