CHAPTER XXXIII: D-Day (Fabienne)

3.1K 228 125
                                    

FABIENNE

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

FABIENNE

TODAY IS the day! Maaga akong nagising ngayong Thursday, salamat sa 'king alarm. Maaga kasi akong natulog kagabi kaya may eight hours of sleep ako. I feel well rested! I feel fully charged! Sa sobrang ganda ng gising ko, feeling ko'y magiging super successful ang first show namin mamaya.

Matapos kong inunat ang aking mga braso, kinapa ko sa bandang taas ng kama ang phone ko. Instead na social media ang una akong atupagin, una kong chineck ang inbox. Five messages received. Unang bumati sa 'kin si Mama, 'tapos si Kuya na halos magkasunod ang kanilang messages. They wished me good luck and hoped that the play would be a success. Aw, how sweet!

The third name in my inbox was Belle's. "Rise and shine, Juliet!" sabi niya. Mukhang excited din siya para sa araw na 'to dahil gising na siya kahit five o'clock pa lang. Tulog pa dapat siya sa oras na 'yon.

The fourth one was Colin's. "Let's give our best later. See you!" sabi naman niya. Mukhang masarap ang gising nitong si Colin, ah? Talagang ibibigay ko ang aking best mamaya dahil sobrang taas ng expectations at marami akong gustong i-impress.

And the last name in my inbox? Priam. Ewan kung maaga rin ba siyang nagising o 'di pa siya natutulog. Nabanggit niya kagabi sa 'kin na mag-i-stay siya at ang USC nang medyo late na.


Break a leg today, Yen.
Will be watching you later.
Good morning! :)


Lumawak ang ngiti sa labi ko. 'Di na niya nakalimutang maglagay ng emoji. Agad akong nag-type ng reply sa kaniya.


Good morning, Yam!
Show everyone the best campus fair
that ElyU has ever seen!
See you later! :)


Kapag 'di siya sumipot mamaya, baka neck niya ang i-break ko. Just kidding! Maiintindihan ko kung sakaling 'di siya makanood lalo't opening day ngayon ng campus fair. Baka may emergency siyang kailangang asikasuhin o baka makalimutan niya ang oras dahil sa sobrang busy.

But a part of me was hoping that he'd be able to come. 'Di dahil gusto ko siyang i-impress, pero dahil gusto kong ma-relax at mag-enjoy muna siya ng ilang oras sa panonood ng play namin. It might take his mind off the stuff that had been stressing him out the past few days. Deserve niya ng break.

Bumangon na ako at dumeretso sa bathroom. Kung dati'y tapos na akong maligo within thirty minutes, I took my time in the shower today. Instead na kumanta, I recited some of the lines I'd surely deliver later. Sana'y 'di abot sa kabilang kuwarto ang boses ko. Nakahihiya kung may makarinig sa 'king nagre-rehearse.

Around nine o'clock nang natapos na akong maligo at magbihis. Very light ang make-up na in-apply ko at very simple ang hairstyle ko dahil paniguradong aayusan ako mamaya ng make-up artists at hairstylists.

Play The King: Act TwoWhere stories live. Discover now