Galit

52 11 2
                                    

May klase ng galit na mapaminsala. Iyong galit na kapag nasaktan tayo ay binabalik at binabato natin ang hinanakit natin sa mundo sa iba’t ibang paraan, bagay, o tao? May uri ng galit nakakapaghilom ng mga sugat. Iyong galit na tinutulak tayong magpatawad, bumitaw, at humakbang ulit?

May karapatan kang magalit. May karapatan kang ramdamin ito at itabi ito sa iyong pagtulog ng ilang araw, buwan o taon. Pero sana huwag umabot sa punto na maging kaisa mo ang galit. Na maging lason ito sa ‘yo. Kapag tapos ka ng yakapin ito ng mahigpit, sana mas piliin mong itakwil ito. Pero kung hindi man, sana ay mas piliin mong gawin itong uri ng galit na nakakapanggamot---hindi lang ng mga sugat mo kundi pati na rin ng mga sugat ng iba. Matuto kang lumaya sa kahit anong bigat. May kakayahan kang umiwas at umahon sa paglubog.

Sometimes When I'm Lonely I Pretend I'm a CarrotOnde histórias criam vida. Descubra agora