TRES

42 1 0
                                    

Camia Ocampo

"Napaka ganda mo anak, sa lahat ng bride na nakita ko ikaw na yata ang pinakamaganda." sabi ni Nanay Pat habang siya ay nakatayo sa aking likuran at ako naman ay nakaupo sa harap ng salamin.


"Siempre naman Nay, sasabihin mo iyan dahil anak mo ko." sabi ko pa.

Napansin ko naman si Nanay na parang kumikinang ang mga mata at napansin ko din ang lungkot at saya sa kanyang mukha.


"Naiiyak kaba Nanay?" usal ko sa kanya.


Bahagya naman niyang pinunasan ang kanyang mata. "Naiiyak ako anak dahil mag-aasawa kana, naiiyak ako dahil masaya ako, kasi ang mapapangasawa mo ay isang mabuting tao." Sabi pa nito.


"wag kana umiyak Nanay, baka masira ang make-up mo niyan." pag bibiro ko pa, bahagya naman siyang natawa sa sinabi ko.



"Nay! Nay!" tawag ni Ate Carmen habang papalapit saamin, hawak nito ang kanyang sikura at namimilipit sa sakit.



"Bakit Carmen anak? may masakit ba sayo?" tanong ni Nanay kay Ate na may halong pag-aalala.


"Nay, kanina pa masakit ang tiyan ko, hindi ko na talaga kaya pang tiisin." Sabi ni Ate Carmen kung kaya't maging ako ay nag-alala na din saaking kapatid.



"Sinubukan mo naba mag banyo?" tanong ni Nanay.



Tango lang ang naisagot ni Ate, hindi na siguro siya makapagsalita dahil na din sa sobrang sakit ng kanyang tiyan.


"Mam, nandiyan na po sa labas ang bridal car para ihatid kayo sa simbahan, nandoon na daw po ang groom at nag-hihintay." Sabi ng coordinator na kadarating lang.


"Naku, paano ba ito? si Ate masakit ang tiyan." Sabi ko pa.



Inaalalayan naman ni Nanay Patrece si Ate Carmen habang hinihilot ang tiyan nito..



"Sige na anak, sumakay kana sa sasakyan, ako na bahala sa ate mo, susunod kami sa simbahan agad-agad." Sabi naman ni Nanay na tila natataranta pa. "Pero Nanay-"




"Sige na Camia, sumakay kana, nag hihintay na si Lucas sa simbahan at nag hihintay na sila doon, wag muna kami alalahanin, susunod ako anak."



Lumapit ako kay Nanay na niyakap ko siya.


"Hihintayin kita Nanay at Ate, dumating kayo agad, mahalaga ang araw na ito sakin kaya gusto ko nandoon din kayo." Tapos ay tumalikod na ako at sinundan ang coordinator papunta sa bridal car na aking sasakyan papuntang simbahan.







NAKASAKAY  na ako sa bridal car, ngayon ang araw ng pag-iisang dibdib namin ni Lucas, papunta na kami sa simbahan, hindi naman kalayuan ang lugar kung saan ako inayusan ngunit sa hindi inaasahan ay nag traffic pa sa kalsada kung kaya't nakahinto ang sinasakyan kong sasakyan, habang nakasakay ako sobrang kaba ang aking nararamdaman, ilang oras na lang ay isa na kong may bahay at magkakaroon na ng bagong responsibilidad sa buhay, pero masaya ako dahil kasama ko si Lucas sa mga responsibilidad na iyon.




Biglang pumasok sa isip ko ang aking ama, noong nabubuhay pa siya ay pangarap niya na maikasal ako sa lalaking matatawag niyang prinsipe dahil sa kakisigan, kabutihan nang loob at wagas na pagmamahal saakin, at natupad na iyon, ito na ang araw na pinapangarap na mang-yari saakin ni Tatay.



Maya-maya ay lumiko na ang sinasakyan kong sasakyan, nakalagpas na kami sa traffic, kaya pala ay dahil may aksidente sa daan, pero may oras pa naman ako papunta sa simbahan.



Dark Secret (On-Going)Where stories live. Discover now