Watty Coffee

8K 393 147
                                    

The author controls the story.

Dahil sa kanya yung storya. Siya lang ang may karapatan na baguhin ito. Babaguhin niya kung gusto niya para sa sarili niya. Kumbaga, timpla niya yun ng kape eh.

Bakit mo pa sasabihin sa nagtimpla na dagdagan o bawasan yun kape, tubig o asukal e hindi naman ikaw yung nagtitimpla?

Parang, ikaw yung pumiling makitikim sa coffee niya kaya wala kang karapatan basagin ang timplang trip niya.

Wag mo ding aangkinin ang kape niya dahil lang natipuhan mo.

Kung di mo talaga malunok-lunok yung gawa niya, magtimpla ka ng kape na papatok sa panlasa mo.

At kung nagtimpla ka ng kape...

Wag mo ipag-pilitan yung kape mo sa bibig ng iba.

Pano kung ayaw pala nila sa brand ng kape mo?

Pano kung gusto nila ng brewed pero coffee shake yung ginawa mo?

Edi wala na. Wag mong ipapatong sa mesa nila yung hindi naman nila inorder.

Dapat hintayin mo silang humingi sa'yo.

Kesa naman hihigop sila tapos idudura din pala nila. Masakit diba?

Kung ayaw nila nung offer, tanggapin mo na lang kasi.

Wag mo din pagpipilitan na sabihin nilang masarap yung kape kung di naman sila nasasarapan.

Advice ko lang, wag kang makikiinom ng kape dahil lang marami kang nakikitang umiinom ng kapeng yun. Nakikiuso ka lang. Korni nun.

Pag makikiinom ka ng kape, dapat dahil na-attract ka sa scent/ aroma na binibigay yung coffee.

Maniwala ka sakin, mas maaapreciate mo yung coffee kung ikaw yung kusang lumapit.

Pero, kung linait-lait mo yung kape niya kasi naiinggit ka kasi mas masarap yung timpla niya kesa sa'yo at di mo kayang gayahin, iba na yan. Wag ka na lang mag-timpla at maki-inom at umalis ka na sa Watty Cafe.

Nahilo na ba kayo sa kape?? Nyahahahahaha. Gumamit ako ng metaphor eh. Tapos wala akong planong mag-explain sa mga parts na walang explanation. Bakit ako mag-eexplain? Syota ko ba kayo?xDD Intindihin niyo na lang. Hinde joke, eto, in simple words:

Ang pag-basa ng storya ay parang pakikipag-share sa kape. Bakit kape? Wala lang, yun yung inuming nasa utak ko nung sinusulat ko 'to eh.xDD

Bakit mo pa sasabihin sa nagtimpla na dagdagan o bawasan yun kape, tubig o asukal e hindi naman ikaw yung nagtitimpla?

Bakit mo pa sasabihin kay author na 'panget! palitan mo yung makakatuluyan ni gan'to ganyan! masyado namang sweet! masyadong bastos! masyadong boring, masyadong bitin dapat may ganito'. Ah hello po, di ikaw yung author. Bakit mo ididikta kung pano niya dapat gawin yung storya niya? Di ka boss kuha mo?

Parang, ikaw yung pumiling makitikim sa coffee niya kaya wala kang karapatan basagin ang timplang trip niya.

Kasi nga, nakikibasa ka lang. E kung ganun nga yung feel ng author, ganun gagawin niya. Bahala siya sa buhay niya. Kung gusto niyang paututin yung character, papaututin niya. Kung trip niya trip niya, hindi ka siya.

Wag mo ding angkinin ang kape niya dahil lang natipuhan mo.

So okay, feel mo yung pagkagawa niya sa storya. Feel mo ang plot, ang delivery ng scenes, ang characters, feel mo long hair mo, well, ang feeling mo.xDD Kasi gan'to yun, ampanget lang nung feeling. Panget as in yung feeling na natatae ka na pero kailangan mong pigilan. Okey, walang konek hahaha. Pero parang gan'to yan, kunwari gumawa ka ng project sa school. Pinerfect ng teacher yung project. Tapos biglang yung epal mong kaklaseng sarap sampalin ng hilaw na isda [di ko alam kung bakit hilaw na isda naisip ko.xD siguro dahil malansa yung classmate mong yun] biglang sinabing 'Ma'am akin yan!' Sabay bigay sa kanya ng score. Da potchi lang. Utang na loob. Kung wala ka nun, umutang ka sa sari-sari sa kanto kahit konti lang. Sinasabi ko sayo, hindi yun form of flattery. Form of stealing yun. Sakit lang kasi sa bangs na yung pinaghirapan mo ay aangkinin lang ng iba. Yung parang, lahat ng effort mo naging 'pagmamayari' lang ng ibang di mo naman kilala dahil lang sinabi niyang sa kanya yun. Hindi lusot ang pahabol na: 'I'm posting this kasi idol ko siya or ang galing-galing kasi niya or ang ganda ng storya' o kung ano mang papuri mo.We prefer readers rather than reposters :>

Kung di mo talaga malunok-lunok yung gawa niya, magtimpla ka ng kape na papatok sa panlasa mo.

