Heartbreak

42 8 4
                                    

Naiingit siya sa mga taong nakakaranas ng heartbreak. Kahit kasi hindi magandang karanasan ang pagkabiyak ng puso, nangangahulugan naman iyong nagmahal at minahal ka ng totoo. Kasi kung hindi, hindi mararanasan ng puso mo ang sakit na iyon. Hindi pa siya nakakaranas ng heartbreak. At kung mararanasan niya man ito balang araw, hinding-hindi siya magsisisi. If a heartbreak indicates that you have tried loving someone and that someone has tried to love you back, even just in a finite amount of time, then that kind of break in the heart will surely be worth it. Ang tanong niya lang ngayon, hanggang kailan nananatili ang heartbreak? Kapag ba nagkalimutan na kayong dalawa, wala na? Kapag ba pareho na kayong may nakilalang iba, wala na? Sabay ba iyong nawawala? O kung hindi sabay, sino ang nakakaranas ng mas matagal? At kung matagal, gaano katagal? Napabuntong hininga siya and then she realizes, not experiencing a heartbreak is also a heartbreak.

Sometimes When I'm Lonely I Pretend I'm a CarrotWhere stories live. Discover now