Watty Market

5.5K 275 70
                                    

Follower ba kita?

Kung oo, paki-fill up ang form sa baba. De jk, may tanong lang ako.

Bakit mo ko finollow?

Okay. Kung nakornihan ka sa pambungad ko, lampakels ako lels. Korni akong tao eh, ano bang magagawa ko?

Pero the thing is, ano ba ang perspective mo sa pag-follow? 

Trophy? Status? Rank? Supremacy? Friendship ring?

Bakit ang dami kong tanong? Hindi ko din alam lels.

Pero kahit ganun ang tanong ko, I will answer with what it is not. [Hanuraw haha. Gulo eh.]

It is not an obligation.

Ano ba ang purpose ng pag-follow? 

Naalala ko lang kasi one time, may nakita akong pinost ng di ko na maalalang user sa wattpad na sinabihan si author na—wait, sa Watty Confessions ko ata yun nakita. Nakalimutan ko na lels. Anyway, continuing what I have started, sinasabihan yung author na wala siyang utang na loob, yadayadayada. Pero the thing that caught my eye from this reklamador ay kesyo yung di daw pag-follow back sa kanya.

DAPOTCHI. Kalokohan. Seryoso. Ano ba yang pag-follow back, bayad sa pagbabasa mo ng libro ni author?? Abaaaaaa, ano 'to, kalakalan? Punta ka dito, sampalin kita.

Di ko kasi talaga gets, ano bang meron pag finollow ka kesyo madami o konti? What’s the deal there? Sa tingin ko, mas importante yung binabasa nila gawa mo kesa yung fina-follow ka.

Sure, go on, kung maganda yung story ni author, follow, pero sana naman wag mag-expect ng follow back. Bakit, mabubusog ka ba ng followers? NO.

Hindi ko sinasabi na maging ingrata kung may nag-fa-follow sayo, but rather, be thankful for what you have!

May theory ako eh. Feel ko eto ang gusto ng iba: KASIKATAN.

Kasikatan nanaman? *face-palm*

Pero bat ko ba nasabi yan? Feeling ko kasi, gusto nilang i-follow sila ng sikat para—uh, mahawa sila sa dami ng follower nung author? Ano yan, sakit? HAHAHAHAHAHAHAHA. Henyo.

Wala lang lels. Pero may sort of fad [tama ba pagkagamit? Sori lantaran kashungahan ko ha, kung ano kasing nasa utak, diretso type lels] kasing ganun e, kesyo finollow ni sikat na author A ‘tong si author B, sunuran ang ibang fans. ANO ‘TO, FOLLOW THE LEADER? K. Korneeh Fannie. Laslasin mo na buhok mo lels.

PERO, theory lang yan hwehwe. Wag masyadong affected mga ateng koyang lels.

Pero kasi, para sakin, ayokong mag-follow ng authors dahil lang sa mababaw na dahilan. I follow when I know I can support ALL the works. Tsaka yung iba naman, sila ang dahilan kung bakit ako pumunta sa Wattpad. Sa totoo lang kasi, ayaw ko ng sumasabog na news feed lels. Yes, I know, mababaw akong tao -.- Pero, that only means na, hindi porket di ko fina-follow ay di ko na binabasa or ina-appreciate work ng mga taong yun. Yun lang talaga, ayaw ko ng maraming notifs HAHAHAHA. Kahit sa twitter o tumblr o kung saan man, nakaka-tamad mag-scroll nang mag-scroll lels.  But still, seryoso, followers are not trophy.

Sa totoo lang, naiisip ko, madadaanan ng mga tao yung profile ko tapos… ‘Ay, ‘bat to fina-follow ni ganto-ganyan, e di naman sikat. So konti ng votes. So konti ng reads. Sowbrang konti ng boobs. Checheche.’ Well, kung tatanungin niyo ko, di ko din alam kung saang lupalop ako nahanap HAHAHA.