Kung ayaw mo naman sa story niya, what's the point of hate? May satisfaction ba? Alam mo, pagkain lang ang nakakasatisfy hindi ang pagiging hater. Lumamon ka na lang. O di kaya, gumawa ka ng story na sasatisfy sayo. Sabi nga ni Toni Morrison, 'If there's a book you really want to read but it hasn't been written yet, then you must write it.' Ibig sabihin lang nun, maganda ako. Maganda sa dilim, maganda pag nakatalikod at maganda sabi ng nanay ko. Pero wala lang, bigla ko lang naisip yung kagandahan ko. Walang konek.xD Pero seryoso, ang gusto niya lang sabihin, only you can satisfy your self. Humanap ka ng ikakakuntento mo sa sarili mo. Gumawa ka. Kahit ipis pa na nagngangalang Boknoy yung bida, kung yun ang feel mo edi gora [go ba meaning nun? yun ang pagkakaintindi ko eh.xD] ka lang.

At kung nagtimpla ka ng kape...

Wag mo ipag-pilitan yung kape mo sa bibig ng iba. Pano kung ayaw pala nila sa brand ng kape mo? Pano kung gusto nila ng brewed pero coffee shake yung ginawa mo? Edi wala na. Wag mong ipapatong sa mesa nila yung hindi naman nila inorder. Dapat hintayin mo silang humingi sa'yo.

Avoid pursuing people to read your work. Sige, sabihin na nating maganda yung gawa mo, pero wag mo namang ipag-pilitan sa iba. Hindi ka advertising agent. Wag kang feeling. Ako nga feeling pero di na nagaadvertise eh.xD Yup hindi na. I once did that. Pero I'm not doing it again. Madalas kasi it's a newbie thing eh. Pero past na yun. Kaso ayun nga, pano kung di naman nila trip ang love story? Pano kung gusto nila suspense? Edi less chance na feel nila yung story mo. Wag mong ibibigay yung link na hindi naman nila hinihingi diba?

Kesa naman hihigop sila tapos idudura din pala nila. Masakit diba? Kung ayaw nila nung offer, tanggapin mo na lang kasi.

Pagkatapos, eto naman yung masaket. Yung kunwari binigay mo tapos nalait-lait ka. Not criticize ha? Lait. Yes. Di ko alam yung English niyan. Itratranslate ko pa sana sa English para eksaherada kaso yung lalabas sa google translate 'infamous.' Hallur? Ano konek nun? Teka, ichecheck mo kung yun ba talaga yung lalabas no?xDD Anyways, ayun nga, wag mo na lang kasi ipagpilitan na i-vote or comment kung di naman nila gusto. Kung nasaktan ka sa ginagalaw ng pinagbigyan mo ng link, e sira, nagpapakatotoo lang yung tao.

Wag mo din pagpipilitan na sabihin nilang masarap yung kape kung di naman sila nasasarapan.

Kasi ano ka direktor? Bakit may script? Direktor ka? Kaya kalimutan na yang ganyang habbit. Hindi namna talaga kalimutan yung gusto kong word pero nakalimutan ko yung word na gagamitin ko talaga sana.xD

Advice ko lang, wag kang makikiinom ng kape dahil lang marami kang nakikitang umiinom ng kapeng yun. Nakikiuso ka lang. Korni nun. Pag makikiinom ka ng kape, dapat dahil na-attract ka sa scent/ aroma na binibigay yung coffee. Maniwala ka sakin, mas maaapreciate mo yung coffee kung ikaw yung kusang lumapit.

Eto ang kadalasang ginagawa ng reader: ang nakikiuso. Ang pag-basa ng story because of its rankings. No, dapat binasa mo yung storya dahil the title/ prologue/ introduction tickled your mind, made you curious and caught your attention... hindi dahil maraming nagbabasa or dahil may certain someone na nagbabasa nun kaya binabasa mo narin. Kasi, hindi naman damit ang story. Di mo kailangan makiuso.

Pero, kung linait-lait mo yung kape niya kasi naiinggit ka kasi mas masarap yung timpla niya kesa sa'yo at di mo kayang gayahin, iba na yan. Wag ka na lang mag-timpla at maki-inom at umalis ka na.

For short, kung ang ginawa mo lang ang manira at manakit ng damdamin, sana mawala ka na sa mundo ng Watty at maflush sa toilet kasama si Nemo.

So ayan ang aking Watty Coffee, freshly brewed pero matagal nang stucked sa utak ko. Abangan pa ang ibang opinion na nakalap ko sa Watty neks taym dahil ang mga impakto at impakta ay hindi natin, tatantanan! xD

Nagmemetaphor,
♥Fannie 

How to gain MANY reads, followers & votes EASILYWhere stories live. Discover now