Good Looks

40 11 0
                                    

Good looks will bore you. One day, you’ll realize na ‘yong hinahanap-hanap mo pala talaga, is ‘yong may good heart. Darating ‘yong time na matatanto mo na lahat tayo ay magmumukhang ugat na inilagay sa garapon at maiisip mong mas gusto mo pala ‘yong mas mapapaligaya ka, mas mapapangiti ka at mas mapapatawa ka. Magmumukha man kayong ugat pagdating ng panahon pero at least, may good memories ka sa taong ‘yon. Gusto ni Christian Gray na takpan ‘yong mga mata ni Anastasia Steele kapag nag-toot sila so what’s the point? The point ‘yong pagto-*toot* ay iilang minuto lamang sa libo-libong oras mo. Unless kung magto-*toot* kayo minu-minuto. Bonus kung cute pero malaking bonus na rin kapag mabango lang. At isa sa mga araw na ‘yon na kasama mo siya, ‘yong nagtatawanan kayong dalawa, mare-realize mo rin na kahit hindi ganoon ka-tangos ang ilong niya, siya naman ‘yong pina-maganda/guwapong nilalang sa mga mata mo. And that you love him/her so dearly you’ll ask God to make both of your time infinite, pero hindi puwede kasi wala namang ganoon. Kahit ang araw, pagdating ng panahon e sasabog kasama ng iilang bituin. And on your deathbed, masakit mang tanggapin ang pagtatapos pero alam mong naging masaya ka kasi pinili mo siya at pinili ka niya. And you know that it was true love. And it was more than infinite.

Sometimes When I'm Lonely I Pretend I'm a CarrotWhere stories live. Discover now