Effective Loud Reader

25.7K 1.2K 774
                                    

Kung tinatamad kayong mag-basa, bat kayo nasa watty? De jok, kung di niyo trip basahin lahat pero gusto niyo makuha yung essence nito, tignan yung mga examples sa baba :>

Ang pinaka-importanteng parte ng isang writer: mga readers. Readers na patuloy na nagbabasa, tumatangkilik, sumusuporta, nagvo-vote at nagko-comment.

Pero ang pinakanakakaencourage ay yung mga loud readers.

Ano nga ba ang dapat nating tandaan? Eto ang mga do's at don'ts.

*Pinapaalala ko lang po na according to my own opinion lang ang mga sumusunod*


1] Okay lang na sabihin mo sa author yung mga ayaw, gusto, nakakapikon, nakakaiyak at nakakaheartbreak, nakakautot, atbp na chuvachuchus ng story niya.

 Ang abnormal mo naman kasi kung sasabihin mo na gustong-gusto mo lahat e may ayaw kang part. For example naggagalaiti ka sa mga ginawang katangahan ng isang character. Mamaya kahit pala yung mismong otor asar dun sa ginawa niyang character na yun. Gusto niya siguro na mainis ka para pag nangyari na yung totoong event, magbabago bigla yung tingin mo sa character na yun.

 O mamaya may part na nagahasa yung bidang ipis ng alien galing pluto tapos nanganak siya ng itlog ng kiti-kiti tapos sasabihin mo na 'Ate, feel na feel ko talagaa lahat ng scenes as in sagaran to the highest level!' Edi mukha ka tuloy sadista na nageenjoy pag nahihirapan yung bida. E pano kung ang gusto sana nung author e maawa ka sa bida?

 Kung galit ka, sabihin mo! (Galit sa character or event ha? Hindi sa author!) Kasi, kung napapafeel sayo ng author yung feelings na dapat mo mafeel, ibig sabihin, effective yung author sa pag-portray ng characters niya.

2] Kung may part na naantig ka, naluha, kinilig, tuwang-tuwa atbp, maganda sana kung sasabihin mo kay author in detail.

 Kasi tignan niyo to:

Specimen A: Kyaaah! Ate hongkyut ng chappie! UD!
Specimen B: Kyaaah! Nakakakilig talaga si Bogart! Kung maka-hug naman kay Korenkoy ang sweet! Tapos ang pogi pa niya! As in damang-dama ko yung scene kulang na lang malusaw ako! Tapos gusto ko din yung part na eklavu ganito ganyan after nung...

Diba ansarap makakuha ng comment na katulad dun sa B?

Bakit kamo? Kasi halatang binasa niya talaga!

[f/n Bakit specimen ang ginamit ko e hindi naman to Biology? Wala lang.xDD May ibang dating kasi.xD]

3] Medyo boring na rin kasi yung 'Ang cute/ bongga/ ganda/ cool/ *insert puri etc.* ng chapter!' tapos tanging yun lang yung laman.

At yun nga isa pa tulad ng nakita natin sa specimen a.

Ahhm how do I say this...masyado nang mainstream.

Ganyan yung comments na hindi tatatak kay otor. Ang dali lang kaya pumuri no? Kahit labag sa kalooban kaya yun eh! As in pwede mo yun sabihin kahit di mo pa basahin.

Mamaya nag-comment at vote ka lang para ipag-patuloy ni otor na basahin yung work mo kasi nagpromise kayo sa isa't-isa na magbabasahan kayo ng story tapos yun pala di mo naman binabasa talaga yung ginagawa niya. Scammer!

At kung nakakagawa ka ng insightful comment na mahaba-haba na walang kahirap-hirap, ibig sabihin, gusto mo talaga yung story.

How to gain MANY reads, followers & votes EASILYWhere stories live. Discover now