OTSO

33 1 0
                                    

Camia Ocampo.


"Huwag! maawa ka please!"


"Pakawalan muna ako, please maawa ka sakin!"


"Huwag!!! Tama na!!"


"Ang dilim, sobrang dilim ng paligid, nakakatakot ang isang matangkad na lalaki na nakatayo sa aking harapan, nakatitig lamang siya saakin, ngunit sino siya?! Bakit hindi ko makita ang mukha niya."


Lumalapit siya saakin dahan dahan at ngayon ay dahan dahan na niyang hinuhubad ang belt ng kanyang pantalon.

"Huwag!!!!"


"Ahhhhhhhhh!"


"Ahhhhh! Tama na!"

Paulit ulit niyang hinahampas sakin ang belt na kanyang hinubad.


Pinunit niya ang suot kong gown, ang damit na sana'y susuotin ko habang nag lalakad papuntang altar at ikakasal kay Lucas.


"Huwaggggggg!!!!!!!!"


Napabalikwas ako ng bangon, pakiramdam ko ay hinahabol ko ang aking pag hinga, ang mga nangyari saakin ay paulit ulit kong nakikita sa aking panaginip, laging lumalabas sa panaginip ko ang lalaking gumahasa saakin!



"Okay ka lang ba?"

Napatingin ako sa lalaking nakatayo sa aking harapan, namilog ang aking mga mata ng makita ko siya.

Bahagya akong napaatras sa lalaki at minabuti kong itakip ang kumot sa aking katawan.


"Sino siya? Gagawan niya ba ako ng masama?" sabi ko sa aking isipan.

"Huwag kang matakot miss, hindi kita sasaktan!" mahinahong sabi nito.

Dahil sa takot na bumabalot saakin ay umatras ako palayo sa kanya hanggang sa mahawakan ko ang lamp shade na nakapatong sa isang maliit na lamesa.

"Subukan mo lumapit, hindi ako mag dadalawang isip na saktan ka!"

Ngunit habang umaatras ako sa kanya ay dahan dahan siyang lumalapit saakin.


"Ser Drake, okay lang po ba kayo?" may pag aalalang sabi ng isang matandang lalaki na bigla na lang dumating.

"Okay lang ako." tipid na sagot ng lalaking tinatawag niyang Drake.

Bumaling ng tingin saakin ang matandang lalaki, samantalang ako ay hawak ko pa din ang lamp shade at nakaakma ito sa kung sino man ang lalapit saakin.


"Miss Camia, kumalma po kayo, hindi masamang tao si Ser Drake, hindi kami masamang tao, sa katunayan ay si Ser ang nag ligtas sainyo." Paliwanag ng matanda saakin.


"Ngunit bakit ako naririto? Saan ligar ito? Bakit nandito ako at kasama ninyo." Sabi ko pa.


"Nakita lang kayo ni Ser na walang malay, kumalma kayo Miss Camia, hindi namin kayo sasaktan." Muling sinabi ng matanda habang nakaharang ito sa matangkad na lalaking wala man lang reaksyon.


"Ser Drake!"



Napabaling ako ng tingin sa pintuan at nakita ko ang ilang kababaihan na naroroon, iisa ang itsura ng suot nitong damit.

"Tama po si Mang Raul, hindi po kami masasamang tao." Sabi ng isa sa mga babae.

Kusang bumaba ang kamay kong may hawak na lamp shade, masyado akong nabigla dahil na din sa panaginip ko kanina.

Dark Secret (On-Going)Where stories live. Discover now