146

827 93 26
                                    

Mrs. Dizon
today

Mrs. Dizon:
Gising na, nak.
Luto na breakfast. Tumatawag ako bat mo pinapatay?


Mrs. Dizon:
Mari, gising na.


Anjo:
Maaaa, five minutes paaaa!
Stop knocking!


Mrs. Dizon:
Gising na, may trabaho ka pa aba. Lalamig pagkain.
Akyat ko na lang dyan?


Anjo:
Ma naman ehhh



Mrs. Dizon:
Akyat ko na ha.
Akyat ko na.





anjo 🔒 @xoxoanjelou
no good morning text today? bilis naman sumuko padre





Tita Marilou
today

Tita Marilou:
Okay na. Nahatid ko na.


Xavi:
Thank you for accommodating me, Tita.


Tita Marilou:
Di mo naman kailangan gawin to, nak. Aga aga sana tinulog mo na lang? Pwede naman ako magluto ng agahan samin.


Xavi:
Just want to treat her well. Thank you po for letting me use the kitchen. And for telling me her favorite food.


Tita Marilou:
Hay anak. Mahal nyo naman isa't isa bakit di pa kayo magkaayos? Ano ba pinag-awayan nyo?


Xavi:
Siya na lang po siguro ang magkukwento sa inyo but it's my fault. Ako po ang nagkaproblema.


Tita Marilou:
Ayaw nga magkwento ng batang to.
Nakikita ko naman effort mo, nak. Galingan mo lang. Marupok tong si Mari, mana sakin. Konti pa, bibigay din yan.
Ano man nagawa mo, ihingi mo lang ng tawad. Wag ka susuko. Lahat naman napag-uusapan.


Xavi:
I'm so sorry for hurting your daughter, Tita. I didn't mean to. I will try not to do it again.


Tita Marilou:
Sa pagitan nyong dalawa yan. Pero isang beses lang nak ha. Wag mo na paiyakin ulit. Kami na ng tito mo ang magagalit sa susunod.


Xavi:
I will do my best po. Thank you for trusting me. I won't waste it.


Tita Marilou:
Kumakain na si Mari.
Kumain ka na rin.
Sa susunod, wag ka na magluto dito. Ako na bahala sa agahan mo.


Xavi:
Thank you po but I want to do this for her kung papayagan nyo.
Papasok na po ako. Salamat po ulit sa tulong.


Tita Marilou:
O sya. Mag-iingat ka.





anjo 🔒 @xoxoanjelou
not mr. and mrs. dizon smiling at me weirdly pagbaba ko. parents, what's going on? i smell betrayal in the air?





Mrs. Dizon
today


Mrs. Dizon:
Mari, Nilagay ko yung thermos sa bag ng papa mo. Kape yun baka makalimutan mo.





anjo 🔒 @xoxoanjelou
oh

anjo 🔒 @xoxoanjelou
OH





Mrs. Dizon
today


Anjo:
Alam ko timpla mo, Mrs. Dizon. This isn't yours. Spill. How? Nagpunta siya dito?


Mrs. Dizon:
Aba alam kagad? Bakit, masarap ba timpla niya? Mas masarap sa timpla ko?



Anjo:
Ma naman eh


Mrs. Dizon:
Bat gusto malaman? Uy
Pinapatawad mo na?


Anjo:
Ma...


Mrs. Dizon:
Pikon naman ng mari ko aga aga pa?
Haha oo nagpunta kaninang umaga. Breakfast mo kanina, ano mas masarap? Yung akin o yung kanya?


Anjo:
What?


Mrs. Dizon:
Kausapin mo na yung bata, Mari. Ako na ang naaawa? Mukhang gustong-gusto ka naman, pagbigyan mo na?
Kanino ka ba nagmana at pinapahirapan mo? San ka makakakita ng gigising nang maaga para ipagluto ka?


Anjo:
Luh si Mama
Sino ba samin ang anak mo tlg huh?


Mrs. Dizon:
Syempre kampi kami ng papa mo sayo.
Sabi mo di ka naman sinaktan at binastos. Ano ba ang napag-awayan nyo, nak? Baka pwede pa pag-usapan? Bakit ayaw mo na kung alam naman namin ng papa mo na gusto mo pa? Baka naman magsisi ka pa, anak? Ayaw ko naman mangyari yun sayo?



anjo 🔒 @xoxoanjelou
kasi complicated, ma. may madadamay na iba

anjo 🔒 @xoxoanjelou
and i don't wanna be the other girl who broke another lady's life just bcoz nakisingit ako sa kwento ng iba

chasing the boys ✔️ (cut version)Where stories live. Discover now