CHAPTER LXXII: Final Stretch (Fabienne)

2.2K 226 174
                                    

FABIENNE

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

FABIENNE

"VOTE FOR Torres-Rustan in the upcoming elections! Please vote for Torres-Rustan! Thank you!"

This was the first time na na-involve ako sa isang political campaign. If you'd ask my 2021 self kung magiging active ako para i-promote ang preferred candidate ko, baka tawanan ka niya. Noon, ayaw ko maging masyadong involved sa politics. Nakikinig ako tuwing meeting de avance at inaalam ang opinion ng mga kakilala. 'Tapos pupunta na ako sa voting booth at ika-cast na ang aking boto. And that's it!

But this year was different! Dahil nabawasan ng isang subject ang course namin ngayong semester at dahil mamayang hapon pa ang rehearsal namin sa theater, nag-volunteer ako na mangampanya para sa boyfriend ko. I wanted him to win so badly kaya nag-dedicate talaga ako ng time. Endorsing him on SchoolBuzz and sharing my photos with him wasn't enough. Kailangang on the ground din ako para makausap ang mga botante. Kung may nag-aalinlangan pa, nandito ako para paliwanagan sila. Kung may nagdududa, nandito ako para i-convince sila.

"Huwag kalilimutan sa darating na halalan!" sigaw ni Belle sa mga dumaraan habang namimigay ng flyers. Sa quadrangle kami naka-istasyon kung saan maraming estudyante ang papunta sa iba't ibang building. "Iboto ang tambalang Torres-Rustan!"

Kagaya ko, naisipan din ni Belle na mag-volunteer para sa campaign. It had been weeks mula nang mabunyag ang Oplan First Lady. Nagkatampuhan kami no'n dahil sa paglilihim ko sa kaniya. But I followed Colin's advice. Hinayaan kong i-process niya ang kaniyang disappointment sa 'kin bilang kaibigan. Hinayaan ko ring lumamig muna ang tampo niya sa 'kin. No'ng natantiya ko na okay na siyang kausapin, do'n na ulit ako humingi ng tawad.

"Kahit gustuhin ko mang magtampo nang matagal sa 'yo, hindi ko magagawa, Fab," sabi niya no'ng muli kaming nagkausap. "Hindi rin kita kayang i-FO. Nasaktan ako, pero dapat mas inintindi kita. Wala kasi ako sa posisyon mo kaya madali sa 'kin ang magsalita. If I were in your shoes, maybe I would have done the same."

Natapos ang tampuhan namin sa isang yakapan. I was so sorry about what happened and I was glad that she understood my situation. Aminado ako na may pagkukulang ako bilang kaibigan. No'ng panahong 'yon, talagang mas nangibabaw ang pangangailangan ko.

"Please vote for Torres-Rustan!" nakangiting sabi ko sa dumaang estudyante sabay bigay ng flyer. "'Di kayo magsisisi kapag sila ang ibinoto n'yo!"

"Fab," tawag ni Belle nang makalapit siya sa 'kin. "Kailangan ba talaga nating mag-effort nang sobra? Number one na si Priam sa survey, 'di ba? Puwede na tayong mag-chill!"

"'Di tayo puwedeng magpakakampante," tugon ko bago nag-abot ng flyer sa dumaang estudyante. "Sa first two surveys, number one din si Alaric. Tingnan mo, bigla siyang nag-drop sa number two."

"Meron siyang scandal, eh! Nagtataka nga ako kung bakit ang dami pa ring sumusuporta sa kaniya. He killed someone, right?"

I shushed her dahil baka may Alaric supporter na makarinig sa kaniya.

Play The King: Act TwoWhere stories live. Discover now