NUEBE

62 0 0
                                    

Patrece Ocampo / Nanay Pat


MALALIM na ang gabi nang maalimpungatan ako sa aking pag tulog, naisip kong lumabas sa aking kwarto upang uminom ng tubig dahil bahagya akong nakaramdam ng uhaw.

Pag labas ko ng kwarto at papunta ako sa kusina ay napahinto ako ng makita ko si Camia na nakatayo sa harap ng bintan, nakatingin sa malayo at tila may malalim na iniisip.

Hindi ako nag dalawang isip na lapitan dahan dahan si Camia upang kausapin ito.

"Camia anak." mahinang tawag ko sa kanya.

Bumaling ng tingin saakin si Camia at nalungkot din ako ng makita ko ang mukha ng aking anak na puno ng hirap at pasakit.

Hindi na ako nag tanong pa o nag sabi sa kanya ng kahit ano, niyakap ko siya ng mahigpit upang kahit papaano ay mabawasan ano man ang sakit na kanyang nararamdaman, habang yakap ko ai Cynthia ay ramdam ko ang bigla niyang pagiyak.

"Ilabas mo lang anak ang lahat ng sakit, balang araw ay makakalimutan mo din ang lahat." Sabi ko sa anak ko habang siya ay nananatiling nakayakap lang saakin.


Kumalas si Camia sa yakap ko sa kanya.


"Anak ko."

"Nanay! Miss na miss ko na siya."

"Si Lucas ba anak ko?!" tanong ko.

Bahagya lang tumango si Camia ngunit hindi ko alam kung paano ko tutulungan ang anak ko.


"Sobrang sakit at sama ng loob ang nararamdaman ko dahil iniwanan niya ko na parang isang basura, akala ko hindi niya ako iiwan, galit ako sa kanyang nanay, galit na galit ako sa kanya!!!!"

Nakita ko ang mga mata ni Camia na puno ng galit at poot.

"Camia anak."

"Kahit kailan Nanay, hinding hindi ko makakalimutan ang nangyari sakin! hindi ko makakalimutan kung paano ako iniwanan ni Lucas! dadalhin ko ang lahat ng sakit na ito hanggang sa kamatayan ko!" sabi pa niya.

Nakita ko kung gaano kagalit ang mukha ni Camia, nakita ko ang kanyang mga mata na puno ng galit, poot, sakit at kalungkutan.

Matapos niyang sabihin iyon ay nilagpasan na niya ako at tinalikuran, pumasok siya sa kwarto nila ng kanyang Ate Carmen at padabog na isinara ang pinto.

Labis ang aking pagaalala para sa anak ko, na baka hindi ko na makita pang muli ang dating Camia na kilala ko.









SUMAPIT na ang umaga, pag gising ko ay agad akong sumilip sa kwarto ni Camia at Carmen, wala na si Carmen doon, malamang ay dahil maaga itong umalis upang pumasok sa trabaho, samantalang si Camia naman ay nakita kong nakahiga pa sa higaan at hindi pa lumalabas.

Napabuntong hininga na lang ako, wala akong magawa para sa aking anak na si Camia.

Pupunta na sana ako sa kusina upang mag handa ng almusal, hanggang sa makuha ang atensyon ko ng isang boses ng lalaki na nag mumula sa labas ng bahay.

Sinilip ko ang tao sa labas mula sa bintana, nakita ko ang isang matangkad na lalaki.

"Goodmorning po." bati niya sakin ng makita niya din ako.

Lumabas ako ng pintuan upang pag buksan siya ng gate at doon ay nakilala ko ang lalaki, si Drakester.

"Hijo pumasok ka."

Pumasok ang binata sa bahay namin at pinaupo ko siya sa aming maliit na sofa.

"Drakester, bakit ka nga pala napadaan?" tanong ko agad sa kanya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 03, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Dark Secret (On-Going)Where stories live. Discover now