Chapter 9

1 0 0
                                    

DUMERETSO si Mack sa kusina pagkalabas niya ng kwarto.Mabilis siyang nagsalin ng tubig sa baso at dere-derechong ininom.Nanginginig ang buong kalamlaman niya.Hindi niya malaman kung bakit nagawa niya iyon parang may biglang sumapi sa kanya para gawin iyon kay Abe.Simula nung nahalikan niya si Abe nag iba lahat ang pagkatao niya, nag iba na ang gusto niya.Kahit sa panaginip hinahalikan niya si Abe sa hindi niya malamang dahilan.

Napaigtad siya sa pagbukas sarado ng kwarto niya alam niyang si Abe iyon.Mabilis niyang sinundan ito hanggang sa makalabas ng gate.
Lakad takbo ang ginawa nito.
Napansin niyang nasa parke na sila at naupo roon si Abe na nakatalikod sa may gawi niya.

Napalingon si Abe ng may narinig na nagtatawan at ganon din ang ginawa niya.Ganun nalang ang pagkabigla niya at sila Dean at Karen iyon. Napatingin siya gawi ni Dean may karga itong baby na nasa 5mos old.

Tinignan niya si Abe nakalukot ang mukha at naikuyom ang kamao nito.Parang handa ito na  sugurin sila Dean.

Nilapitan niya at pinirangan ang mata gamit ang kamay niya.

"Gues who?" pabulong na pagkasabe niya.

Dahan-dahan namang tinanggal ni Abe at napatayo ito sa gulat ng makita siya.Halata sa mga mata ang galit nito.

"Niloko lang pala ako ni Dean,"halata sa boses ang pagkasabe nito."For the past year namin na naging kami?Tapos halos dalawang buwan pa lang kaming hiwalay malalaman ko may anak siya.The heck!"

  Tumingin ito sa gawi nila Dean  akmang lalapit ito.Hinawakan niya ang braso nito upang mapatigil.

Galit na galit namang tinignan siya ni Abe at nagpupumilit itong alisin ang kamay niya.

"Ano ba Mack niloko niya ako, at ang sakit sakit.Minahal ko siya subra.Tapos ito? What the! Bitawan mo'ko Mack."Pagpumilit nito.Pero hindi hinayaan at mas hinigpitan niya ito.

"Please Abe not now, kumalma ka muna."Aniya.
"Pa'no ako kakalma?Sabihin mo nga sakin!Palibhasa kase wala kang alam sa nararamdan ko.....Ang sakit sakit...Tang ina Niya..Putang Ina siya...."Pasigaw na pagkasambit nito humagolhol  sa pag iyak.

Hinayaan niya muna si Abe na umiyak pero hindi niya binitawan ang mga kamay nito na pilit nitong inalis.

"Deput* siya! King ina niya! Hayop siya! Haaaaaaaa!"Tuloy tuloy na pagmura nito galit na galit.
Ilang minuto rin silang ganun.
Hanggang sa tumigil ito sa pag iyak saka naman niya binitawan ito.Pero nagulat siya't bigla nalang itong tumakbo at nagpara ng taxi.

MABILIS na pumasok si Abe sa taxi na pinarada niya.At binigay niya ang adress na pupuntahan niya.

Pagkarating niya nag doorbell muna bago ito bumukas.

"Ano ang kaila-" napatigil ito sa gulat na makita siya ni Dean."O Abe ikaw pala.A-anong kailangan m-mo."
"Ikaw.....Dean kailangan kita bumalik ka na sakin please....."Hindi niya napigilan na humikbi. Galit siya dito pero nawala nalang bigla iyon nang nakita na niya ito.
"A-abe hindi na pwede."malumanay na pagkasambit nito."Kase ano e.." napatigil ito.
"Dean....how dare you! I hate you Dean! Alam mo ba yun?All these years ha?Pinagloloko mo lang pala ako! Tang ina mo!" Matigas na pagkasabe niya habang nangingiyak na.

"Abe anong p-pinagsasabe mo?" naguguluhang tanong nito.

"Hindi mo alam kung ano pinagsasabe ko?.Tang ina naman Dean.Sa loob ng isang taon pinaglalaruan mo lang pala ako.Sa loob ng isang na taon na may relasyon tayo.Gago ka! Halos dalawang buwan palang tayong hiwalay malalaman ko na may anak kana?  Ano yun....?" umiyak na siya." Dean bakit ako?.....bakit?......"

"A-abe im sorry.....Pasen-

"Putang in* mo! Gago ka! Gago ka!" pinagbabayo na niya ito ng suntok sa dibdib.

"Babe... What happen?" malambing na pagtawag na babaeng nasa likuran ni Dean.At napatingin siya dito.Karga karga nito ang baby na umiiyak.

"Abe...  umalis ka na please..Napag usapan na natin to.Huwag muna akong guluhin.May pamilya na ako.Hindi mo ba na gegets 'yon?"Nakatingin ito na walang emosyon.

"I hate you....." At tumalikod na siya patakbo.

Takbo lang si Abe ng takbo.Dere-derecho lang siyang tumakbo sa kabilang kanto.Pero hindi niya inakalang may papalapit na kotse dahil mabilis ang pangyayari. Bigla nalang siyang nabunggo at tumilapon siya sa pader.At   nawalan siya ng malay.






You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 18, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Falling Inlove with my GayfriendWhere stories live. Discover now