Malapit na sumapit ang kasal ni Camia Ocampo sa kasintahan niyang si Lucas Estrella, napakatagal hinintay ni Camia at Lucas ang kanilang nalalapit na kasal matapos ang napakadaming hadlang na kanilang nilagpasan para sa kanilang pag-ibig, hanggang sa dumating ang isa na naman mabigat na pagsubok sa kanilang dalawa lalo na kay Camia Ocampo matapos siyang halayin ng hindi kilalang lalaki sa mismong araw pa ng kanilang kasal, halos mawala na sa katinuan ang dalaga dahil sa trahedyang nangyari sa kanya kasabay pa nito ng mawala ang lalaking pinakamamahal niya at nagiwan sa kanya ng napakadaming pangako, iniwan siya nito sa panahon na kailangan niya ng kasama at masasandalan, hanggang sa makilala niya si Drakester Monteverde na kanyang naging sandalan sa kanyang pag-iisa at labis na kalungkutan.