Hindi din ako fan nung ‘Having exploding ovaries right now bc ‘dreamerdork’ followed me' [kunware, fafular otor daw, mga 1 Billion yung followers tapos mga 1 Zillion yung votes] kasi naisip ko, parang pinapahiwatig mo na less appreciated yung mga followers mong di ganun kadami yung churbas? Yun bang ina-acknowledge mo lang pag 'sikat' 'tong nag-follow sayo? Or samting? HAHA. Ewan ko, ako lang naman yan lels, masyadong nagbibigay ng meaning haha.

Kasi ganun talaga ang trato ko sa lahat, walang nakakataas, walang nakakababa, walang halong ka-plastikan. Ewan ko ba, kahit sa personal, kahit etong si babaeng ‘neseye ne eng lehet’ at etong si babaeng ‘wallflower’ kinaibigan ako at the same time, hindi ko naman ‘mas papahalagahan’ si neseyeneenglehet eh. Because they are friends hindi ba? Bakit ko sila ira-rank? I have no desire to be dragged with a friends popularity because I swear, I don’t really need the benefits of being known or famous. I cross my heart, saksak puso, tulo ang dugo, pwede mo nang ibuhos ang kasikatan sa iba na deserve yan kasi ako, kuntento na ko sa kung anong meron ako.

How can I be sure na kuntento na ko? Simple lang. Sobrang saya ko na may iisa o dadalawa o tatatlo na nagsasabi sakin na aabangan nila yung pag-balik ng story kong tinanggal ko muna sa Wattpad. Sa totoo lang, natutuwa akong may nagpapahalaga sa work ko. Sino nga naman bang hindi diba? I mean, who needs followers who don’t give a bird’s crap about what you do, when you have this ‘non-follower’ who appreciates every letter of what you've done? Sa totoo lang, yan ang problema natin e, tinitimbang natin yung mga ganto-ganyan.

Sige, off-topic lang to prove my point, sa tingin ko, kung etong si Maria Clara, linigawan ni Song Po Gi na koreanish, makinish, gwapingsh, may absh, shikat, nagba-basketball, nag-gigitara, nagske-skateboard, may bad boy appeal *please insert lahat ng pinagsusulat na stereotypical characteristics ng habuling lalake sa Wattpad here* versus si Juan dela Cruz na mahirap, hindi maporma, mapangit pero malinis mag-mahal at gagawin ang lahat para kay Maria Clara, e pipiliin ni Maria Clara si Song Po Gi. That’s reality folks, our society is trivial, judgemental, and shiz. Kulang sa pag-kilatis, lagi na lang tinitignan yung lamang sa unang tingin.

My point? We weigh the wrong things. Or maybe, it’s wrong to weigh at all. Hindi palengke ang Watty. Wag mong timbangin ang mga bagay-bagay. It’s a story-sharing site, hindi tayo mag-aartista dito. Utak mo, ayusin mo -.-

Look at the content of the works of the person you’re following, not the number of followers or votes or comments or reads the person has. Wag mong gawing trading cards ang pag-follow. Kasi sa totoo lang, pambata yun.

Kaya ikaw, kung finollow mo ko dahil wala lang, okay lang na i-unfollow mo ko dahil wala lang. I don’t count followers. I appreciate readers :>

To all my ‘real’ followers, this may be cheesy, corny, crappy, sappy, whatever, pero I love you so much. Lalo na yung mga panahon pa nung hapon, ang sarap isipin na nanjan parin kayo ever since. You’ve seen me grow as a writer, as a person, you’ve seen how weird I can get, pinag-tiyagaan niyo ang kafilieengan kong pag-puri sa aking sarili… but still, you appreciated me as a whole. I am Fannie, and the people who appreciate my works? You are my loves <3 <3 [Pati ikaw kras, you ar my labs olso kahit di mo ‘to mabasa HAHAHAHA. Fucha.]

Jajan, wala lang lels. Kung ano-anong sinasabi ko no haha. Pero still, I hope you got the point as always. Yun lamang :>

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 14, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

How to gain MANY reads, followers & votes EASILYWhere stories live. Discover now