Chapter 1

7 0 0
                                    

Nagising akong subrang sakit ng mata.
 
Naalaala ko na naman ang mga sinabe sakin ni Dean.

" abi  I'm sorry... kailangan muna natin 'to."

" Dean please.. No!  "

"Tanggapin nalang natin na di tayo para sa isa't isa. Tanggapin nalang natin na hanggang dito nalang talaga tayo."  walang emosyong sabe nito.

"Bakit Dean?  All of the sudden?
Huh? Dean tanggap ko naman na wala kang time sakin." napahawak  na siya sa braso neto. "Ayos lang sakin na kahit konting oras mo lang.  Please Dean ... Don't .... don'do this to me." akmang aalisin niya ang kamay ko. "No! Please.." napahagulhol na ako.  Wala na akong pake kung may nakatingin man sa'min ngayon.

" As i said abe.. let's take a break ."

"Dean. Please!!!!" naiyak na talaga ako. Ang sakit.  Wala na atang makakapantay. Di ako makahinga. " Kahit nga nakalimutan mo ung monthsary natin. Kahit minsan mo nalang ako kinakausap. Di naman ako nagalit sayo diba?! " huminga ako ng malalim. " Please Dean! " :'(

Akmang aalis siya yumakap ako sa likod niya. At pinilit niyang inalis yung kamay ko kahit hinigpitan ko ang paghawak pero mas malakas siya. "Dean!  No. no no no Please! Mahal kita Dean! Ayaw ko!. "

"Abe  Look. " huminga siya ng malalim habang humarap sakin. Nakatingin ako sa mga mata niya. " Abe.I'm really sorry to say this, pero hindi na talaga kita mahal. I feel out of love with you. I'm sorry pero yun ang totoo. Simula nung hindi na kita tinitext di na kita kinakausap. Pero minsan pinilit ko yung sarili ko maibalik sa dati pero hindi na Abe. Sana maintindihan mo ako. At sana matanggap mo. Sorry!" at binitiwan niya na ang mga kamay ko.

   Tunganga nalang ako't bigla akong nawalan ng lakas. Ang naalala ko nalang may humawak sakin at binuhat ako paalis don. Gusto ko pa siyang kausapin pero walang lumabas sa bibig ko. At nawalan na ako ng malay.....

     Napahagolhol na naman ako sa pag iyak.

Subrang sakit!

Ang sakit! Hayyyyy!!!

"Anak abi?!" si mama "Okay ka lang ba anak?"

"H-ha?" sabe ko habang pinipigilan ang paghikbi. "O-opo Ma!" sabe ko.

"Buksan mo 'to nak may hinahanap ako e". hayy si mama talaga. Kilala na ako ni mama pag ganito di ko siya pagbubuksan kaya ayan hahanap siya palusot.

"Ma-ma.."! sambit ko habang pinagbuksan ko siya.

"Abigail! " nakatingin siya sa'kin na parang alam niya.

Wala kase akong tinatago kay mama. Kaya parang alam niya na pag ganito ako hahanap siya Kaya niyakap niya ako.

"Sige anak iiyak mo lang yan" Niyakap niya ako.

"Ma.....haaaaaa! Ang sakit!!" 

UMIYAK NA ako sa balikat ni mama. Salamat kay mama.. Binuhos ko lahat ng sakit. Umiyak ako ng umiyak.

"Si Dean ba?"
Tanong niya ng nahimasmasan ako.
Tango lang ang sagot ko habang naluluha pa rin.

"Sabe ko na nga ba. Wala talaga akong tiwala sa lalaking 'yon." sabe niya ng may pamamaktol. "Hayaan mo anak pag makita ko yon may sapak siya sa'kin" pinahid niya mga luha ko gamit kamay niya. "Pasensiya na anak ha! Di kita nabantayan sa school mo. Kung andon lang ako may palo talaga yung mga nanakit sayo. ! " Sabe niya na pagalit.

"Ma naman.... " sabi ko

"Basta wag lang talaga magpakita ang Dean na yan." nag hand cross siya. "Oh siya kain muna tayo. Nang mapag usapan natin paano magantihan 'yang Dean."

Tumayo na ako kase kita ko ang pagod kay mama. Ayaw kong ma stress si mama dahil sakin. Stressed na nga siya sa work dadag pa ako? eh ito lang naman problema ko. Kailangan kong magmature. Kailangan marunong na ako maghandle sa problema ko.

Habang kumakain kami. Ngayon ko lang namalayan na nagutom na pala ako. Simula kaseng nakipagbreak sa'kin si Dean nawalan na ako ng ganang kumain. Luto lang pala ni mama ang makapag pagana sakin.

Kumain ako ng marami....

Nang matapos kami. Nagligpit na aKo.
Si mama naman may kausap sa phone sa work ata.

Kahit papano medyo okay n aKo.

Pagkapos ko maghugas. Nasa kwarto n ata si mama. Kaya pumasok na rin ako sa kwarto ko.

Chineck ko muna lahat ng gamit ko sa school. Ang dami ko palang namissed.  Ginawa ko muna mga assignment ko.
Inaantok na rin ako pagkatapos. Kaya humiga na ako. Kailangan kung bumawi.  Hindi sa lahat ng panahon na ganito ako.. Kailangan kung makabawi sa lahat ng nawala sakin.

Nakatulog na ako.





Falling Inlove with my GayfriendWhere stories live. Discover now