Sabi ng Isang Dork

12.2K 626 226
                                    

Ngayon-ngayon lang, may nabasa akong isang sulat sa aking inbox. Nagpapaadvice si ateng.

Actually, nung nakita ko nga profile niya, asows! Daming fans at reads. Pero i-anonymous natin siya. Sa tingin ko maraming nakakaencounter ng ganito [dahil kahit ako mismo, naranasan ko 'to] Kaya gusto kong i-share sa inyo.

Di ko na inedit ha?xD Mahaba-haba kasi friends eh.xDD

Para safe ang identity ng sender, itago natin siya sa pangalang... teka, itatago mo tapos magsasabi ka ng pangalan? Sender na nga lang =3=


Sender:

Dear ate Charo,
De jok lang.xDD Pakinggan niyo yung music sa gilid kung trip para parang yung mga nagpapa-love advice lang kay papa jack kahit hindi namant 'to tungkol sa love.xDD Tignan niyo yung title ng kanta o! You are beautiful daw. Ayee. Flattered.xDD Sorry na lang pare kung lalake ka.xDD

Message part 1:
Yow [maka *yow* lang parang tropa na eh noh? xD] Hello~ I just want to say thank you dahil sa sinulat mong 'How to gain MANY reads, followers & votes EASILY' alam mo bang [syempre hindi pa xD] sobra akong tinamaan dun sa nilalaman non? Ewan ko ba, and nainggit din ako dun sa chapter na 'Take Note...' bigla ko kasing naalala yung dating ako as a 'writer' nung ginagawa ko yung first story na tapos ko na ngayon. Meron kasi akong big problem ngayon at nakatulong yung sinulat mo sakin, although hindi pa talaga ako okay, promise super naguguluhan kasi ako ngayon sa sarili ko, super tinatamad na ako ngayon sa pagiging writer pero gusto ko pang magsulat, 'STOP READING CRAP LIKES THIS AND WRITE WHAT YOU WANT TO WRITE THE WAY YOU WANT TO WRITE' ilan lang yan sa mga words na natamaan ako, naghahanap kasi ako ng inspiration/reasons para magpatuloy sa pagsusulat kaya nga naligaw ako sa profile mo eh..hehe.

Message part 2:
okay tama na nga tong kakornihan at paligoy-ligoy ko [xD], Will you please give me an advice para bumalik yung dating ako [as a writer,] na piling ko unting-unting nawawala na ngayon, kung itatanong mo kung ano yung ako dati, isa akong writer na walang pakielam sa sinasabi ng iba, masaya na sa 10-15 na vote and comment, nagsusulat dahil yun ang nilalabas ng utak ko, walang pakielam kung napakadami ko ng wrong grammar and english [Ihindi kasi ako magaling sa pag-e-englis eh, hehehe, trying hard lang ang lola mo! sorry kung piling close ako ha? xD] hindi kinakahiya ang kung ano mang naisulat ko na, hindi iniisip kung magugustuhan ng readers o hindi ang sinusulat ko kada chapter ng story ko, masaya at madaling narereplayan ang readers kahit na gaano pa iyon kahirap replayan, pero ngayon *gloomy* masyado ko ng iniisip ang iniisip ng mga readers, pano kung ayaw nila mangyari to? pano kung mapangitan sila? may mali ba akong spelling? bakit ang unti ng vote? anong irereply ko sa comment na to? dati kahit ang cpmment lang eh 'nakakakilig naman sila' nagagawan kong replayan ng masaya pero ngayon babasahin ko na lang then go back sa profile ko. Hindi ako sikat ng writer, wala akong paki don hindi ko kailangan ng pagsikat at inaalala ko ngayon ay kung paano kung mapangitan sila sa mga chapter na gagawin ko, [piling ko kasi may ma-i-i-advice ka sakin, hehe pero kung wala, okay lang din, siguro ngayon wala lang akong mapiling masabihan ng kung ano ba talaga ang nararamdaman ko ngayon, ang drama ko na ba? haha.. basta meron kong pwedeng masabihan ng problema ko ngayon pero mas feel kung humingi ng advice at i-share to sa isang stranger] pero sa totoo lang habang binabasa ko ulit itong message ko sau parang unti-unti ko ng nakukuha kung ano ba talaga ang solusyon sa pagiging ganito ko pero mas gusto kong sa iba yun marinig, and oo nga pala meron ka bang may mai-s-suggest saking kanta habang nagsusulat ako? sorry kung ang daldal ko na ha and super FC [Feeling Close] pa. ^__^V

Meron pa siyang dalawang messages pero di na tungkol sa pag-hingi ng advice. Cupcakes na lang yung hinihingi.xD De joke. Basta di na connected sa advice ko.haha    

*Boses ng smooth radio announcer* Welcome to 555.999 Watty Radio. Kung saan ang great problems ay nakakakuha ng not-so-great opinions.xDD Anywes, balik na tayo.xDD


Fannie:
SORI LATE AKO NAKAREPLY T^T Una, count your blessings not what you lack. Ang latest votes sa story ko ay apat or tatlo ata pero chill lang ako.

