Imagine 3

113 23 8
                                    

Imagine mo na 'yong daks at loyal mong jowa ay nakatira sa kabilang city at dahil lockdown, hindi ka niya mapuntahan.

Pero dahil sobrang miss ka na niya, tumawag siya sa 'yo para sabihing magkita kayo saglit sa border ng city. At dahil na-miss mo na rin siya, pumayag ka.

And there, pagkarating na pagkarating mo pa lang, nakita mo na siya agad. He' s a wearing a mask pero kitang-kita mo ang pag-agos ng luha niya nang makita ka niya.

Nilapitan mo siya at nanghina ka sa katotohanang kahit sobrang lapit niyo na ay hindi mo siya puwedeng mahawakan man lang dahil sa border line na nasa pagitan ng mga paa ninyo. Patago lang ang nangyaring pagkikita kaya sinabi niya na sa 'yo ang mga gusto niyang sabihin.

Na miss na miss ka na niya and that he can't wait for this whole fucking pandemic to be over. He kept cursing habang ikaw ay iyak lang ng iyak, hanggang sa hindi mo na nakayan ang nararamdaman mo't humakbang ka na patungo sa kanya.

Iyon nga lang, bago ka pa nakalagpas sa border line ay dumating na ang mga pulis at hinuli ka na.

Ganoon din ang daks at loyal mong jowa.

Both of you were crying pero mas matindi ang paghihinagpis niya. He promised that once this mess will be over ay pupuntahan at pupuntahan niya agad-agad para mayakap ka niya ng mahigpit.

"Bogoshipo. Saranghae..." was his last words bago siya naglaho sa paningin mo. At noong nakabalik na sa bahay ay iyak ka lang ng iyak sa kama mo habang inaalala mo siya. Imagine. Just imagine.

Sometimes When I'm Lonely I Pretend I'm a CarrotWhere stories live. Discover now