Alam mo ba dati Individual stories yung Operation Abduction, Aly in Wonderland at Abduction in Wonderland? Limpak-limpak na votes at comments ang nakuha ko dun. 500+ votes ata nawala ko eh.

Tapos yung Introduction ng 'Part-time Mommy'? Meron yung 200+ reads at 12 votes ata. E kaso nadelete ko by accident.

Nung mga oras na natapos kong gawin yun, napaisip ako, anong katangahan ginawa ko ano ba yan bat ko yun ginawa ish nakakainis?

Binayaan ko lang yung feelings ko. 1 month ata akong nageemote eh. Alam mo yung feeling na, yung mahal mo nalaman mong hindi ka mahal? Wala ka namang magagawa diba? kaya ayun, sawi ka. Pero wag mong hahayaang ma-take-over ka ng feelings na yun. At one time or the other, kailangan mong maglet go, forget and move on. Siyempre hindi yun madali. Pero maniwala kang good things shall come.

Next, about sa writing. Wala ako sa posisyon na mag-advise, pero eto opiniyon ko. Tignan mo yung messages mo, ang hahaba diba? Kasi, kinuha mo siya sa feelings mo. Experiences. Yan ang key para makasulat ka na hindi hirap na hirap. Next, kung di ka talaga makaisip, take a rest. Don't force yourself kasi baka maspoil mo lang ang story mo.

So what kung anong magiging iisipin ng readers mo? E sa ganun naisip mo eh. Alam mo kung bakit sumisikat ng sobra sila halimbawa, HaveYouSeenThisGirl, Alyloony o forgottenglimmer [pero di ko pa nababasa works niya]? [Sila yung nakita kong maraming tumitingala eh] KASI WALA SILANG PAKE SA HATERS. SA MGA AYAW SA PLOT NILA. THEY DON'T CARE. Ang tanging pake nila [sa tingin ko btw] ay makasulat mula sa creativity at expriences nila. Na masaya sila sa sinusulat nila. Maski na mabagal ang UD basta maganda.

Kalma lang friend. Inspiration is everywhere. But ideas are hard to catch. Wag kang mag-madali. Wag kang magkumpara. Sa tingin ko makakatulong yun :>


At yun nga, nakipag-usap ako kela ate tungkol sa fanfics nila to clarify everything. Narealize ko na sinulat ko yung mga yun para magpasaya ng tao. So Pinublish ko na lang ulit siya under 'Idol Dedics <3'

Nang dahil dun, mas naapreciate ko ang bawat comment at vote na buong puso niyong ibinigay. Hindi ba dapat ganun? Nagpapasaya tayo ng kapwa natin. Hindi para mapasaya ng ego.

Friends, mahirap umiwas na magkumpara. Bakit siya? Bakit hindi ako? Bakit ganito? Bat ganyan? Hindi ba pwedeng ako rin? Ganun tayo. Naging ganun din ako.

Pero natuto ako.

Itong how to gain? Never ko tong plinug or advertise. Kung gusto mo mag-advertise, hanap ka ng billboard. Pose ka pa ng sexy sa background. Ilagya in bold letters ang title mo at ang cover. Ex: "Ang Adventures ng Isang Ulol na Author na Maganda at Sexy at Cute at Feeling" 'Read on Wattpad.com, user FeelerSiFannie, wattcode ######' Yan. Ganyan ang effective plugging. Baka nga lang ma-MMDA kayo sa kalaswaan eklavu. O, MMDA ba yun?xDD Malay ko.

Pero if ever, if ever lang naman na from assumingness to tamang hinala na may magpapa-advice pa ulit, di ko na ipo-post muli. Atleast nakuha niyo yung general thought dito sa 1st advice ko no? Pero wag masyadong marami if ever ha? Puputok brain ko at marami akong school activities.


Di ko lang alam kung may kwenta ba advise ko ah?

Kayo ba, ano sa tingin niyo? About my advice, about ms. sender's current status, about my status in facebook, about beauty and brains, about Obama winning, about pollution, about the galaxy, about... sige, lahat na problemahin-- Mabuhay Philippines! I am contestant number 12!

Ikaw ba, wanna share your experience?

Isend sa, 000 at isulat ang <space>  Libre niyo nga ako <space> joke lang <space> comment na lang sa baba kung trip.xDD

**One smile per comment. Additional laughter may apply.

**Promo valid until dumating ang time na busog na si Fannie.xDD


PS: Isa pang Q & A sa external ^.^

How to gain MANY reads, followers & votes EASILYWhere stories live. Discover now